
21/09/2025
Share ko lang. Since nagsimula akong tumugtog at magkabanda, naransan kong makatugtog sa mga fundraisers for fellow musicians in need of medical aid. Mga fundraisers para sa mga nasalanta ng mga bagyo at baha. Ang sarap ng feeling na nakakatulong ka and it made me proud of fellow musicians who share their talents for the benefit of fellow musicians and other causes. Pag nasa mga ganitong fundraiser ka, mararamdaman mo yung feeling ng pagmamahal at pangangalaga ng mga musikero sa isa't isa.
Fast-forward to today, I look back at those fundraisers na natugtugan ko and realized na hindi sapat na tayo lang a mag-alaga sa isa't isa. All the beneficiaries of the fundraisers I played in pay taxes everyday. Taxes na mapupunta sana sa healthcare. Taxes na napupunta sa flood control projects para hindi na sila bahain. Tapos nananakaw lang. As much as I love playing at fundraisers, I hope na dumating ang araw na hindi na namin, natin kailangang gawin yun. Until that day comes, I will still wholeheartedly play for fundraisers. But at the same time, I will continue participate in opportunities to raise awareness that we should demand more from our government systems when I can. Simpleng mensahe lang sa mga nakaupo: Araw-araw pinopondohan namin kayo. Alagaan nyo naman kami! Wag nyo kaming kupitan!
"Kupitero" Prof. Cielo Magno X Jake Regala X Me