
15/06/2025
CLASSROOM SHORTAGE BUBULAGA SA BALIK-ESKUWELA
Muli na namang kakaharapin ng mga g**o ang lumang problema sa eskuwelahan sa pasukan ng mga estudyante sa Hunyo 16, ang pagsisimula ng School Year 2025-2026.
Sa panayam ng ‘Saktong Tapatan’, sinabi ni Ruby Bernardo, pangulo ng Alliance of Concerned Teachers sa National Capital Region, lumang problema gaya ng sira-sirang classroom at siksikan sa klase ang kakaharapin ng mga g**o at estudyante sa Lunes.
Iginiit ni Bernardo na hindi pa rin natutugunan ang problema sa kakulangan ng classroom na susi para maabot ang angkop na learning environment.
Binanggit din niya ang kahalagahan ng suporta ng gobyerno para matugunan ang problema sa edukasyon. Hirap umano ang pagtuturo kung lagpas sa 50 ang estu¬dyante sa bawat classroom.
Mahalaga aniya na matugunan ang student to teacher ration na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba kahit kumuha ang Department of Education ng karagdagang 20,000 mga bagong g**o.
Hinamon ng ACT-NCR si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isama sa kanyang State of the Nation Address sa Hulyo ang mga dapat na solusyon para makamit na ng bansa ang dekalidad na edukasyon.
Source: ABANTE NEWS