Nelg page

Nelg page GSM

16/11/2024

MAGAT DAM, ITO BA ANG SANHI NG PAGBAHA SA CAGAYAN?

Sa magkakasunod na bagyo at pag-uulan na naranasan sa Rehiyon at karatig probinsya, na sa susunod na araw ay madaragdagan pa sa pagpasok ng Bagyong Ofel at Pepito, ang pagbaha sa mga nasa mabababang lugar ay laganap na.

Sa katangian ng Cagayan River o binansagang Rio Grande de Cagayan, bilang pinakamahabang ilog at ang ilog na may pinaka malaking water discharge sa bansa, sa pag apaw nito, marami ang apektado: tao, buhay at kabuhayan.

Subalit dapat alamin natin saan ba nanggagaling tubig papunta sa Cagayan River?

May 19 na ilog na ang daloy ay deretso sa Cagayan River. Hindi nasusukat o napipigilan ang daloy. Pang 20 na ilog ang Magat River. Ang natatanging ilog na ang daloy ay nasusukat at napipigilan sa pamamagitan ng Magat Dam and Reservoir.

Sa bawat pag-uulan at bagyo na dumadaan sa Luzon at sa Magat Watershed, ang operasyon ng Magat Dam ay mas lalong pina iigting.Ang pagbubukas ng Spillway Gate ay naka angkla sa datos at base sa koordinasyon ng iba't ibang government agencies.

Kung buksan na lang ang Spillway Gates na mas maaga bago dumating ang bagyo... Yes, ginagawa po natin ito. Pre-release Activity at ito ay nakabase ulit sa FORECASTED rainfall from PAGASA and ACTUAL recorded rainfall.

Subukan nating isipin, kung wala ang Magat Dam and Reservoir na sasalo sa tubig mula sa Magat River, ano ang mangyayari sa nasa downstream gaya ng Cagayan?

sa

Address

Ramon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nelg page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share