20/02/2026
๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐.
๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
, ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐
๐๐๐๐, ๐๐๐-๐๐๐๐๐. ๐ฎ๐๐๐โ๐ ๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐.
Para ito sa sakripisyo naming lahat. Hindi lang โto tungkol sa costume, tungkol โto sa lahat ng tiniis namin para mabuo siya.
Sa mga magulang na nagalit kasi gabi na naman kami umuwi, sa ambagan na akala mo tapos na pero may pahabol pa sa lunes.
Mano-manong tinahi ang napakalaking kapa, tatlong araw na halos hindi tumayo ang painter para lang mabigyan ng kulay ang lahat kahit na ang likod niya parang susuko na. Mga kamay at buhok namin laging may pintura, kahit sa pagkain may bahid pa ng pintura. At oo, may mga gabing gutom na kamiโhindi na umaalis sa school para gumawa ng costume, hindi na muna umuwi para kumain. Tinitiis ang kumakalam na sikmura kasi mas inuuna matapos ang dapat tapusin.
Si Harris, kabado lagi. In denial pa nung una, ayaw talagang sumali. Pero lumaban pa rin. Yung โkalabawโ naming nabunot ang number 1, walang reklamo, hmmmp dapat lang, binuhat ang responsibility kahit mabigat.
At sa gitna ng lahat, Diyos ang gumabay at nagprotekta sa amin. Siya ang nagbigay ng inspirasyon at lakas nung pakiramdam namin ubos na. Kaya kung may bunga man ang lahat ng puyat, gutom, pagod, at sakripisyo, ito na โyon. Hindi lang panalo, kundi patunay na may saysay ang bawat tiniis namin. โจ
Para sa nagkakaisang Bonifacio, para sa mga magsasaka, at para sa ating Panginoon. ๐ฑ๐พโ๏ธ