Ang Aking Buhay

Ang Aking Buhay Those who r content r truly the richest.Even f they hve little, their minds are filled with happiness

ANG AKING BUHAY, SA IYO LAMANG IAALAY... SA IYO LAMANG IBIBIGAY.

22/06/2025

Tanong ng isang sender:
Bawal ba magmahal at mainlove gayong pareho naman kayong malaya?
Hindi ko masagot ang tanong nya.
Leave ur comment below baka sakaling mabasa ng sender natin

22/06/2025

Sa mga nagpapadala po ng mensahe dito sa page, sa susunod na araw ko na lang ipopost at gaya po ng pakiusap ng mga senders, hindi ko po ilalagay ang inyong buong pangalan. Sa mga nais maglabas ng saloobin, karanasan sa buhay at mga problemang pinagdadaanan, open po ang page na ito na ipadala ang inyong mensahe through messenger para mapagaan ang inyong dalahin. Salamat pong muli

21/06/2025

Message from SIR ARDEE to someone out there.
Salamat po sa padalang mensahe at lahat po ay inaanyayahang magpadala sa messenger ng inyong mensahe para sa minamahal.

😍Lumipas ang araw, panatag ang kalooban Kahit nasasabik na makausap ka pinili kong makuntento na lang Alam ko rin naman na pareho tayo ng nararamdaman Kaya naghihintay lang ako ng oras mo na sa akin ilalaan.

Mas mahirap pala kung magpapakontrol tayo sa bugso ng damdamin, yung wala ng pang unawa sa puso at pinabibigat lalo ang sitwasyon, buti na lang natanto ko na hindi pala solusyon ang pagmamaktol at pagiging arogante . Natuto akong maging kalmado at nakikinig na sa mga payo mo para sa ikabubuti natin. Salamat sa pagmamahal at pang unawa. Lagi mong iisipin, kahit hindi na tayo nagkikita araw araw, ikaw palagi ang nasa puso at isipan ko. PINAKAMAMAHAL KITA

20/06/2025

Salamat AMA
Natapos na naman ang isang araw na masaya, bagamat maraming problema pero nalalampasan namin ang lahat dahil Nariyan ka. Salamat sa iyong gabay at mga biyayang nagagamit mmin sa araw araw.
Ingatan mo po kami palagi.
Salamat pong muli...
Amen

19/06/2025

Kailangan ba talagang maapektuhan tayo ng mga problema
Mga problemang minsan hindi na angkop sa ating buhay
Pwede naman siguro nating 'wag pagtuunan ng pansin ang mga ito
Lalo na kung pareho lang tayong nahihirapan.

Hayaan na lang nating sugurin tayo ng mga problema
Na parang raragasa sa bawat dinadaanan natin
Tulungan mo na lang akong ilihis at iligaw ang daan
Nang sa ganoon ay hindi maglalagi ang problemang yan sa ating dalawa.

Napapansin mo ba?
Na kapag binibigyan natin ng oras ang problema na wala namang solusyon
Parang hindi umuusad ang buhay
Parang kay- bagal at kay- bigat
Parang makipot ang daan, matinik at bawat hakbang ay naroon ang sakit
Pero kung ililihis natin at gugulin ang oras na masaya
Lahat ay gumagaan
Paligid ay nagkakaroon ng masiglang kulay
Sa mga sandaling nakatitig ka sa akin, naaaninag ko ang iyong mga ngiti
Na parang nakaukit sa buhay mong larawan na may tuwa at galak
At hindi maiwasang napapangiti na rin ako
Umikot ang mundo kaalinsabay ng pag awit ng mga ibon sa himpapawid
At hawak kamay tayong titingala sa taas at nagpapasalamat sa buhay
Buhay na puno ng saya at hindi nagpapatinag sa mga problema.

Ganyan palagi, palaging masaya dahil kapag nadaig tayo ng problema,
Wala tayong kalaban laban.
Oo nga't ang kalungkutan ay bahagi pa rin ng buhay
Ngunit kailangang piliin pa rin natin ang maging masaya
Para laging panalo, at ang problema.... TALO, kusang lilipas at mawawala.

Padalang Sulat sa messenger ng isang tagasubaybay.
Salamat pong muli sa pagpapadala ng mga talatang may kaugnayan sa araw araw na buhay.

17/06/2025

Ang pag-ibig ay parang gitara.
Laruin mo lang huwag mong seryosohin
Hanggang makuha mo ang tamang tono
At sa bandang huli
Kapag nakuha mo na ang tamang nota
Doon ka magseryoso para hindi sya mawala.

17/06/2025

Sumisigla ang pakiramdam ko
Kapag nakikita kong masaya ka
Gumagaan ang aking kalooban
Sa tuwing nakangiti ka
Dahil alam kong gaya ng nararamdaman ko
Ganun ka din at di mo iyon maitatago.

Madalas naliligaw ako sa bugso ng aking emosyon
Hindi ko makontrol lalo na kung nakakaramdam ako ng pagkasabik
Dahil nasanay akong nariyan ako lagi sa iyong tabi
Masayang nag uusap at nangangarap ng may ngiti sa labi.

Maraming bagay akong pinanabikan
Sa araw araw na magkasama tayo di natin namalayan
Marami na palang dilang nagliliyab
At bibig na di mapigilan
Gumawa ng kwento at gusto tayong hadlangan
Nasaktan tayo pareho
ngunit walang laban
Kaya minabuti nating mag tiis na lamang
Kaysa magkalayo tayo ng tuluyan.

Ito lagi ang iyong tatandaan
Minsan lang kitang iibigin at mamahalin
At ang minsan ay nangangahulugang magpakailanman
Kaya minsan hayaan mo ding ipadama ko ang pagmamahal sa simpleng paraan
Tulad din ng iyong pangakong binitiwan
Na habang may buhay mamahalin mo din ako ng walang pag aalinlangan.

Mga simpleng pangungusap na ating binibigkas
Tila ba idinuduyan sa ulap ang ating kaisipan
Ang diwa nati'y laging magkasama na parang sumasabay sa hangin
Kahit saan tangayin ang ating kamalayan
Hawak kamay pa rin at ang isa't isa'y hindi bibitaw kailanman.

Ito po ay sulat-tula na padala ng ating tagasubaybay at sana daw ay mabasa ng kanyang minamahal at mamahalin kailanman

16/06/2025
BASAHIN: ‼️Ang pagbagsak ng eroplanong Air India.Para sa iba, isa lang itong panibagong ulat ng balita.Pero para sa akin...
16/06/2025

BASAHIN: ‼️
Ang pagbagsak ng eroplanong Air India.

Para sa iba, isa lang itong panibagong ulat ng balita.
Pero para sa akin, isa itong malalim na paalala kung gaano kahina at hindi inaasahan ang buhay.

4 na buhay. 4 na kwento. Apat na makapangyarihang aral na nagbago ng pananaw ko sa oras, layunin, at biyaya ng bawat sandali.

Una:
Isang pamilya na matagal nang nangangarap na makalipat sa UK. Paulit-ulit silang nahadlangan dahil sa mga responsibilidad, pagkaantala, at mahihirap na desisyon. Sa wakas, nakasakay rin sila sa eroplano… pero hindi na nila narating ang kanilang paroroonan.

At doon ko napagtanto: Ang dami nating plano para sa “balang araw.” Pero kung palagi nating ipagpapaliban, ang “balang araw” ay nagiging wala na lang.

Ikalawa:
Isang babae na dapat sana'y kasama sa biyahe.
Na-late siya. Hindi siya umabot sa check-in. Nakiusap siyang makasakay, pero tinanggihan. Galit, dismayado, pakiramdam niya'y bigo…Hanggang sa nalaman niyang ang pagkaantala ay isa palang proteksyon mula sa Diyos.

Hindi palaging ibinibigay sa atin ang gusto natin, dahil may nakikita ang Diyos na hindi natin kayang makita.
Minsan, ang “hindi” Niya ang dahilan kung bakit tayo buhay pa.

Ikatlo:
Isang lalaking nakaligtas. Nahati sa dalawa ang eroplano, at napunta siya sa bahagi na hindi nasunog.
Lumabas siyang buhay, nanginginig, gulat, pero buo.
Sa gitna ng isang trahedyang halos walang nakaligtas.

Hindi ito basta swerte. Ito ay layunin.
At naalala ko ang talatang ito:
"May panahon para sa lahat ng bagay, at oras para sa bawat gawain sa ilalim ng langit." – Eclesiastes 3:1
Hindi pa niya oras.

Ikaapat:
At yaong mga hindi na nakauwi. Mga taong may pangarap. May pamilya. May kwentong hindi pa tapos.
Huling halik sa mahal sa buhay noong umaga… na hindi nila alam, huli na pala.

Paalala patungkol sa ating buhay:
Walang kasiguraduhan ang oras.
Hindi tayo siniguradong tatanda. Hindi tayo siniguradong may “mamaya.” Ang meron lang tayo ay ang ngayon. Isang hininga. Isang tibok. Isang pagkakataon.

Kaya habang may ngayon ka pa, Habang humihinga ka pa, malakas ka pa, may kakayahan ka pa ay huwag mo itong sayangin. Huwag mong hintayin ang “perpektong panahon.”

Magmahal ka ngayon. Humingi ng tawad ngayon. Magpatawad ngayon. Mangarap ngayon. Magsalita ngayon.

Dahil ang buhay, hindi palaging may babala.
At minsan… ang “susunod na pagkakataon” ay hindi na dumarating.


Ctto

Address

Serrano, Coral
Ramos
2311

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Aking Buhay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share