18/09/2025
๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ฌ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ โ
โ
โMasaganang nagbigay ang Tarlac State University (TSU) ng isang mahalagang pagsasanay sa mga piling mag-aaral ng Ramos National High School (RNHS) upang palawigin ang kakayahan at kaalaman ng bawat manunulat noong ika-12 ng Setyembre, 2025.
โ
โPinangunahan ng TSU ang isang pagsasanay sa mga estudyante ng RNHS sa larangan ng pagsusulat sa iba't-ibang kategorya tulad ng News Writing, Sports Writing, Feature Writing, Column Writing, Editorial Writing, Editorial Cartooning, Science and Technology Writing, Copy Reading, Photojournalism, Desktop Publishing, at Radio Broadcasting.
โ
โGayunpaman, bumida ang mga tagapagsalita sa iba't-ibang kategorya na sina Bb. Angel S. Saludez (News Writing); G. Jovito Z. Taruc (Sports Writing); Bb. Karen B. Maniego (Feature Writing); Bb. Sherlaine D. Banaag (Column Writing); G. Darren Dee L. Alimurong (Editorial Writing); G. Louelle Gray S. Tecson (Editorial Cartooning); G. Mark Alyson A. Madriaga (Science and Technology Writing); G. Derich D. Bognot (Copy Reading); at G. John Lanuzo (Photojournalism).
โ
โSa kabilang banda, narito rin para sa group category sina G. Michael John R. Hipolito, Bb. Janice Dela Cruz, at Bb. Kyla Flores (Radio Broadcasting); ganoon din sina G. Dale Calvin Castaรฑeda at G. John Michael Bildan (Desktop Publishing).
โ
โSamantala, tagumpay naman ang TSU sa pageensayo ng mga estudyanteng manunulat sa ilalim ng pamumuno nina Bb. Carmela Jane Paragas, Technical Staff-CASS Extension Office at Asst. Prof. Maria Fermina Joyce, Project Coordinator/Technical Facilitator Department Head, Dept. of Communication.
๐๐ซ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ง ๐๐ฒ: Trisha Faith D. Cuerdo
---
Contact us:
โ๏ธ | [email protected]
[The Voice. The Truth. The Sentinel.]