RTP MAHAL KAYO

RTP MAHAL KAYO IN THE FUTURE WILL RISE IN ADELA MUSHROOM CULTURE PARA MAGKAROON NG MURANG SUPPLY NG MASARAP MASUSTA

14/02/2025
14/02/2025
12/02/2025

PINSANG BUO NI LIZA MARCOS, TIMBOG!

Arestado ang pinsang buo ni First Lady Liza Marcos na si Margarita “Maggie” Cacho, kandidato sa pagka-gobernador ng Guimaras, sa isang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinumpirma ni Police Brigadier General Jack W***y, direktor ng Police Regional Office 6, ang pag-aresto kay Cacho kasama ang kanyang sekretarya na si Cayetano Leal, 48, ng Barangay Misi, Lambunao. Dalawa pang kasabwat na miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), sina Marwin Parpan, 31, ng Dipolog City, at Rico Maylan, 27, ng Sandulot, Siaton, Negros Oriental, na nagsilbing personal na security ni Cacho, ay nahuli rin sa operasyon.

Ayon kay Brigadier General W***y sa panayam ng Bombo Radyo, sinampahan na ng kaso ang apat. Si Cacho at Leal ay nahaharap sa kasong estafa, habang ang dalawang PCG officers ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) kaugnay ng COMELEC Gun Ban, alinsunod sa COMELEC Resolution No. 11067.

MILYON-MILYONG ‘KICKBACK’ ANG PINAG-UGATAN

Nagsimula ang operasyon matapos magsampa ng reklamo ang isang biktima na hinihingan umano ng P1 milyon bilang kapalit ng pag-apruba sa kanilang proyekto para sa Private Motor Vehicle Inspection Center-Emission Testing Center ng Department of Transportation.

Sa isinagawang entrapment operation, nasamsam ng mga operatiba ang mga sumusunod na ebidensya:

• Php 400,000 boodle money kasama ang isang P500 bill na may marking ng operasyon
• Isang (1) Armscor .45 caliber handgun na may magazine na may pitong (7) bala
• Siyam (9) na bala ng 9mm
• Isang (1) 1911 .45 caliber handgun na may magazine na may pitong (7) bala
• Walo (😎 pang bala ng .45 caliber
• Dalawang (2) holster
• Dalawang (2) cellphone

Dahil sa pagiging prominenteng personalidad sa politika at malapit na kaugnayan sa pamilya Marcos, lalo pang uminit ang usapin tungkol sa pag-aresto kay Cacho. Bagama’t wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang, inaasahang lalo pang titindi ang imbestigasyon sa kasong ito.

Sa ngayon, patuloy ang CIDG sa pangangalap ng karagdagang ebidensya habang ang publiko ay naghihintay ng susunod na hakbang ng mga awtoridad.

via AMPilipino

12/02/2025
08/02/2025
06/02/2025

Address

Rizal

Telephone

+639194141297

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RTP MAHAL KAYO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RTP MAHAL KAYO:

Share