09/09/2025
Nitong hapon, pagkabalik kong school galing meeting sa ibang eskwelahan, may mga batang pahangos-hangos na pumunta ng office kung saan ako naglalagi.
“Sir, sir! si M**** nagpagupit ng panlalake gaya kay P***. Mga t*mboy iyah (tunog bisaya)”
Bago ko ipatawag ang mga isinusumbong, I sincerely reminded those young boys to be sensetive and mindful with their words. Siguro nagets naman nila kung bat napakunot ako ng noo.
At nung kausapin ko na ang dalawa, di na raw kasi sila sanay sa mahabang buhok. Blah blah blah
I ended up challenging ‘em to get higher grades in exchange of the haircut. *biruan ba
Pero here comes my realization afterwards…
Bakit mo pipigilan ang estudyante na magpagupit ng panlalake o magbuhok pambabae, kung doon sila komportable?
Hindi ba’t mas mahalaga ang ginhawa at kumpiyansa nila sa sarili kaysa sa haba o iksi ng buhok?
Kung hindi naman ito nakakasagabal sa kanilang pag-aaral, bakit natin ipagkakait ang simpleng bagay na makapagpapagaan sa kanilang araw?
Hayaan nating ang paaralan ay maging lugar ng pagtututo, at hindi ng pagkakahon o paglilimita.
At bago magtaas ng kilay, sana alam po natin ang DepEd Order No. 32, s. 2017 o Gender-Responsive Basic Education Policy.
Posted with consent, and censored.