
05/09/2025
Dapat may makulong sa contractor nayanπ·
BASAHIN: Kinansela na rin ng PS-DBM ang Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) Platinum Membership ng siyam na kompanyang konektado kay Sarah Discaya.
Ibig-sabihin, hindi na makalalahok sa anumang proyekto ng pamahalaan ang mga nasabing kompanya dahil sa pagkakansela ng kanilang membership.
Kabilang sa mga kompanyang ito ang:
- St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Devβt Corporation
- Alpha & Omega Gen. Contractor & Devβt Corporation
- St. Timothy Construction Corporation
- Amethyst Horizon Builders And Gen. Contractor & Devβt Corp.
- St. Matthew General Contractor & Development Corporation
- Great Pacific Builders And General Contractor, Inc.
- YPR General Contractor And Construction Supply, Inc.
- Waymaker OPC
- Elite General Contractor And Development Corp.
Kung maaalala, ang PhilGEPS ay isang online portal sa ilalim ng PS-DBM na nagsisilbing pangunahing plataporma ng pamahalaan sa lahat ng proseso ng procurement.
Dito inilalathala ang mga bid, anunsiyo, at iba pang transaksyon upang matiyak ang transparency at patas na kompetisyon ng mga supplier at kontratista sa mga proyekto ng gobyerno.
Bago ang kanselasyon ng PhilGEPS membership, una na ring ni-revoke ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) ang lisensya ng siyam na mga kumpanya, na naging batayan ng PS-DBM upang ipatupad ang agarang diskwalipikasyon ng mga ito sa mga transaksyon at proyekto ng pamahalaan.
Ayon sa PS-DBM, epektibo kaagad ang desisyong ito bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon sa government procurement at upang mapanatili ang integridad ng mga kontrata at proyekto ng pamahalaan.
#