PAKE KO

PAKE KO Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PAKE KO, Digital creator, Rizal.

08/05/2024

🔥🥵

02/05/2024

Mama mo😹

02/05/2024

SA CHINA - NOODLES
SA KOREA - SAMYANG
SA JAPAN - RAMEN
SA PHILIPPINES - ❓ 😆

“HINDI MO DAPAT IKAHIYA ANG MGA BITAK SA PAA”Hindi mo dapat ikahiya ang mga bitak bunga ng iyong pagsisikap.Hindi mo dap...
08/04/2024

“HINDI MO DAPAT IKAHIYA ANG MGA BITAK SA PAA”

Hindi mo dapat ikahiya ang mga bitak bunga ng iyong pagsisikap.

Hindi mo dapat kaawaan ang sarili dahil sa patuloy na paglaban sa paghihirap.

Hindi ito marapat na gawing biro dahil ito’y palatandaan at isang simbolismo.

Simbolismo ng paglaban sa kahirapan, pagdurusa, labis na pagtitiis at nang sakripisyo.

Ang lupa man ay bitak-bitak sa ngayon,
magpatuloy ka lang
—darating din ang ulan at ang iyong panahon.

Ang pinto man ay sarado pa sa mga oras na ito,
magpatuloy ka lang
—may bintana’ng magbubukas para sa iyo.

Ang mahalaga ay tumayo ka.
Niyapak mo ang iyong mga paa.
Ika’y hindi nanatili ngunit nanatiling nananampalataya.
Tiniis mo ang hapdi ngunit patuloy ang pagtingin sa mga tala.

08/04/2024

Kung para talaga sa'yo,
Gaano man katagal ang paghihintay at proseso.
Kusa itong darating kahit hindi mo pilitin—
Sa paraang magaan lang sa damdamin.

Sa ngayon, panghawakan mo muna.
Habaan pa ang pasensya.
Galingan sa bawat araw sa abot nang makakaya—
Palaging may natitirang pag-asa.

Kung sakaling makaramdam man ng pagod,
Kung may gabi mang ang pangamba ay nakalulunod.
Ipaalala mo pa rin sa'yong sarili—
Maari kang huminto at magpahinga, pansamantala.

Hindi naman pare-pareho ang umaga.
Ang mabigat ay hindi mananatiling mabigat.
Magiging maayos din ang lahat—
Matutupad din ang mga "sana".

08/04/2024

Mahusay kang magdala ng iyong problema.
Isa sa namataan ko na rason kung bakit
matatag ang tingin sa iyo ng mundo ---
dahil wala silang alam sa'yo.

Wala silang kabatiran kung ano ang
nangyayari sa loob ng iyong pagkatao.
Hindi nila nakikita ang totoong senaryo
kapag, mag isa ka na lang sa iyong kwarto.

Pero, sa gitna ng ito, humahanga ako
sa isang katulad mo.

Nagpupursigi ka kahit,
mahirap idaos ang bawat araw.
Kahit mahirap, ang araw- araw.

Naiwawaglit mo na minsan ang
sariling pahinga.
Gusto kitang alayan ng mahigpit na yapos
yong matagal matapos.

Alam ko ang pakiramdam na maraming
umaasa sa'yo--

kahit sobrang pagal na
kailangan natin magpakatatag

08/04/2024

Ang totoo, lahat tayo ay pagod na.
Sa pisikal at panloob na aspeto.
Dama natin ang ngalay at nginig, ang kawalang gana—
Ang bigat at lungkot na hindi kayang daanin sa pagtulog.

Ayos pa naman kanina,
Subalit mamaya ay hindi na.
May kulang, may puwang na hindi natin mapunan sa loob—
Palagi tayong naghahabol ng oras at pangarap.

Pinapagod tayo ng mundo.
Pinapagod tayo ng tao.
Pinapagod tayo madalas ng ating sarili—
Nakakapagod ang mga bagay na inaasahan sa atin ng iba.

Lahat tayo ay pagod na.
Tinatago lang natin sa ngiti.
Pinupunasan lang natin ang pawis upang matuyo—
Ngunit hindi naman talaga tumitigil sa pagtulo.

Marahil ganito tayo tinuturuan ng pagod.
Na puwede tayong magkunwaring malakas,
Na puwede tayong magpahinga at huminto—
Pero hindi tayo puwedeng sumuko

10/03/2024

Hindi masaya childhood mo kung 'di kayo nag-away ng kapatid mo sa paghuhugas ng plato! 😅

10/03/2024

Husga ng husga sa iba, pero ‘yung sinasabi niyang panghuhusga, ugali pala niya.

Address

Rizal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PAKE KO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share