12/07/2022
💥 ULCER: Ano ito at maaaring natural na lunas para dito.
Ang ulcer ay "sugat" sa loob ng tiyan. Maaaring ito ay gastric ulcer o duodenal ulcer. Kung ikaw ay may gastric ulcer, ito ay ulcer sa stomach organ. Samantalang ang duodenal ulcer naman ay ulcer sa mataas na parte ng small intestine.
💥 Sintomas ng Ulcer:
Bagamat may iba't ibang uri ng ulcer, narito ang mga sintomas ng ulcer sa pangkalahatan:
➡️Pananakit ng tiyan mula pusod hanggang dibdib na parang humihilab
➡️Pananakit ng tiyan tuwing gabi
➡️Paglaho ng pananakit ng tiyan kapag kumain
➡️Mas matinding pananakit ng tiyan kapag walang nakain
➡️Pabalik-balik na pananakit ng tiyan
➡️Pagsusuka o nasusuka
➡️Puno ng hangin ang tiyan
➡️Acid reflux
➡️Heartburn
Sintomas Ng Malalang Ulcer:
Kapag malala na ang iyong ulcer, ang mga sintomas na makikita sayo ay ang mga sumusunod:
➡️Pagsuka ng may dugo
➡️Pagdumi ng may dugo o maitim yung dumi
➡️Pamumutla (anemia)
➡️Pagkahilo
Bakit Nagkakaroon Ng Ulcer:
Nagkakaroon ng ulcer ang isang tao dahil sa mga sumusunod:
▶️Bacteria na H. pylori
▶️Matagal o palagiang pag-inom ng NSAIDs o pain relievers
Kapag may H.pylori, numinipis ang "lining" ng tiyan kaya naman kapag nadikitan ng asido sa loob ng tiyan ay nakakaramdam ng pananakit.
Iba Pang Sanhi O maaaring Nagpapalala Ng Ulcer:
Ang pinaka-sanhi talaga ng pagkakaroon ng ulcer ay ang bacteria na H. pylori, pero kadalasan, ang mga sumusunod ay isa rin sa mga pinaniniwalaang sanhi o nagpapalala ng ulcer ng isang tao:
❌Stress - Nagpapalala ng ulcer sapagkat lalong dumarami ang pagproproduce ng asido sa loob ng tiyan.
❌Pag-inom ng kape at alak - Ito ay mga acidic na inumin.
❌Paninigarilyo - May mga kemikal ang sigarilyo na nagpapabagal para gumaling agad ang taong may ulcer
❌Pagkain ng matatabang pagkain - Nagpapalala ng ulcer kasi lalong naiirita ang tiyan.
❌Pagpapalipas ng gutom - Nagpapalala ng ulcer kasi lalong nananakit ang tiyan kapag walang kinakain.
👉 09615431324