27/04/2025
๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก - ๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก : Mga Tradisyon sa Araw ng Tagumpay, Simbolo ng Pagpupugay.
Graduation Season na naman , kung kailan binibigyang-pugay ang mga mag-aaral sa kanilang pagtatapos sa elementarya, sekondarya o kolehiyo. Dala ng bawat isa ang pag-asa at karunungan upang magpatuloy sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Hindi mawawala sa mga seremonya ng pagtatapos ang mga tradisyon na bahagi na nito. Bawat tradisyon ay may kuwentong sinubok na ng panahon.
Naalala ko noong nagtapos ako ng senior hayskul, labis kong ipinagmalaki ang pagsuot ng aming toga. Ang kulay nito ay nagkakaiba-iba depende sa paaralanโkaraniwang puti, ngunit sa amin ay berde. Ang pagsuot ng toga ay nagmula pa noong ika-12 siglo, nang magsuot ang mga nag-aaral na maging pari ng mahahabang damit. Naisip ng mga akademiko na pagandahin ang kasuotang ito, at kalaunan, naging toga ito na opisyal na damit ng mga nagtatapos.
Kamakailan, naging uso rin ang pagsuot ng sablay bilang kapalit ng toga, marahil dahil sa paggamit nito sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ayon sa kanilang website, ang โsablayโ ay isinusuot sa mga pormal na okasyon tulad ng pagtatapos. Ang salitang โisablayโ ay nangangahulugang paglalagay ng mahalagang tela sa balikat, at ito nga ang sablayโisang telang puno ng simbolikong disenyo. Ang sablay ng UP ay pinalamutian ng disenyong โUkkilโ na sumisimbolo sa paglago ng kaalaman, kasama ang iba pang disenyong mula sa mga katutubong kultura ng Pilipinas.
Sa aking seremonya ng pagtatapos, naging mausisa rin ako kung bakit inililipat namin ang tassel ng aming sumbrero mula kanan patungong kaliwa. Ayon sa Honor Society Magazine, ito ay sumisimbolo ng pag-abante mula mataas na paaralan patungo sa kolehiyo o trabaho. Para itong pagtawid ng isang tao mula sa isang yugto ng buhay patungo sa panibago.
Habang nagmamartsa kami patungong entablado, tinugtog ang awiting โPomp and Circumstance.โ Ito ang kantang mala-orkestra na kapag tumaas ang nota ay nakakagulat. Ngunit sino ang mag-aakala na ito ay orihinal na isinulat bilang awitin tungkol sa kolonyalismo?
Ang bersyon nito, na pinamagatang โLand of Hope and Glory,โ ay tungkol sa pagpapalawak ng Imperyong Britaniko sa mga kolonya nito. Ginawa ang musika ni Edward Elgar, at kalaunan ay nilagyan ng liriko ni Arthur Benson para sa koronasyon ni Haring Edward VII ng Britanya.
Nang sumikat ito sa Amerika, ginamit lamang ang instrumental na bersyon nito, na tinawag na โPomp and Circumstance,โ bilang himno ng mga seremonya ng pagtatapos. Unti-unti, naging tradisyon na ito. Dahil sa impluwensiyang Kanluranin, niyakap din natin itong tradisyon sa Pilipinas.
Mula sa pagiging awitin tungkol sa kolonyalismo, binigyan ng bagong kahulugan ang โPomp and Circumstanceโ bilang awitin ng tagumpay ng mga nangangarap. At ito ang kahulugang nanatili hanggang ngayon.
Nang tumungtong ako sa entablado kasama ang aking ama, ibinigay sa akin ng aming punong-g**o ang aking diplomaโisang dokumentong simbolo ng aking pagtatapos. Sa huling bahagi ng selebrasyon, may mga nagtatapon pa ng kanilang sumbrero, tulad ng ginawa ng mga kadete ng U.S. Naval Academy noong 1912, bilang simbolo ng pagpasok sa bagong yugto ng buhay.
Gabi na nang matapos ang aming pagtatapos, ngunit bakas pa rin ang saya sa bawat isa sa amin. Nagpasalamat kami sa aming mga magulang at g**o na humubog sa amin, sa Diyos na hindi kami pinabayaan, at sa mga kaibigang kasama sa mga pagsubok ng pag-aaral.
Tunay na ang mataas na paaralan ay yugto ng buhay na puno ng tagumpay at kabiguan, saya at lungkot, na hindi kailanman malilimutan. Ngayon, narito na tayo sa panibagong yugto, patuloy na hinintay ang ating mga pangarap. Hanggang ngayon, dala pa rin natin ang pag-asa at karunungang hindi mawawala kailanman.
๐๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ, ๐๐ข๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐๐๐๐ ๐๐! ๐ฐ
๐๐๐๐๐ ๐๐โ๐ป- ๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ ๐ด๐ข ๐ด๐ฆ๐ณ๐ฃ๐ช๐ด๐บ๐ฐ, ๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ช๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ!
๐๐๐ถ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ ๐ฅ๐๐๐๐ฒ๐น ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป | ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก, ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ถ๐ป
๐๐ถ๐ฏ๐๐ต๐ผ ๐ป๐ถ ๐๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐๐ฒ ๐. ๐ ๐ฒ๐๐ฎ | ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐ข๐ก, ๐๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ต๐ถ๐ฐ๐ ๐๐ฟ๐๐ถ๐๐