Ang Sinagtala

Ang Sinagtala Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Southville 8B National High School

Ang iyong mga nararamdaman ay mahalaga at katanggap-tanggap kailanman at saanman. Ngayong World Mental Health Day, pilii...
10/10/2025

Ang iyong mga nararamdaman ay mahalaga at katanggap-tanggap kailanman at saanman. Ngayong World Mental Health Day, piliin nating maging mas maunawain at mas mabait, dahil hindi natin alam ang laban ng iba. Ang bawat kabutihang ibinabahagi natin ay maaaring maging lakas ng isang taong nangangailangan.



๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ: Bb. Ryza Claire Lappay | Ikalawang Patnugot
๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ผ: G. Andrei Sidayon | Radio Broadcaster

Ikinararangal ng Southville 8B National High School na ipagdiwang ang dalawang malaking tagumpay na nakamit ng paaralan ...
06/10/2025

Ikinararangal ng Southville 8B National High School na ipagdiwang ang dalawang malaking tagumpay na nakamit ng paaralan sa Gawad Bayaning Montalbeรฑo.

Buong pagmamalaki naming ipinababatid na kinilala ang Southville 8B National High School bilang isa sa Finalist sa kategoryang School (Best Performing Secondary School). Ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng buong komunidadโ€”mula sa mga g**o, pati na rin sa mga non-teaching staff at stakeholders.

Taos-pusong pasasalamat sa ating School Head, Mr. Leandro D. Matociรฑos, Head Teacher I, Daisy M. Danzalan, at School Information Coordinator, Rina A. Mangulabnan sa kanilang dedikasyon at walang sawang suporta. Sa inyong gabay, nakamit ng ating paaralan ang tagumpay na ito.

Higit pa rito, aming ipinagmamalaki ang pagkakagawad kay G. Ronnie Ching Gonzales ng Southville 8B National High School bilang Most Outstanding Secondary Teacher sa Gawad Bayaning Montalbeรฑo noong Oktubre 3. Bukod sa silid-aralan, si G. Ronnie ay nagbibigay gabay na may pangmatagalang epekto bilang Action Research Coordinator at ICT Coordinator, na nagsusulong sa kahusayan sa pagtuturo at pagkatuto.

Tunay ngang siya ay inspirasyon ng mga mag-aaral, na karapat-dapat sa prestihiyosong pagkilalang ito.

Sama-sama, patuloy nating itaguyod ang kahusayan at paglilingkod sa komunidad. Pagbati sa ating paaralan!๐Ÿงก

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Inilunaad ang Culminating Activity ng "The Stellars" o Science Club, katuwang ang Departmento ng Agham para sa...
04/10/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Inilunaad ang Culminating Activity ng "The Stellars" o Science Club, katuwang ang Departmento ng Agham para sa isinagawang Science Month activities sa silid-aklatan ng paaralan, Oktubre 1.

Layon ng programang ito na bigyang parangal ang mga mga mag-aaral na nagpakitang gilas at nagwagi sa mga aktibidad ng Buwan ng Agham at Teknolohiya at ipakita ang kahalagahan ng siyensya sa ating buhay, hubugin ang pagkamalikhain at talino ng mga mag-aaral, at magsilbing inspirasyon tungo sa inobasyon at pag-unlad ng lipunan.

Pinangunahan nina Fabrienne Lee Bodoso (Pangulo ng The Stellars Club) at Danlin Katindig (Tagasuri ng The Stellars Club) katuwang ang kanilang tagapayo na si Gng. Michelle Verdejo kahalili ang iba pang g**o sa Agham ang nasabing programa.

Naging makabuluhang pagtatapos ng Buwan ng Agham at Teknolohiyaโ€”isang pagpupugay sa husay ng mga mag-aaral at patunay na ang agham ay patuloy na magiging sandigan ng katalinuhan, pagkatuto, at makabagong solusyon para sa kinabukasan.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฎ: G. Ezikiel Santos | Radio Broadcaster at G. Vince Gabriel Tan | Pagsulat ng Balita
๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: Bb. Nikki Rocel Hermocilla | TV Broadcaster

๐—”๐—š๐—›๐—”๐— ๐—”๐—ญ๐—œ๐—ก๐—š, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—œ๐——๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—•๐—”๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š!Isinagawa ang Aghamazing ng para sa ika-10 baitang sa ICT room ng paaralan no...
04/10/2025

๐—”๐—š๐—›๐—”๐— ๐—”๐—ญ๐—œ๐—ก๐—š, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—œ๐——๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—•๐—”๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š!

Isinagawa ang Aghamazing ng para sa ika-10 baitang sa ICT room ng paaralan noong Setyembre 30.

Pinangunahan ng mga g**o sa Departamento ng Agham na Sina G. JB Pinuela (G**o sa agham 7)
Gng. Michelle Verdejo (G**o sa agham 9) Gng. Mary Ann Labis (G**o sa agham 9) at Gng. Jessica Cruz (G**o sa agham 10) matagumpay na naisagawa ng AGHAMAZING.

Layunin nitong ipakita ang mga makina at pasilidad na naimbento ng ika-10 baitang na maaaring magamit sa hinaharap upang mabawasan ang mga basura at polusyong sumisira sa ating kapaligiran.

Narito ang listahan ng mga nanalo:

๐Ÿ†G10-Demeter
๐Ÿฅ‡G10-Zeus
๐ŸฅˆG10-Poseidon

Padayon mga ika-10 baitang!

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ: Bb. April Ann Giolagon | Pagsulat ng Kolum
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: Bb. April Ann Giolagon | Pagsulat ng Kolum
Bb. Princess Rhianna Dagami | Tagakuha ng Larawang Pampahayagan

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Isinagawa ang Bihis Ala Scientist ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang sa covered court ng paaralan, Setyem...
03/10/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Isinagawa ang Bihis Ala Scientist ng mga mag-aaral sa ikasiyam na baitang sa covered court ng paaralan, Setyembre 29.

Pinangunahan nina Kierby Jugarap (Kalihim) at Louie Lumagod (Ikalawang Pangulo) ang nasabing programa.

Sinundan naman ng pagpapakilala sa mga hurado na sina: Gng. Joyvee Torres (G**o sa Agham 7), Gng. Jessica Joy Cruz (G**o sa Agham 10) at Gng. Sheila Mae Sopeรฑa (G**o sa Agham 8).

Nagpasiklaban ang mga kinatawan ng ibaโ€™t ibang pangkat upang mabigyang hustisya ang mga nabunot na mga siyentista.

Matapos ang ilang oras na pagtatanghal ng mga pangkat mula sa ikasiyam na baitang ay agad ding inanunsyo ang mga nagwagi.

๐—ž๐—”๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ข๐—ก ๐Ÿ†: SHAKESPEARE
๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ช๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ข๐Ÿฅ‡: LEWIS
๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ช๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ข๐Ÿฅˆ: CHAUCER

Pagbati sa mga kalahok ng nasabing patimpalak. Patuloy pa ninyong pagyamanin ang inyong mga kani-kaniyang talento. Ipinagmamalaki namin kayo!

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ: G. Andrei Sidayon
๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: Bb. Jellaine Balbarona

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na isinagawa ang SciYawit sa Covered Court ng paaralan, Setyembre 25, na may temang โ€œHarnessing the...
26/09/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na isinagawa ang SciYawit sa Covered Court ng paaralan, Setyembre 25, na may temang โ€œHarnessing the Unknown, Powering the Future through Science and Innovation.โ€

Pinangunahan ng mga hurado na sina Sir Elmer Sarmiento (Adviser ng YES-O Organization), Sir Yunail Sausora (G**o sa Agham), at Maโ€™am Michelle Verdejo (Adviser ng Science Club). Katuwang din dito ang mga opisyales ng The Stellars (Science Club) sa masiglang pangangasiwa ng aktibidad.

Layunin ng programa na paigtingin ang talento at galing ng mga mag-aaral, kasabay ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa agham at inobasyon. Sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal, naipadama ang kahalagahan ng siyensiya bilang gabay sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan.

Narito ang listahan ng mga nagwagi:
๐Ÿ† ๐˜พ๐™๐™–๐™ข๐™ฅ๐™ž๐™ค๐™ฃ: Diamond
๐Ÿฅ‡ ๐™๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ช๐™ฌ๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ค: Aquamarine
๐Ÿฅˆ ๐™„๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ช๐™ฌ๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ค: Jade

Muling magtatanghal ang Kampeonato sa darating na Oktubre 1.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฎ: G. Cyril Jr. Pamunag | Patnugot ng Pagguhit ng Larawang Tudling
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: G. Cyril Jr Pamunag | Patnugot ng Pagguhit ng Larawang Tudling at Bb. Khassy Rada | Patnugot ng TV Broadcasting Team

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na isinagawa ang pagbubukas ng programa para sa Buwan ng mga G**o, na pinangunahan nina Jhesxra Mae...
26/09/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na isinagawa ang pagbubukas ng programa para sa Buwan ng mga G**o, na pinangunahan nina Jhesxra Mae B. Tamayo (SSLG President) at Gwyneth Mintalar (D'Axiom Club President), sa pakikipagtulungan ng SSLG, YES-O, BSP, GSP, at mga organisasyon mula sa bawat departamento upang masig**o ang maayos na daloy ng nasabing programa, Setyembre 25.

Layunin ng programang ito na bigyang-pugay ang mga g**o sa walang-sawang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo at paghubog sa mga mag-aaral.

Kabilang sa mga naging aktibidad ng nasabing programa ang pagtatanghal ng maikling dula-dulaan, pagkanta ng awiting "Salamat", Family Feud (Teacher's Edition), at Teachpakners, na naghatid ng kasiyahan sa mga g**ong nakibahagi.

Bago matapos ang programa, nagbigay ng pangwakas na mensahe si G. Jomel Cruzpero (Punong G**o sa Matematika) na nagpapahalaga sa diwa ng Buwan ng mga G**o. Hayag niya:

"Kung kami ay itinuturing niyong mga pangalawang magulang, sana kung anong respeto ang binibigay ninyo sa inyong magulang ay madama rin namin sa inyo".

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ: G. Gaddiel Meier Bordaje | TV Broadcaster
๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: Bb. Patricia Denise Carrascal | TV Broadcaster

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pagdidisenyo para sa nalalapit na Door of Gratitude at Memory Lane Exhibit, sinimulan na ng mga mag-aaral ng i...
25/09/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pagdidisenyo para sa nalalapit na Door of Gratitude at Memory Lane Exhibit, sinimulan na ng mga mag-aaral ng ika-7 baitang at ika-10 baitang, Setyembre 25.

Sinimulan na ng bawat mag-aaral ang pag didikit ng ibaโ€™t ibang disenyo sa labas ng kani-kanilang mga silid-aralan.

Layon nitong maipakita ang pagmamahal ng mga mag-aaral sa kanilang butihing mga g**o at mas mapatibay ang pagkakaisa at tulungan ng bawat estudyante.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ: Bb. Patricia Denise Carrascal | TV Broadcaster
๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: Bb. Patricia Denise Carrascal | TV Broadcaster at Bb. Maryjane Abul | Tagaguhit ng Larawang Tudling

Maligayang Kaarawan, G. Khian!    Maligayang bati para sa kaarawan ng ating dating SOAFER OA at strawberry cutie na Radi...
25/09/2025

Maligayang Kaarawan, G. Khian!

Maligayang bati para sa kaarawan ng ating dating SOAFER OA at strawberry cutie na Radio Broadcaster at TV Broadcaster na si G. Ronan Khian Aquino!

Ngayong iyong kaarawan ay wala kaming ibang hinihiling kundi ang patuloy mong pagkakaroon ng malusog na pangangatawan kasabay ng bawat taong dumadagdag at daragdag sa iyo. Hinihiling namin na sana'y hindi magbago ang pagiging kwela mo at tumaas pa lalo ang grado mo!

Muli, maligayang kaarawan, G. Ronan Khian Aquino!

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Nagsimula ang programa ng Parenting Seminar sa covered court ng ating paaralan, September 24.        Ang progr...
25/09/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Nagsimula ang programa ng Parenting Seminar sa covered court ng ating paaralan, September 24.

Ang programa ay nagsimula sa mataimtim na panalangin ni Gng. Veronica Ramirez (G**o sa ESP) at sinundan ng pagkumpas ng "Pilipinas kong Mahal" ni Gng. Jamaica Bermejo (G**o sa MAPEH), tinalakay naman ni Gng. Lisa Adan (G**o sa Filipino) ang session rules at sinundan naman ito ng Statement of Purpose ni Gng. Daisy Dansalan (G**o sa English

Sinimulan ni G. Leandro Matociรฑos (Punong G**o ng paaralan) ang seminar sa pagpapaliwanag kung gaano kahalaga ang mga magulang sa pagpapalaki ng mga bata, "Mahalagang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman para malaman natin kung paano ang tamang pagpapalaki sa mga bata." Sabi ni G. Leandro Matociรฑos.

Sunod naman na itinalakay ang tungkol sa Project: STOP BULLYING para mapatibay ang proteksiyon sa mga bata sa loob at labas ng paaralan. Ang target ng proyektong ito ay para mapababa ang kaso ng bullying sa loob ng tatlong taon. Isasagawa ito sa pamamagitan ng campaign, support group at iba pang mga paraan.
"Ang eskuwelahan ay lugar ng pagkatuto, hindi ng pang-aapi".

Nagbigay ng iilang tips at ilan na dito ang paglikha ng suportadong kapaligiran sa pagkatuto sa tahanan, Eeotional support, hikayatin ang pagbabasa(importante ito upang mapalawak ang bokabularyo at komprehensyon), gumawa ng espesyal na lugar para sa pagkatuto, bigyang pansin ang sapat na tulog, pagiging present at konektado.

Pamilya at pananampalataya naman ang sunod na paksa na binigyan ng pokus. Gawing regular ang sama-samang panalangin, mag-aral ng salita ng Diyos kasama ang mga anak, maging magandang halimbawa sa bawat kilos at gawin at sama-samang sumamba sa Diyos ang iilan sa mga katangian ng magandang pananampalataya.

Epektibong komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak naman ang huling tinalakay sa seminar. Mahalaga ang mabuting komunikasyon dahil dito pinapatibay ang tiwala sa pagitan ng magulang at anak, kapag bukas ang komunikasyon maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ: Bb. Janine Barrion | Pagsulat ng Editoryal
๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: Bb. Ryza Claire Lappay | Ikalawang Patnugot

24/09/2025

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—š๐˜‚๐—ฟ๐—ผ! โœ๏ธ

Ngayong buwan, hindi lang simpleng pagdiriwang ang hatid ng Ang Sinagtala. Sa pamamagitan ng Radio Broadcasting Team (DZST), aming inihandog ang isang natatanging pagtatanghal na binubuo ng mga anunsiyo, dulang panradyo at pagbasa ng lihamโ€”isang paandar na alay para sa ating mga kaguruan.

Higit pa sa pagtuturo ng aralin, ang mga g**o ang nagsisilbing gabay at inspirasyon sa bawat mag-aaral. Sila ang humuhubog sa ating isipan, puso, at pangarapโ€”mga haligi ng pag-asa at tanglaw sa landas ng kinabukasan.

๐‘๐š๐๐ข๐จ ๐๐ซ๐จ๐š๐๐œ๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐“๐ž๐š๐ฆ (๐‘ซ๐’๐‘บ๐‘ป)
โ€ข Bb. Je-ann Simbajon
โ€ข G. Ezikiel Santos
โ€ข Bb. Alicia Mae Rima
โ€ข Bb. Crisanta Angeles
โ€ข G. Andrei Sidayon
โ€ข Bb. Mari Josh Verano
โ€ข G. Mharck Rhaven Padernos

Espesyal na pasasalamat din para kay ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฎ (๐™€๐™จ๐™ฉ๐™ช๐™™๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ช๐™ง๐™ค ๐™จ๐™– ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฃ) sa pagpapaunlak ng aming imbitasyon na maisama ang kaniyang kuwentong puno ng inspirasyon.

Nawaโ€™y magsilbing paalala ang munting handog na ito na ang bawat sakripisyo, bawat payo, at bawat aral na ibinabahagi ng mga g**o ay hindi kailanman malilimutan. Para sa inyo, aming mga g**oโ€”isang taos-pusong pagpupugay mula sa DZST.

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ผ, ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป! โœจ

Address

Southville 8B National High School
Rodriguez
1860

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Sinagtala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share