21/05/2026
pag tapos ng mahabang araw sa trabaho.
hihiga lang ako ng ilang oras sa duyan ko.
sa paligid ko ay mga halamang naka kulong sa lalagyan.
mga halamang kung titignan mo ay ayos lang sila
malago napakagandang tignan.
malalaki ang mga dahon matingkad lagi ko itong sinusulyapan
habang hawak ang kape napapalipas ng sandali sa duyan
bigla kong napansin ang langit dumilim kay bilis
ng oras tila isang pag idlip ng sandali
at napatingin uli ako sa mga halaman na nasa tabi
tahimik lang sila sa gilid sa sulok na parang naka ngiti
parang alam nila na hindi sila habang buhay nasa isang paso
ikaw din kaibigan hindi ka halaman kaya mong umalis kung nasan ka ngayon
hindi ang paso o kung ano pamang naka paligid sayo ang mag didikta ng pag lago mo