
16/02/2024
Ama namin sa langit maraming salamat po sa pagpapatawad Mo sa aming mga pagkakasala at pagkakamali sa pamamagitan nang iyong anak na si Jesu Cristo na siyang binigyan mo nang kapamahalaan sa Langit at sa lupa ayon sa MATEO 28:18. Na sa pamamagitan nang GAWA 4:12 ang aming pagkakaligtas ay nakabase sa pangalan nang Iyong anak, sapagkat walang ibang pangalan na ibinigay sa ilalim nang langit na sukat ikaligtas nang lahat nang tao kundi ang pangalan lamang ni Hesu-Kristo na nagsasabi sa amin sa 1 JUAN 1:9 na kung kami ay aamin at hihingi nang kapatawaran sa aming mga pagkakasala ay matapat kang patawarin ang lahat nang iyon at linisin kami sa lahat ng aming karumihan. Salamat Ama namin sa Langit, na kami’y iyong ginabayan patungo sa aming Panginoon at Tagapaligtas na ayon sa kanyang salita sa JUAN 6:37 ay hindi niya itinataboy ang lahat nang Iyong ibinigay na lumalapit sa kanya, kundi binibigyan niya nang buhay na ganap at kasiya-siya ayon sa JUAN 10:10 at nagbibigay din samin nang kumpiyansa para magkaroon nang pananampalataya at paniniwala sa Kanya, na sa pamamagitan Niya kami’y nagkaroon nang karapatang maging anak mo ayon sa JUAN 1:12. At bilang mga anak mo o Diyos Ama sa langit ay kasama sa aming karapatan ang mabuhay na malaya sa lahat nang alalahanin sa buhay na ito sapagkat sinabi mo sa pamamagitan nang aming Panginoon na anumang aming hingin sa aming panalangin ay maniwala kami na amin na itong natanggap at natanggap nanga namin o Diyos ayon kay MARCOS 11:24 Patawarin mo po ang lahat din nang sa amiy nagkakasala upang huwag itong maging hadlang sa aming pagtawag sa iyo MARCOS 11:25. Huwag rin naming matuon ang aming atensyon sa mga pagpapala bagkus ay unahin ka namin sa aming buhay at pagsamba at paglilingkod saiyo ayon sa MATEO 6:33 at Huwag naming makaligtaan ang araw nang pagsamba at manatili kaming malakas at puno nang iyong Espiritu HEBREO 10:25. Maraming salamat sa tulong mo na kami ay laging manatili sa iyo sapagkat wala kaming mgagawa kung kamiy hiwalay sa iyo JUAN 15:5. Tulungan mo po kaming umibig sa iyo nang lubos at maging sa aming kapwa MATEO 22:37-39, 1JUAN 4:11. At ayon sa EFESO 6:13-18 manatili sa amin nakasuot ang aming baluting pandigma sa lahat nang oras upang kamiy maging matatag. Ibigkis mo sa amin ang iyong salita na siyang nagbibigay nang katotohanan JUAN 8:32 at baluti nang katwiran KAWIKAAN 13:6. Pangunahan mo kami O Diyos Ama upang aming maipangalat ang iyong mabuting balita nang kaligtasan DANIEL 12:3, MATEO 10:7, MATEO 24:14, palakihin mo ang aming pananampalataya upang sa lahat palaso nang aming kaaway ay aming masalag at manatili nawa ang aming isipan ay nakatuon sa iyong mga salita at magamit naming sandata sa lahat nang kasinungalingan nang kaaway at kami ay maging tulad mo sa pangangatwiran MATEO 4. Ito po ang aming samot dalangin gayundin sa lahat nang iyong mga hinirang na manatili silang nakatayo at matatag, Maraming salamat po sa iyo Ama sa ngalan nang iyong anak na si Hesu-Kristo na siyang aming tagapaligtas at sa gabay nang Espiritu Santo. Amen….