15/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            "KAHIT BANTAYAN MO PA YAN...
KUNG MAGLOLOKO YAN LOLOKOHIN KA TALAGA NYAN."
Dalawa lang ang klase ng tao dito sa mundo...
Isang manloloko at isang nagpapaloko.
Ang Karelasyon mo, kahit ibigay mo ang lahat pati buhay mo, kung pipiliin nya ang lokohin ka, gagawin nya... Isang bahagi ng realidad na hindi natin kontrolado.
Marami ang nagsasabi...
Ang taong gustong magloko,
magloloko at magloloko yan kahit bantayan mo pa...
Sa isang relasyon, hindi mo kailangang maging imbestigador para mapanatili ang katapatan ng kapareha mo dahil kung gusto talagang magloko ng isang tao, gagawa at gagawa siya ng paraan kahit gaano mo pa siya bantayan. Minsan, kahit lahat ng access binigay sayo,
kahit alam niyang mahal mo siya,
pipiliin pa rin niyang lokohin ka kasi yun ang gusto nya.
Hindi dahil kulang ka, kundi dahil buo ang loob niyang gumawa ng mali, lalo na kapag alam nyan mas mahal mo sya.
Kaya imbes na sayangin mo ang oras sa kakaisip kung sino ang kausap niya
o anong ginagawa niya,
unahin mong pagtuunan ng pansin ang sarili mo.
Ayusin mo ang buhay mo,
patatagin ang loob mo,
at pagandahin ang direksyon mo.
Kasi sa totoo lang, ang tapat na tao,
kahit malayo, mararamdaman mong kasama mo pa rin.
At ang manloloko,
kahit katabi mo pa sa pagtulog
mararamdaman mong malayo na sayo.
Hindi mo kailangang habulin ang taong marunong mang-iwan,
at hindi mo kailangang magpaliwanag sa taong hindi marunong umintindi.
Dahil kung may respeto at tunay na pagmamahal,
hindi kailanman kailangang bantayan,
kusa niyang pipiliin na maging "Tapat."
At kung sakaling masira ang tiwala mo,
huwag mong hayaang sirain din ang sarili mo.
Tumindig ka, bumangon ka, at patunayan na kaya mong mabuhay nang buo kahit iniwan ka ng taong marupok.
Sa huli, hindi mo kailangang maging perpekto para mapanatili ang tama,
ang kailangan mo lang ay lakas ng loob
para piliing manatiling mabuti,
kahit niloko ka na ng paulit-ulit.
Dahil sa bandang dulo...
"Ang tunay na lugi ay hindi ikaw kundi siya,"
dahil sinayang niya ang isang taong marunong magmahal nang totoo