11/04/2026
🚨 PAALALA SA PUBLIKO 🚨
Mariin naming pinabubulaanan ang kumakalat na Facebook account na gumagamit ng pangalang “Edgardo Sison Fans.” Ang nasabing account ay peke at walang anumang kaugnayan sa totoong si Hon. Edgardo Sison.
Napag-alaman na ang nasabing account ay nagpapanggap bilang lehitimong tao at nanghihingi ng cellphone number kapalit umano ng halagang ₱2,000. Ito ay isang malinaw na panlilinlang upang makakuha ng personal na impormasyon mula sa publiko.
Mahigpit naming ipinapaalala na:
❌ Huwag magbigay ng anumang personal na detalye tulad ng cellphone number
❌ Huwag makipagtransaksyon sa kahina-hinalang account
❌ I-report agad ang naturang account sa Facebook
Ang tunay na tanggapan ni Hon. Edgardo Sison ay hindi kailanman humihingi ng personal na impormasyon o pera kapalit ng anumang tulong sa pamamagitan ng ganitong paraan.
Maging mapanuri at mag-ingat sa mga online na panlilinlang. Ibahagi ang impormasyong ito upang maprotektahan ang iba.
Maraming salamat po.