News Flash PH

News Flash PH Official page of News Flash PH

EARTHQUAKE ALERT!ILOCOS NORTE NIYANIG NG MAGNITUDE 5.2 NA LINDOLTumama ang magnitude 5.2 na lindol sa Ilocos Norte, 4:14...
17/10/2025

EARTHQUAKE ALERT!

ILOCOS NORTE NIYANIG NG MAGNITUDE 5.2 NA LINDOL

Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa Ilocos Norte, 4:14 ng hapon ngayon Biyernes, Oct. 17.

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 11 kilometers northwest ng Pagudpod.

Naitala ang sumusunod na Intensities:

Intensity III
- Bacarra, ILOCOS NORTE

Intensity II
- Claveria, CAGAYAN
- San Nicolas, ILOCOS NORTE
- Sinait, ILOCOS SUR

Intensity I
- Vigan City, NORTE

DISQUALIFICATION NG COMELEC KAY ERICE IBINASURA NG SCIbinasura ng Korte Suprema ang disqualification laban kay Caloocan ...
15/10/2025

DISQUALIFICATION NG COMELEC KAY ERICE IBINASURA NG SC

Ibinasura ng Korte Suprema ang disqualification laban kay Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice.

Sa desisyon ng Supreme Court en banc binaligtad ang naunang pasya ng Comelec na nag-disqualify kay Erice dahil sa paglabag umano sa Omnibus Election Code dahil sa pagpapakalat ng mali o nakaaalarmang impormasyon sa proseso ng halalan.

Ayon sa SC, sa ilalim ng batas, maaaring ma-disqualify ang isang kandidato kung may pinal na desisyon mula sa hukuman na nagpapatunay na siya ay nagkasala sa isang election offense.

Bagaman may kapangyarihan ang Comelec na magsagawa ng imbestigasyon, ang pagtukoy kung guilty nga sa election offense si Erice ay dapat sa tamang forum ginawa at ito ang Regional Trial Courts.

Ayon pa sa SC, ang pagbabawal sa pagpapakalat ng maling impormasyon ay hindi kabilang sa mga batayan ng disqualification sa ilalim ng Section 68 ng OEC.

Tingnan ng buong detalye sa comment section.

KLASE SA CALOOCAN SINUSPINDE DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA BOMB THREAT  Nagpatupad ng class suspension sa lahat ng antas sa mg...
15/10/2025

KLASE SA CALOOCAN SINUSPINDE DAHIL SA SUNUD-SUNOD NA BOMB THREAT

Nagpatupad ng class suspension sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Caloocan ngayong araw Oct. 15.

Sinuspinde na rin ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa lungsod dahil sa sunud-sunod na bomb threat na natanggap ng mga eskwelahan sa North at South Caloocan at ng City Hall.

Sinabi ni Caloocan City Mayor long Malapitan na inataasan na ang pulisya na tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

Tingnan ng buong detalye sa comment section.

CASH REMITTANCES NG MGA OFW NOONG AGOSTO TUMAAS NG 3.2 PERCENTUmabot sa halos 3 billion US dollars ang kabuuang naipadal...
15/10/2025

CASH REMITTANCES NG MGA OFW NOONG AGOSTO TUMAAS NG 3.2 PERCENT

Umabot sa halos 3 billion US dollars ang kabuuang naipadala sa Pilipinas ng mga Overseas Filipinos mula sa iba’t ibang panig ng mundo noong buwan ng Agosto.

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang cash remittances o money transfers ng mga OFW na ipinadaan sa pamamagitan ng bangko o iba pang formal channels noong Agosto ay umabot sa 2.885 billion dollars na mas mataas ng 32 percent kumpara sa 2.796 billion dollars noong August 2024.

Ayon sa BSP parehong nagtala ng pagtaas sa cash remittances ng land- at sea-based workers.

Tingnan ng buong detalye sa comment section.

HALOS 300 SUPER HEALTH CENTERS, NAKATENGGA LANGKinumpirma ng Department of Health na mayronog 297 na Super Health Center...
15/10/2025

HALOS 300 SUPER HEALTH CENTERS, NAKATENGGA LANG

Kinumpirma ng Department of Health na mayronog 297 na Super Health Centers sa bansa ang “non-functional” o “non-operational”.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, hawak na niya ang listahan ng mga SCH sa iba’t ibang panig ng bans ana pawang naka-tengga lang at hindi napapakinabangan ng publiko.

Ang listahan ng 297 Super Health Centers ay isusumite ni Herbosa sa Independent Commission for Infrastructure sa Biyernes, Oct. 17.

Tingnan ng buong detalye sa comment section.

EARTHQUAKE ALERT! | MANAY, DAVAO ORIENTAL NIYANIG NG MAGNITUDE 4.8Tumama ang magnitude 4.8 na lindol ang Manay, Davao Or...
15/10/2025

EARTHQUAKE ALERT! | MANAY, DAVAO ORIENTAL NIYANIG NG MAGNITUDE 4.8

Tumama ang magnitude 4.8 na lindol ang Manay, Davao Oriental.

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 60 kilometers southeast ng Manay, 3:44 ng hapon ngayong Miyerkules, Oct. 15.

May lalim na 15 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

EARTHQUAKE ALERT! | Magkasunod na M4.5 at M4.0 na lindol tumama sa Bogo City Magkasunod na may kalakasang pagyanig ang t...
15/10/2025

EARTHQUAKE ALERT! | Magkasunod na M4.5 at M4.0 na lindol tumama sa Bogo City

Magkasunod na may kalakasang pagyanig ang tumama sa Bogo City, Cebu.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.6 na pagyanig pagyanig sa layong 68 kilometers northeast ng Bogo, 3:55 ng hapon ngayong Miyerkules, Oct. 15.

Naitala ng Intensity II sa Tabuelan, Cebu at Instrumental Intensities na:

Intensity III sa Villaba, Leyte; Intensity II sa Cebu City; at Isabel, Leyte at Intensity I sa Kawayan, Biliran at Talisay Cebu.

Samantala, 3:58 ng hapon naitala din ng magnitude 4.0 na lindol sa 55 kilometers northeast ng Bogo.

2 kilometers ang lalim ng lindol at naitala ng Intensity II sa Tabuelan, Cebu at Instrumental Intensity II sa Villaba, Leyte.

EARTHQUAKE ALERT | EASTERN SAMAR NIYANIG NG MAGNITUDE 4.3 NA LINDOLInuga ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Eas...
15/10/2025

EARTHQUAKE ALERT | EASTERN SAMAR NIYANIG NG MAGNITUDE 4.3 NA LINDOL

Inuga ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 31 kilometers southwest ng Balangiga, 2:23 ng hapon ngayong Miyerkules, Oct. 15.

May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na Intensities:

Intensity III
- Dulag, LEYTE

Intensity II
- Abuyog, LEYTE
- Silago and Hinunangan, SOUTHERN LEYTE

Intensity I
- Burauen, LEYTE
- Hinundayan, SOUTHERN LEYTE

VLOGGER NA NAMAMAHAGI NG LICENSE PLATES IPINATATAWAG NG LTONagpalabas ng Show Cause Order ang Land Transportation Office...
15/10/2025

VLOGGER NA NAMAMAHAGI NG LICENSE PLATES IPINATATAWAG NG LTO

Nagpalabas ng Show Cause Order ang Land Transportation Office laban sa vlogger na kilala bilang “Papa Henry TV” dahil sa iligal na pag-claim at pamamahagi ng mga plaka ng sasakyan.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, nag-upload ng video ang nasabing vlogger kung saan makikitang siya mismo ang nag-claim ng mga OR/CR mula sa iba’t ibang may-ari ng sasakyan.

Ipinakita rin sa video na siya ang kumukuha at namimigay ng mga plaka sa pamamagitan ng tinawag niyang "connection" niya sa LTO-NCR at LTO Region IV-A.

Naniningil ang vlogger ng bayad sa delivery at dagdag na halaga bilang kaniya umanong “pang-kape.”

Tingnan ng buong detalye sa comment section.

OWWA NAKIPAG-UGNAYAN NA SA PAMILYA NG 2 PINOY NA NAPAULAT NA NAWAWALA SA HONG KONGTiniyak ng Overseas Workers Welfare Ad...
15/10/2025

OWWA NAKIPAG-UGNAYAN NA SA PAMILYA NG 2 PINOY NA NAPAULAT NA NAWAWALA SA HONG KONG

Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na nakikipag-ugnayan na ito sa pamilya ng dalawang Pinoy na napaulat na nawawala sa Hong Kong.

Ayon sa OWWA patuloy ang koordinasyon ng kanilang Hong Kong Chapter sa kapatid ng nawawalang si Imee Pabuaya habang ang OWWA Region 12 naman ay nakaugnayan na ang pamilya ni Aleli Perez Tibay sa Sarangani Province.

Nagtutulungan din ang OWWA, at MWO-Hong Kong para sa koordinasyon sa Hong Kong Police at Immigration Department.

Ang dalawa na kapwa nagtatrabaho bilang domestic workers sa Hong Kong ay mahigit isang linggo nang nawawala matapos mag-hiking.

Tingnan ng buong detalye sa comment section.

KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS SA QC TUMAAS NG 67%Umabot na sa 2,070 ang naitatalang kaso ng INFLUENZA-LIKE ILLNESS sa Q...
15/10/2025

KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS SA QC TUMAAS NG 67%

Umabot na sa 2,070 ang naitatalang kaso ng INFLUENZA-LIKE ILLNESS sa Quezon City mula January 1 hanggang October 13 ngayong taon.

Ayon sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, ang datos ay mas mataas ng ng 67 percent kumpara sa kasong naitala sa parehong panahon noong 2024.

Karaniwang apektado ng sakit ay mga batang labingapat na taong gulang pababa.

Paalala QC LGU sa mga residente maging maingat para maiwasan ang paglaganap pa ng sakit.

Tingnan ng buong detalye sa comment section.

P2M NA HALAGA NG TULONG NATANGGAP NG CEBU GALING BAGUIONagbigay ng dalawang milyong pisong halaga ng tulong ang Baguio C...
15/10/2025

P2M NA HALAGA NG TULONG NATANGGAP NG CEBU GALING BAGUIO

Nagbigay ng dalawang milyong pisong halaga ng tulong ang Baguio City sa mga lugar na labis na naapektuhan ng lindol sa Cebu.

Ang nasabing halaga ay hahatiin sa apat na priority areas sa northern Cebu.

Personal na iniabot ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang tulong-pinansyal sa mga kinatawan ng Bogo City at mga munisipalidad ng Daanbantayan, San Remigio, at Medellin.

Ibinigay din ni Magalong kay Cebu Governor Pamela Baricuatro ang P125,000 na halaga na mula naman sa Mayors for Good Governance.

Tingnan ng buong detalye sa comment section.

Address

Rodriguez
1860

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News Flash PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to News Flash PH:

Share