Kuya Tom

Kuya Tom Official page Of Congressman Dennis "Tom" Hernandez

4th District, Rizal Province

π—£π—”π—‘π—¨π—žπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 π— π—”π—•π—œπ—Ÿπ—œπ—¦ 𝗔𝗧 π— π—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗑𝗔 π—›π—¨π—¦π—§π—œπ—¦π—¬π—” 𝗦𝗔 π— π—’π—‘π—§π—”π—Ÿπ—•π—”π—‘!Isinusulong natin sa Kongreso ang paglikha ng 4...
24/09/2025

π—£π—”π—‘π—¨π—žπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗦 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 π— π—”π—•π—œπ—Ÿπ—œπ—¦ 𝗔𝗧 π— π—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗑𝗔 π—›π—¨π—¦π—§π—œπ—¦π—¬π—” 𝗦𝗔 π— π—’π—‘π—§π—”π—Ÿπ—•π—”π—‘!

Isinusulong natin sa Kongreso ang paglikha ng 4 na bagong sangay ng Regional Trial Court (RTC) at 2 karagdagang sangay ng Municipal Trial Court (MTC) na itatayo dito mismo sa Rodriguez (Montalban), Rizal.

πŸ’‘ Bakit ito mahalaga?
Sa kasalukuyan, ang mga kaso mula sa Montalban ay dinidinig pa rin sa RTC San Mateo. Mula 2023 hanggang Hunyo 2025, halos 2,000 kaso mula sa Montalban ang nakabinbin doon, at marami sa mga ito ang umaabot ng dalawang taon o higit pa bago maresolba.

πŸ‘‰ Malaking pasanin ito para sa mga MontalbeΓ±o.
Bukod sa bigat ng trabaho ng San Mateo RTC, dagdag gastos, mahabang biyahe, at matinding trapiko ang problema ng mga kababayan nating kailangang magtungo pa sa San Mateo para asikasuhin ang kanilang mga kaso, piyansa, at iba pang papeles.

βš–οΈ Ang Solusyon:
Sa paglikha ng mga bagong korte dito mismo sa Montalban, mapapabilis ang pagdinig ng mga kaso, mababawasan ang bigat ng trabaho ng RTC San Mateo, at mapapalapit ang hustisya sa bawat MontalbeΓ±o.

βœ… Mabilis na resolusyon ng mga kaso
βœ… Mas kaunting gastos at biyahe
βœ… Mas episyente at makataong hustisya para sa lahat

Ang panukalang batas na ito ay hindi lamang para sa ating mga korte ito ay para sa bawat MontalbeΓ±o na naghahangad ng agarang hustisya nang hindi kailangang malugmok sa gastos at pagod. Isang konkretong hakbang tungo sa mas makatao, episyente, at makatarungang hustisya para sa lahat!

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS - ALL LEVELSBilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bag...
22/09/2025

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS - ALL LEVELS

Bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bagyong Nando sa Bayan ng Montalban, nag-anunsyo ang ating Pamahalaang Bayan ng Montalban na suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, Setyembre 23, 2025 (Martes).

Sa ilalim ng ganitong kalagayan, muling ililipat ang klase sa alternative distance learning modalities upang masiguro ang tuloy-tuloy na edukasyon ng ating mga mag-aaral.

Maging maingat tayong lahat at patuloy na magbantay, mga ka-distrito.
🀲🌧️ Ingat po tayo, Montalban!

Isang maulang hapon, mga Ka-Distrito!Naging matagumpay ang isinagawang libreng pedia check-up sa ating San Rafael Satell...
22/09/2025

Isang maulang hapon, mga Ka-Distrito!

Naging matagumpay ang isinagawang libreng pedia check-up sa ating San Rafael Satellite District Office. Labis ang pasasalamat ng ating mga magulang sa libreng serbisyong medikal, gamot, at vitamins na handog para sa kalusugan ng ating mga kabataang MontalbeΓ±o.

Isang taos-pusong pasasalamat kay Dra. Bless Inocentes sa kanyang walang sawang pag-aaruga at dedikasyon para sa kalusugan ng ating mga kabataan, pati na rin sa lahat ng ating mga health workers at volunteers na naging katuwang sa matagumpay na aktibidad na ito.

WEATHER ADVISORYAs of 5:00 PM | PAGASAORANGE WARNING LEVELNakataas sa mga sumusunod na lugar sa Rizal Province:Rodriguez...
22/09/2025

WEATHER ADVISORY
As of 5:00 PM | PAGASA

ORANGE WARNING LEVEL
Nakataas sa mga sumusunod na lugar sa Rizal Province:
Rodriguez, San Mateo, Antipolo, Teresa, Baras, Morong, Binangonan, Cardona, Taytay, Cainta, at Angono.
Asahan ang matinding pag-ulan at pagbaha sa mga mababang lugar at flood-prone areas.

PAALALA
Maging alerto at mag-monitor sa mga susunod na abiso ng PAGASA at ng ating lokal na pamahalaan.
Iwasan ang paglalakad o pagmamaneho sa mga binabahang kalsada.
Ihanda ang mga emergency kit at lumikas agad kung kinakailangan.

Dulot ito ng Habagat na pinalakas ng Super Typhoon .

22/09/2025

Weather Advisory ⚠️ β›ˆοΈ

Ayon sa PAGASA, kabilang ang ilang bahagi ng lalawigan sa mga lugar na nasa YELLOW WARNING LEVEL dala ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon o Habagat at Super Typhoon Nando. Partikular na rito ang mga bayan ng Montalban, Antipolo, San Mateo, Cainta, at Taytay.

Samantala, inaasahan ang mahina hanggang katamtaman na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa mga bayan ng Angono, Baras, Binangonan, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililla, Teresa, at Tanay sa loob ng susunod na tatlong oras.

Inaabisuhan ang lahat na magdala ng panangga sa ulan at planuhin nang maigi ang mga lakad sa mga susunod na oras upang makaiwas sa posibleng panganib na maaaring idulot ng masamang panahon.

Maging alerto at manatiling nakaabang para sa mga latest updates at announcements. Mag-ingat po ang lahat!




https://www.facebook.com/share/p/1FDQKLASV9/?mibextid=wwXIfr

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS - ALL LEVELSBilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bag...
21/09/2025

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS - ALL LEVELS

Bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bagyong Nando sa Bayan ng Montalban, nag-anunsyo ang ating Pamahalaang Bayan ng Montalban na suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, Setyembre 22, 2025 (Lunes).

Sa ilalim ng ganitong kalagayan, muling ililipat ang klase sa alternative distance learning modalities upang masiguro ang tuloy-tuloy na edukasyon ng ating mga mag-aaral.

Maging maingat tayong lahat at patuloy na magbantay, mga ka-distrito.
🀲🌧️ Ingat po tayo, Montalban!

πŸ“’ ANUNSYO MGA KA-DISTRITOInaanyayahan po namin ang lahat sa gaganaping PEDIA CHECK-UP sa darating na Lunes, Setyembre 22...
21/09/2025

πŸ“’ ANUNSYO MGA KA-DISTRITO

Inaanyayahan po namin ang lahat sa gaganaping PEDIA CHECK-UP sa darating na Lunes, Setyembre 22, 2025, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.

Ang edad na maaring mag pa check up ay 18 years old below.

Sa Barangay San Rafael District Satellite Office 127 M.H. Del Pilar St. (tapat ng Baliwag Lechon)

πŸ‘ΆπŸ©Ί Handog mula sa inyong Cong Tom Hernandez para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga kabataan.

Maraming salamat po! πŸ’™

βœ¨πŸŽ‰ Maligayang Kaarawan! πŸŽ‰βœ¨Isang mainit na pagbati sa aking matalik na kaibigan, mabait, matulungin, at napakasipag na Ko...
20/09/2025

βœ¨πŸŽ‰ Maligayang Kaarawan! πŸŽ‰βœ¨

Isang mainit na pagbati sa aking matalik na kaibigan, mabait, matulungin, at napakasipag na Konsehal ng Bayan, Konsi Arnel De Vera!
Nawa’y patuloy kang pagpalain ng magandang kalusugan, masaganang biyaya, at walang humpay na lakas upang maipagpatuloy ang tapat mong paglilingkod sa ating mga kababayan.

Salamat sa iyong malasakit at dedikasyon tunay kang inspirasyon sa serbisyo publiko. 🫢πŸ’ͺ

πŸŽ‚πŸŽ Mabuhay ka at Happy Birthday, Konsi Arnel! πŸ₯³

Magandang hapon po, mga Ka-Distrito! Isa na namang makabuluhang araw sa House of Representatives kung saan tayo po ay bu...
19/09/2025

Magandang hapon po, mga Ka-Distrito!

Isa na namang makabuluhang araw sa House of Representatives kung saan tayo po ay buong maghapon na dumalo sa session. Sa dami ng mga panukalang batas na tinalakay, naging pagkakataon ito upang tayo ay makiisa at makapag-ambag sa paggawa ng mga batas na tunay na makikinabang ang ating mga kababayan.

Kasama ang ating mga kapwa mambabatas, patuloy tayong nagsusumikap na maisulong ang mga programang magdadala ng kaunlaran at magbibigay ng mas maayos na kinabukasan para sa bawat pamilya.

17/09/2025
Mahigpit na AKAP para sa ating mga kababayan!Hindi natin pinalagpas ang pagkakataon na makasama at personal na kumustahi...
17/09/2025

Mahigpit na AKAP para sa ating mga kababayan!

Hindi natin pinalagpas ang pagkakataon na makasama at personal na kumustahin ang ating mga ka-distrito sa paglulunsad ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). 948 na MontalbeΓ±os ang nabigyan ng financial assistance bilang tulong matapos ang pinsalang dulot ng baha nitong nakaraang mga buwan.

Lubos po tayong nagpapasalamat sa ating mga katuwang sa programang ito Pangulong Ferdinand β€œBongbong” Marcos Jr., Speaker Martin Romualdez, DSWD Secretary Rex Gatchalian, Mayor Ronnie S. Evangelista, at ang ating mahal na Governor Nina Ricci Ynares sa kanilang patuloy suporta para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Sama-sama, kapit-bisig, para sa mas maayos at maunlad na Montalban!

Lubos po ang ating pakikiramay sa mga pamilyang naiwan nina Ginoo Rufo Coronel, Roel Mapanao, at Teodelfino Perez. Nawa’...
16/09/2025

Lubos po ang ating pakikiramay sa mga pamilyang naiwan nina Ginoo Rufo Coronel, Roel Mapanao, at Teodelfino Perez.

Nawa’y pagkaloban sila ng Poong Maykapal ng lakas, kapanatagan, at gabay sa panahong ito ng kanilang pagdadalamhati."

Address

Rodriguez
1860

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kuya Tom posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share