Lehitimo Montalbeño

Lehitimo Montalbeño this page is not affiliated in any government entity, politicians, and/nor religious group Ito rin ang pinakamalaking bayan sa lalawigan ng Rizal.

Ang Rodriguez (na dating kilala bilang Montalban) ay isang unang klaseng munisipalidad sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ang pinakahilagang bayan ng lalawigan at dumarating pagkaraan ng San Mateo, kapag magmumula sa Kalakhang Maynila. Nakalagak ang bayan sa mga libis ng nasasaklawan ng bulubundukin ng Sierra Madre at nagtataglay ng maraming mga pasyalang pook. Ayon sa senso ng 2007, mayroong i

tong populasyong 187,750 (115,167 katao sa 24,524 kabahayan noong senso ng 2000). Sinasabing naganap ang alamat ni Bernardo Carpio sa bulubundukin ng Montalban. Naglalahad ang alamat ng kuwento hinggil sa isang higanteng hindi makaalis mula sa pagitan ng dalawang bundok. http://tl.wikipedia.org/wiki/Rodriguez,_Rizal

~Nahahati ang Rodriguez sa 11 mga baranggay:

Burgos
Manggahan
San Jose
Rosario
Balite
Geronimo
San Rafael
San Isidro
Macabud
Mascap
Puray

----------------------------------------------------------------
~Pamahalaan

Pangkasalukuyang pinamumunuan ang Rodriguez ng alkaldeng si Cecilio "Elyong" Hernandez.

1909-1916 Eulogio Rodriguez
1916-1919 Eusebio Manuel
1919-1928 Gregorio Bautista
1928-1932 Jose Rodriguez
1932-1936 Roman Reyes
1936-1940 Jacinto Bautista
1941-1943 Francisco Rodriguez
1943-1944 Federico San Juan
1945 Gavino Cruz
1946-1947 Catalino Bautista
1947 Macario Bautista
1948-1959 Benigno Liamzon
1960 Guillermo Cruz Sr.
1960-1984 Teodoro Rodriguez
1984-1987 Pablo Adriano
1988-1993 Angelito Manuel
1993-1995 Ernesto Villanueva
1995-1998 Pedro Cuerpo
1998-2001 Rafaelito San Diego
2001-2010 Pedro Cuerpo
2010-2019 Cecilio Hernandez
2019-2022 Dennis Hernandez
2022-Present LTGEN Ronnie Evangelista (Ret)

----------------------------------------------------------------

27/04/2026

High 5 @ 155! 🥳

Today we celebrate the vibrant culture and continued progress ng mahal nating Montalban! Sa bawat bagong tagumpay, hanga tayo sa tibay at pagkakaisa ng bawat Montalbeño.

Kaya ipagdiwang natin ang kwento at panalo... Happy Founding Anniversary Montalban! 🎊


TRAFFIC ADVISORY | PRUSISYON PARA SA KAPISTAHAN NG KWARESMA (HOLY WEDNESDAY)Inaabisuhan ang mga Montalbeñong motorista n...
31/03/2026

TRAFFIC ADVISORY | PRUSISYON PARA SA KAPISTAHAN NG KWARESMA (HOLY WEDNESDAY)

Inaabisuhan ang mga Montalbeñong motorista na asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko dahil sa mga prusisyon kaugnay sa Miyerkules Santo (Holy Wednesday) na gaganapin sa April 1, 2026 sa Bayan ng Montalban.

*Sta. Cecilia Parish
TIME: 7:00-9:00 PM
STARTING POINT: Sta. Cecilia Parish Brgy Maly San Mateo
ROUTE:
• Gen Luna
• Patiis
• Daangbakal
• Talisay
End Point: Sta. Cecilia Parish Brgy. Maly, San Mateo Rizal

*San Jose Manggagawa Parish
TIME: 7:00 PM
STARTING POINT: San Jose Manggagawa Parish
ROUTE:
• Kalantas St.
• Ipil St.
• Tanguile St.
• Dela Costa V
• Curayao
• Dela Costa Tanguile St.
•Kalantas St.
End Point: San Jose Manggagawa Parish

*Our Lady of the Most Holy Rosary Parish
TIME: 6:00 PM - 7:00 PM
STARTING POINT: Parokya Ng Santisimo Rosario
ROUTE:
• J.P Rizal St.
• Kanan sa Col. S. Cruz St. (Brgy. Balite/Geronimo)
• Kaliwa sa A. Nicolas St.
• Kaliwang muli sa M.H Del Pilar St. (Brgy. Geronimo/Balite)
Tungo sa J.P Rizal St. (Brgy. Balite)
• Kanan sa A. Bonifacio St.
• Kaliwa sa L.M. Santos St.
• Kanan tungo sa E. Rodriguez Highway paliko sa harapan ng Emil Hardware
Patungo sa E. Rodriguez Highway (Brgy. Manggahan)
• Kanan sa J.P Rizal St (Brgy Manggahan) paliko sa Boy Santiago Memorial Chapel
• Kanan tungo sa Millex Road
• Kaliwa tungo sa Daang Bakal St. (Brgy. Manggahan/Balite) hanggang sa Parokya ng
Santisimo Rosario

*St. Raphael The Archangel Parish Patio
TIME: 4:00 PM
STARTING POINT: St. Raphael The Archangel Parish Patio
ROUTE:
• Cortijos Gate
• P. Rodriguez St.
• Elar
• P. Rodriguez St.
• M.H Del Pilar St.
• A. Nicolas St.
• Col S. Cruz St.
End Point: St. Raphael The Archangel

Mangyari lamang na maglaan ng pasobrang oras patungo sa pupuntahan o maghanap ng alternatibong madaraanan. Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.

31/03/2026
📢 IMPORMASYON SA E-BIKE / EV BAN(LTO–MMDA Regulation Explained)LINAWIN NATIN:🔴 ANG IPINATUTUPAD NA BAN NG LTO AT MMDA AY...
02/01/2026

📢 IMPORMASYON SA E-BIKE / EV BAN
(LTO–MMDA Regulation Explained)

LINAWIN NATIN:

🔴 ANG IPINATUTUPAD NA BAN NG LTO AT MMDA AY SAKOP LAMANG ANG MGA MAJOR HIGHWAYS SA METRO MANILA, gaya ng:

EDSA, C-5, Roxas Boulevard, Quirino Ave papuntang SLEX,
Iba pang pangunahing national roads sa NCR

❗ HINDI ITO ISANG NATIONWIDE UMBRELLA BAN sa lahat ng e-bike, e-trike, o electric vehicles sa buong Pilipinas.

🛣️ ANO ANG HINDI SAKOP NG BAN?
✅ Barangay roads
✅ Secondary / local roads
✅ Residential streets
✅ Mga lugar na HINDI major highway

👉 Ibig sabihin: hindi bawal ang EV sa lahat ng kalsada, lalo na kung hindi national highway o major thoroughfare.

🔁 MAHALAGANG NOTE: PUWEDE TUMAWID
🟢 PINAPAYAGAN ANG PAGTAWID sa mga major highway kung kailangan lang tumawid papunta sa kabilang kalsada o barangay.

🏛️ TUNGKOL SA LGU (CITY / MUNICIPALITY)

✔️ MAY KAPANGYARIHAN ang LGU na mag-REGULATE ng trapiko sa mga lokal na kalsada
❌ PERO HINDI SILA PUWEDE MAGPATUPAD NG BIGLAANG BAN nang walang proseso

Para maging VALID ang regulasyon ng LGU, DAPAT MAY:

1️⃣ Ordinansa o Executive Order (hindi verbal lang)
2️⃣ Malinaw na abiso sa publiko (announcement, publication, advisories)
3️⃣ Takdang saklaw – anong sasakyan, anong kalsada, kailan epektibo
4️⃣ Road signage bago manghuli
5️⃣ Transition / grace period, lalo na kung bagong patakaran
❗ Ang biglaang hulihan na walang abiso ay paglabag sa DUE PROCESS.

If There Was NO Proper Notice 2️⃣ .
If any of the above is missing, the LGU’s action may violate:
⚖️ 1. Due Process - You cannot be penalized for a rule you had no fair chance to know.
⚖️ 2. Administrative Fairness - Sudden enforcement without transition = arbitrary
⚖️ 3. Traffic Regulation Standards - Traffic rules require visibility and clarity, No signs + no publication = weak enforcement basis

What This Means on the Ground
If you are apprehended under a new or unclear EV restriction, you may legally argue:
✔️ No ordinance / EO presented
✔️ No public notice or information campaign
✔️ No signage on the road
✔️ No grace period
✔️ Rule contradicts LTO / EVIDA policy

👉 This does NOT guarantee instant dismissal on the street,
BUT it matters greatly when contesting the ticket.

⚖️ MAHALAGANG PAALALA
Hindi porke may “ban” ay automatic na legal
May karapatan ang mamamayan sa malinaw na patakaran at tamang abiso
Ang regulasyon ay dapat makatarungan at may due process

📍 SA MADALING SABI:
✔️ Metro Manila highways lang ang sakop ng LTO–MMDA ban
✔️ PUWEDE TUMAWID, pero hindi puwedeng bumiyahe sa highway
❌ Hindi ito nationwide ban
✔️ Puwedeng mag-regulate ang LGU
❌ Pero hindi puwedeng biglaan at walang due process

⚡ KAUGNAY NG EVIDA LAW (RA 11697)
📌 Layunin ng EVIDA Law na I-PROMOTE at I-INTEGRATE ang EVs, hindi basta i-ban.
📌 Dapat may maayos na plano, imprastraktura, at sistema, hindi parusa agad.

Dahil sa epekto ng Super Typhoon  , inanunsyo ng Malacañang na 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno ...
09/11/2025

Dahil sa epekto ng Super Typhoon , inanunsyo ng Malacañang na 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong Lalawigan ng Rizal bukas, November 10, 2025.

𝗦𝘂𝘀𝗽𝗲𝗻𝗱𝗶𝗱𝗼 rin ang klase sa LAHAT NG ANTAS (public at private) sa buong lalawigan bukas hanggang Martes, November 10-11, 2025

Mananatiling bukas at patuloy ang operasyon ng mga tanggapan na nagbibigay ng basic health services, preparedness and disaster response, at iba pang essential services.

Ipinapaubaya naman sa mga pribadong kumpanya ang pasya tungkol sa suspension ng trabaho.

Ibayong pag-iingat, mga Rizalenyo, at ipanalangin natin ang kaligtasan ng bawat isa. 🙏🌧️



DESIGNATED EVACUATION AREAS PER BARANGAY(In Case of Flooding)Kapag dumarating ang malalakas na ulan at may banta ng pagb...
08/11/2025

DESIGNATED EVACUATION AREAS PER BARANGAY
(In Case of Flooding)

Kapag dumarating ang malalakas na ulan at may banta ng pagbaha, mahalagang alam natin kung saan ligtas na lumikas.

Narito ang opisyal na listahan ng mga itinalagang Evacuation Centers sa iba’t ibang barangay ng ating bayan.
Ang mga lugar na ito ay inihanda ng bawat barangay sa ating bayan upang magsilbing ligtas na kanlungan sa panahon ng sakuna.

Sa oras ng emergency, panatilihin ang kalma, makinig sa mga abiso, at agad na tumungo sa pinakamalapit na evacuation center na nakalista rito.

Laging tandaan: Mas mabuting maghanda bago pa man dumating ang panganib.

📞 Montalban Hotline – 911

WALANG PASOK |  Narito ang mga lugar sa CALABARZON na nagdeklara ng suspensyon ng klase sa Lunes, November 10, 2025 dahi...
08/11/2025

WALANG PASOK | Narito ang mga lugar sa CALABARZON na nagdeklara ng suspensyon ng klase sa Lunes, November 10, 2025 dahil sa Typhoon . (via DILG IV-A)

✅ Province of Cavite - All Levels, Public and Private Schools

✅ Province of Laguna - All Levels, Public and Private Schools

✅ Province of Batangas
• City of Sto. Tomas - All Levels, Public and Private Schools
• Malvar - No face to face classes, All Levels, Public and Private Schools
• Padre Garcia - All Levels, Public and Private Schools

✅ Province of Rizal - All Levels, Public and Private Schools

📢 IMPORTANT: EMERGENCY HOTLINES 📞Save these numbers. Share with family and neighbors. In times of emergency, information...
08/11/2025

📢 IMPORTANT: EMERGENCY HOTLINES 📞
Save these numbers. Share with family and neighbors. In times of emergency, information saves lives.

🟥 NATIONAL EMERGENCY HOTLINES
📞 911 – National Emergency Hotline
📞 117 – PNP / BFP
📞 143 – Philippine Red Cross
📞 165-02 – DPWH
📞 (02) 8911-5061 to 65 – NDRRMC
📞 (02) 8932-8101 to 07 – DSWD

🟧 MONTALBAN EMERGENCY HOTLINES
📱 MDRRMO: 0969 614 4825
📱 MHO: 0938 192 3590
📱 BFP: 0951 604 7279
📱 PNP: 0998 598 5727

🟩 BARANGAY HOTLINES
📍SAN ISIDRO
📱 0939 152 4347
📱 0998 683 1628

📍SAN JOSE
📱 0915 188 7878

📍SAN RAFAEL
📱 0963 473 3756
📱 0966 330 5054
📱 0951 627 8277

📍BALITE
☎️ 02 8948 0157
📱 0966 016 4529
📱 0962 562 7310

📍BURGOS
📱 0928 495 5994

📍GERONIMO
📱 0963 169 6173

📍MANGGAHAN
📱 0953 160 8071

📍MACABUD
📱 0907 511 8621

📍MASCAP
📱 0935 055 6521

📍PURAY
📱 0910 736 6232

📍ROSARIO
📱 0956 964 6208

Dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Uwan, SUSPENDED ang klase ngayong darating na lunes, November 10, 2025, sa LAHAT N...
08/11/2025

Dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Uwan, SUSPENDED ang klase ngayong darating na lunes, November 10, 2025, sa LAHAT NG ANTAS sa PAMPUBLIKO AT PRIBADONG paaralan sa buong Lalawigan ng Rizal.

Para sa kaligtasan ng lahat, manatili sa ligtas na lugar, iwasan muna ang paglabas kung hindi kailangan, at makinig sa mga opisyal na anunsyo ng inyong lokal na pamahalaan.

Mananatiling bukas ang mga tanggapan para sa serbisyong medikal, disaster at emergency response, at iba pang basic at essential services.

Mag-ingat po tayong lahat at patuloy na magdasal para sa kaligtasan ng buong bansa. 🙏



20/10/2025

ABISO PUBLIKO | PANSAMANTALANG PAGSASARA NG MONTALBAN SPORTS COMPLEX (OVAL)

Ipinababatid sa publiko na pansamantalang isasara ang Montalban Sports Complex (Oval) mula October 21 hanggang October 24, 2025 para bigyang daan ang pagsasaayos ng naturang pasilidad kaugnay ng paghahanda sa nalalapit na Provincial Meet.

Layunin ng pagsasara na mapanatili ang kaligtasan at maayos na kondisyon ng pasilidad para sa lahat ng gagamit nito. Hinihikayat ang mga atleta at miyembro ng komunidad na ipagpaliban muna ang kanilang mga aktibidad sa oval sa nasabing panahon.

Humihingi kami ng pasensya at pang-unawa sa pansamantalang abala.

Address

Rodriguez
1860

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lehitimo Montalbeño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share