17/10/2025
REP. BENNY ABANTE: “IPAGBAWAL ANG TIKTOK SA PILIPINAS!”
Alam niyo ba? Nais ni Rep. Benny Abante na ipagbawal ang TikTok sa bansa, kasunod ng ginawa ng Estados Unidos na nagban din sa naturang app.
Ayon kay Abante, ginagamit umano ng mga banyaga, lalo na ng China, ang TikTok upang impluwensyahan at kontrolin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng maling impormasyon.
Aniya, panahon na raw para sa gobyerno na kumilos bago mahuli ang lahat at protektahan ang mga mamamayan laban sa mga dayuhang panlilinlang sa social media.