Baka Trip Mo?

Baka Trip Mo? Your go-to travel and food blog for all things sulit, lokal, at kwela!

Tara, alamin natin kung… nga!
📍Exploring the Philippines one bite & ride at a time.
📌 Follow us for tips, reviews, kwentong-biyahe, at pagkain na siguradong pampagana!

10/04/2026

Nag-drive ka hanggang sa dulo ng Rizal at ganito kaganda ang bumungad sa’yo.

✨ Kapayapaan at kasaysayan sa gitna ng Jala-jala. Perfect spot para sa mga gustong magmuni-muni at mag-enjoy sa nature. 🚗💨

Baka Trip niyo?


Joyce Ravile
St. Michael the Archangel Parish Church

05/04/2026

St. Mary Magdalene Parish. ⛪️🕊️

Mahigit 400 years ng kasaysayan, pananampalataya, at tatag. Mula sa arkitektura hanggang sa preskong garden, nakaka-relax talaga rito. 🧱✨

Sa susunod mong roadtrip sa Rizal, huwag mong lalakpasan ang spot na 'to. 🙏

Baka Trip Mo? Let’s go! 🚗💨



Joyce Ravile
Diocesan Shrine and Parish of Saint Mary Magdalene, Pililla, Rizal

05/04/2026

Quick stop sa Tanay: History, Peace, at Kape!

Visited the 240+ year old San Ildefonso de Toledo Parish Church. Sobrang ganda ng details at napaka-solemn ng vibe. Kung naghahanap kayo ng sign para mag-Rizal loop, ito na 'yun!

Baka trip niyo dumaan? Ride safe everyone! ☕️


Joyce Ravile
San Ildefonso de Toledo Parish, Tanay, Rizal

04/04/2026

Pananampalataya at Kasaysayan. 🕯️🌿

Visiting the Diocesan Shrine of St. Joseph, Baras, Rizal for this year’s Visita Iglesia. Isang mapayapang Mahal na Araw sa ating lahat.



Diocesan Shrine and Parish of St. Joseph, Baras, Rizal
Joyce Ravile

🥢 Bagong Tambayan sa Lilac: Prefecture Karaage x Tempura! 🍤Spotted! May bago na namang kailangang i-try dito sa Lilac St...
21/03/2026

🥢 Bagong Tambayan sa Lilac: Prefecture Karaage x Tempura! 🍤

Spotted! May bago na namang kailangang i-try dito sa Lilac St., Marikina! 📍

Hindi ko pa s'ya nate-test drive gawa ng nasold out sila last Sunday, pero planado na ang dinner ko dito bukas. Kung naghahanap kayo ng landmark, katabi lang s'ya ng Chipori. Hindi niyo mami-miss 'yung cute na glowing cat sign nila! 🐈✨

Sa menu pa lang, mukhang panalo na. Maraming options for Karaage (may Nanban, Takoyaki flavor, at Spicy!) tapos may Tiger Prawn Tempura pa. Swak din sa budget kasi may rice bowls sila starting at ₱40 at fresh noodles! 🍚🍜

Excited na ako i-try 'to bukas! Sabihan ko kayo kung kamusta ang food trip. 😋

Location: 📍 60 Lilac St. Concepcion Dos, Marikina (Beside Chipori)

Oh ano? Baka trip mo?

Nag-hahanap ba kayo ng spot na hindi lang pang-Instagram ang aesthetic, kundi talagang panalo rin sa lasa? Recently, nap...
10/03/2026

Nag-hahanap ba kayo ng spot na hindi lang pang-Instagram ang aesthetic, kundi talagang panalo rin sa lasa? Recently, napadpad ako sa Al Faham Grill and Shawarma, at masasabi ko lang—iba talaga kapag 'legit' ang usapan.

Sa dami ng naglalabasang shawarma joints ngayon, mahirap nang humanap ng lasang hindi 'gawang kanto' lang. Pero dito, mula sa tender na meat hanggang sa ambiance na perfect for catching up with the barkada, parang nahanap ko na ang bagong go-to spot ko. Kung nag-ccrave kayo ng authentic Biryani at Shawarma Rice na sulit sa bulsa, seat back at basahin niyo 'tong full review ko dahil baka ito na ang next food trip destination niyo!

Oh ano, tara na! Baka lang naman, baka trip mo ang Al Faham Grills and Shawarma?

Nag-hahanap ba kayo ng spot na hindi lang pang-Instagram ang aesthetic, kundi talagang panalo rin sa lasa? Recently, napadpad ako sa Al Faham Grill and Shawarma, at masasabi ko lang—iba talaga kapag 'legit' ang usapan.Sa dami ng naglalabasang shawarma joints ngayon, mahirap nang humanap ng lasang ...

Gusto mo ba ng Foodtrip sa Pililla na Bulawan ang sarap, pero hindi Bulawan ang presyo? ✨Hindi mo na kailangang lumipad ...
07/03/2026

Gusto mo ba ng Foodtrip sa Pililla na Bulawan ang sarap, pero hindi Bulawan ang presyo? ✨

Hindi mo na kailangang lumipad pa-Ilocos para sa windmills o mag-overnight sa Pampanga para sa inihaw. Dito sa Bulawan Floating Restaurant, sasalubungin ka ng preskong hangin, modern minimalist vibes, at pagkaing sulit sa bulsa! 🌬️🐟

Bakit ito ang next "Golden Find" ng tropa o pamilya? Check mo review ko.

Oh ano, tara na? Baka lang naman, baka trip mo ang Bulawan Floating Restaurant? 😉

Naghahanap ka ba ng lugar sa Pililla na "Bulawan" (Ginto) ang serbisyo at sarap? Ang Bulawan Floating Restaurant ay isang tunay na "golden find" para sa mga pamilya dahil very child-friendly ang lugar. Bagama't wala na ang dating floating style at naging modern minimalist na ang vibe na may hint ng....

Ready ka na ba for Holy Week 2026? ⛪️🙏Para sa ating mga kapatid na Katoliko na nagpaplano ng kanilang panata ngayong Mah...
02/03/2026

Ready ka na ba for Holy Week 2026? ⛪️🙏

Para sa ating mga kapatid na Katoliko na nagpaplano ng kanilang panata ngayong Mahal na Araw, narito ang isang gabay para sa isang makabuluhang Visita Iglesia sa ating lalawigan ng Rizal.

Gawing mas organisado ang inyong pagninilay! Ang 14-church itinerary na ito ay magsisimula sa Rodriguez (Montalban), iikot sa mga lakeside towns, at magtatapos sa paanan ng Mahal na Birhen sa Antipolo. 🚗💨

Layon nating bisitahin ang bawat simbahan kasabay ang pag-meditate sa 14 Stations of the Cross:

📍 ANG ATING PILGRIMAGE ROUTE:

1️⃣ Rodriguez: Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Montalban (Station I)
2️⃣ San Mateo: National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu (Station II)
3️⃣ Cainta: Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light (Station III)
4️⃣ Taytay: Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist - Taytay, Rizal (Station IV)
5️⃣ Angono: Diocesan Shrine and Parish of Saint Clement (Station V)
6️⃣ Binangonan: Sta. Ursula Parish (Station VI)
7️⃣ Cardona: La Virgen de Sapao (Station VII)
8️⃣ Morong: St. Jerome Parish (Station VIII)
9️⃣ Baras: St. Joseph Parish (Station IX)
🔟 Tanay: San Ildefonso de Toledo Parish, Tanay, Rizal (Station X)
1️⃣1️⃣ Pililla: Diocesan Shrine and Parish of Saint Mary Magdalene, Pililla, Rizal (Station XI)
1️⃣2️⃣ Jala-Jala: St. Michael the Archangel Parish (Station XII)
1️⃣3️⃣ Teresa: St. Rose of Lima Parish (Station XIII)
1️⃣4️⃣ Antipolo: The Antipolo Cathedral (Station XIV)

💡 MAHALAGANG PAALALA:
✅ Maagang Alis: I-target ang 6:00 AM departure para iwas-traffic at masulit ang pagninilay.
✅ Maging Magalang: Panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa bawat parokya.
✅ Safety First: Magdala ng sapat na tubig, proteksyon sa araw, at siguraduhing nasa kondisyon ang sasakyan.

⚠️ DISCLAIMER:
Ang post na ito ay hindi opisyal na organisado ng mga nabanggit na simbahan o ng Diyosesis. Ito ay nagsisilbi lamang na sample guide mula sa Baka Trip mo? page para makatulong sa pagpaplano ng inyong personal na biyahe. Mangyaring alamin ang schedule ng mga misa sa bawat parokya bago bumisita.

Nawa’y maging puno ng kapayapaan at pananampalataya ang inyong paglalakbay. Isama natin sa ating mga panalangin ang kapakanan ng bawat isa, anuman ang ating paniniwala. 🙏✨

Tag mo na ang iyong pamilya o prayer group na makakasama mo ngayong Holy Week! 👇

Kamusta, Katrippers! Looking for a mix of "sentihan" sa historical sites and "chillax" sa beach? Bataan is the answer. H...
17/02/2026

Kamusta, Katrippers! Looking for a mix of "sentihan" sa historical sites and "chillax" sa beach? Bataan is the answer. Hindi lang ito basta field trip destination noong elementary; it’s a full-on vibe for a weekend reset. Tara, let’s dive into the peninsula!. Read the full guide and plan your getaway: https://wix.to/yHaNp4M

Kamusta, Gala-ero! Looking for a mix of "sentihan" sa historical sites and "chillax" sa beach? Bataan is the answer. Hindi lang ito basta field trip destination noong elementary; it’s a full-on vibe for a weekend reset. Tara, let’s dive into the peninsula!Dagdag KaalamanBago tayo gumala, kauntin...

Sawang-asawa ka na ba sa usual na sisig na tuyo at sunog? O baka naman naghahanap ka ng spot sa Bataan na hindi lang aes...
17/02/2026

Sawang-asawa ka na ba sa usual na sisig na tuyo at sunog? O baka naman naghahanap ka ng spot sa Bataan na hindi lang aesthetic, kundi busog-lusog din ang serving nang hindi umiiyak ang wallet mo? Kamakailan lang, napadpad kami sa isang modern minimalist spot sa Balanga na binago ang definition ko ng 'sisig.' Mula sa kanilang kakaibang 'saucy' twist hanggang sa serbisyong parang VIP ka, alamin natin kung bakit ang Diko’s Kitchen ang bagong must-visit na hidden gem para sa iyong susunod na food trip!

Read the full review: https://wix.to/8ITICiB

Sawang-sawa ka na ba sa usual fast-food pancit at naghahanap ng pagkaing may "kaluluwa" at kwento? Kung mapadpad ka sa M...
08/02/2026

Sawang-sawa ka na ba sa usual fast-food pancit at naghahanap ng pagkaing may "kaluluwa" at kwento? Kung mapadpad ka sa Marikina, hindi pwedeng hindi mo masubukan ang itinuturing na "Home of Marikina’s Pancit Pinagulong" — ang Salud Panciteria!

Hindi lang ito basta kainan; isa itong legacy na nagsimula pa noong 1968. Isipin mo, mula sa pagbebenta ng pancit na less than a peso sa kanto ng San Roque noong 1960s, nanatiling buhay ang tradisyon ni Aling Salud sa paggawa ng homemade miki na "pinagulong" sa kawali.

Pero sa dami ng mga bagong aesthetic cafes ngayon, sulit pa rin nga ba ang biyahe rito, o baka naman gutom lang ang nagdadala sa atin? Tara, busisiin natin kung bakit dinadayo pa rin ang panciteria na ito mula noon hanggang ngayon!

Sawang-sawa ka na ba sa usual fast-food pancit at naghahanap ng pagkaing may "kaluluwa" at kwento? Kung mapadpad ka sa Marikina, hindi pwedeng hindi mo masubukan ang itinuturing na "Home of Marikina’s Pancit Pinagulong" — ang Salud Panciteria!Hindi lang ito basta kainan; isa itong legacy na nags...

Address

B50 L22 Sorrento Village 2 Burgos
Rodriguez
1860

Opening Hours

Tuesday 10am - 8pm
Wednesday 10am - 8pm
Thursday 10am - 8pm
Friday 10am - 8pm
Saturday 10am - 8pm
Sunday 10am - 8pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baka Trip Mo? posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share