
08/08/2025
ULAT-PANAHON | LALAWIGAN NG ROMBLON
Thunderstorm Advisory No. 3 |
August 7, 2025 | 7:00 PM
Inaasahan ang katamtamang pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na hangin sa mga bayan ng Romblon at San Andres.
Sa kasalukuyan naman ay nararanasan na ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at hangin sa mga bayan ng San Agustin, Calatrava, Corcuera, at Banton. Maaaring tumagal ito ng 1 hanggang 2 oras at posibleng makaapekto rin sa mga kalapit na lugar.
Maging mapagmatyag at mag-ingat sa posibleng epekto ng masamang panahon gaya ng flash floods at pagguho ng lupa.
Patuloy na mag-monitor para sa mga susunod na updates!