19/07/2025
ULAT PANAHON | LALAWIGAN NG ROMBLON
Hulyo 19, 2025 | 11:00 AM Update
Bagamat lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong umaga ang Severe Tropical Storm Crising, patuloy pa rin itong may indirect na epekto sa panahon sa lalawigan ng Romblon dahil sa pinalakas nitong Habagat o Southwest Monsoon.
Inaasahan pa rin ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan, na maaaring may kasamang pagkidlat at pagkulog, sa loob ng 2 hanggang 3 oras. May posibilidad din ng flash floods at landslides lalo na sa mga mababang lugar at bulubunduking bahagi ng probinsya.
Patuloy naman ang katamtaman hanggang sa malalakas na ihip ng hangin mula sa southwest na dulot ng habagat.
Ayon sa DOST-PAGASA, ang mga baybaying-dagat ng Romblon ay makararanas ng moderate hanggang sa maalon na karagatan, na may taas ng alon na posibleng umabot ng hanggang 2.5 metro. Pinapayuhan ang mga mangingisda at may maliliit na sasakyang pandagat na iwasang pumalaot, lalo na kung kulang sa kagamitan o karanasan sa ganitong kondisyon.
Bagama’t wala na si “Crising” sa PAR, ang malawak nitong galaw ay patuloy na nagpapalakas sa habagat, kaya’t pinapayuhan ang lahat, lalo na ang mga Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) at mga lokal na residente, na patuloy na magbantay sa lagay ng panahon at hintayin ang susunod na advisory na ilalabas ng PAGASA.
Manatiling alerto, mga Romblomanon! Para sa karagdagang impormasyon, manatiling nakaantabay sa official page ng Romblon Provincial Information Office.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1BziYcEZr2/?mibextid=wwXIfr