12/02/2026
BILI NG LUPA BAGO IKASAL: SWEET O RISKY? 👩❤️👨📄
Valentine's na sa Saturday! Maraming couples ngayon ang imbes na singsing o flowers, LUPA ang gustong pag-investan. Pero wait, bago kayo pumirma sa Contract to Sell, alam niyo ba ang rules sa co-ownership?
Tandaan: Kapag hindi pa kasal at bumili ng lupa:
⚖️ Co-ownership: Sa ilalim ng batas, kailangan malinaw kung 50/50 ba kayo o may specific share ang bawat isa.
📑 Pangalan sa Titulo: Siguraduhing parehong pangalan niyo ang nakalagay para protektado ang investment ng bawat isa.
💔 Worst Case Scenario: Pag-usapan din kung ano ang mangyayari sa property 'pag naghiwalay (huwag naman sana!).
Masarap magmahal, pero mas masarap ang nagmamahalan na may SECURE na kinabukasan! ✨
Kayo ba, mga ka-Usapang Lupa, mas pipiliin niyo ba ang 'Lupa muna bago Kasal' o 'Kasal muna bago Lupa'? Boto na sa comments! 👇