17/10/2025
Ako naniniwala dito kayo ba naniniwala rin ba,pero May mga pusa na sila ang nakakakita sa mga hindi nakikita,At may naging karanasan na ako sa may sapi na pusa noong nakatira pa ako sa Quezon City ng ako ay buntis sa bunso ko,
😾May tindahan ako noon.yong kapitbahay ko na taga Leyte puro bisaya pero hindi lang taga Leyte meron ding taga Capiz isang gabi nawalan ng ilaw Yong brgy San Simon maalinsangan paypay ako nakasalampak ako sa sopa ko nakataas ang Paa ko ngayon habang nakaupo ako biglang sumakit ang tiyan ko,
Sabi ko aray😥 bakit biglang humilab masakit sabi ko ano bato ngayon pa sumakit sobrang dilim puro lang mga kandila bawat iskinita ngayon May napansin ako sa tapat ng tindahan ko kasi May hagdanan sa tapat ng bahay paakyat sa bahay ng kapitbahay ko.
😒Sumilip ako sa May hagdanan nagulat ako😲May batang Naka hubo't hubad na nakatingin sa akin nasa dulo ng hagdanan kung saan eksakto sa tapat ko mismo hindi pa ako nakuntento tumayo ako at sumilip sabi ko bata anong ginagawa mo diyan saka bakit wala kang damit ang dilim dilim diyan nakatingin lang na nanlilisik ang mata at nakatitig pa rin sa akin ngayon tinawag ko ang kapatid ko,
Sabi ko kunin mo Yong flashlight🔦ng kinuha ng kapatid ko ang flashlight inilawan ko napasigaw ako kasi ang laking pusa😾at nawala ang bata sa gulat ko natumba ako tumalsik ang flashlight na hawak ko tumayo ako binalikan ko Yong pusa sinilip ko sabi ko sa kapatid ko pahingi ng asin.sumasakit pa rin ang tiyan ko ng lumabas ako at sinabuyan kuna ng asin lumaki ang ulo ng pusa at ang lakas ng atungal niya sige binuhusan ko bigla siyang lumundag at nagtaka ako Yong nilundagan niya sobrang taas wala namang malulundagan doon dahil pader na ang buo harang noon,😲😥🫣