12/03/2025
Kung nakinig lang sana siya.
Kung nakinig lang sana si Rodrigo Duterte sa mga babalaāmula sa mga pinuno ng ibang bansa, sa mga eksperto sa batas at karapatang pantao, sa mga pamilyang nawalan ng mga inosenteng bata, at sa mga inang lumuluha sa harap ng puntod ng kanilang minamahal na tinawag niyang ācollateral damageāābaka hindi siya ngayon nakakulong sa isang malamig na selda sa The Hague. Ang dating matikas na tinig, ngayoāy piping anino na lamang ng kanyang dating sarili.
Ang Babala na Hindi Pinakinggan
Mula pa noong 2017, isang lider na personal na nakaranas ng bangungot ng drug war ang nagbabala kay Duterteāsi CĆ©sar Gaviria, dating pangulo ng Colombia, na pinamunuan ang operasyon laban kay Pablo Escobar, ang pinaka-wanted na drug lord sa mundo. Isang bansa na minsang nalunod sa dugo dahil sa digmaan kontra droga. Sa kanyang bukas na liham, sinabi niya na ang illegal na droga ay isang isyu ng pambansang seguridad, ngunit hindi ito malulutas sa pamamagitan ng militar at pulisya lamang. Sinabi niya na hindi lang ito isang pag-aaksaya ng pera kundi lalo pang pinalalala ang problema. Sa halip na mawala ang droga, lumakas ang mga sindikato, lumaganap ang karahasan, at naging mas corrupt ang gobyerno.
Ayon kay Gaviria, sa halip na matalo ang mga drug cartel, mas lumakas pa ang kanilang impluwensya dahil sa malaking kita sa ilegal na droga. Sinabi niya, āTens of thousands of people were slaughtered in our antidrug crusade. Many of our brightest politicians, judges, police officers, and journalists were assassinated. At the same time, the vast funds earned by drug cartels were spent to corrupt our executive, judicial, and legislative branches of government.ā
Ang war on drugs ay isang digmaan laban sa tao, hindi laban sa droga. Sa halip na matigil ang bentahan at paggamit ng droga, mas lumala pa ito. Dumami ang patayan, lumakas ang kapangyarihan ng mga drug lord, at ang gobyerno mismo ay naging kasangkot sa katiwalian. Ngunit sa kabila ng babalang ito, hindi nakinig si Duterte.
Ano ang sagot ni Duterte?
āThat idiot.ā
Iyon ang naging tugon niya sa isang lider na dumaan sa parehong laban at natutong baguhin ang estratehiya. Sa halip na pag-isipan ang posibilidad na maaaring may mas epektibong paraan, mas pinili niyang ipagpatuloy ang patayan. Sa halip na pakinggan ang aral mula sa isang bansang mas matagal nang nakaranas ng drug war, mas pinili niyang balewalain ito.
Ngunit ang mas malala, hindi lang si Duterte ang hindi nakinigākundi pati ang kanyang mga tagasuporta.
DDS, Kailan Kayo Magigising?
Para sa mga DDS na hanggang ngayon ay ipinagtatanggol ang drug war, hindi ba sapat na leksyon ang Colombia? Hindi ba sapat na aral ang bansang nilunod sa dugo, ginamit ang dahas, at walang napala kundi kahihiyan?
Alam nāyo kung bakit kayo pabor sa patayan? Kasi hindi nāyo naman kaanak ang pinatay. Hindi kayo ang nagluluksa. Hindi kayo ang nawalan.
Ngunit tama ba na dahil hindi kayo ang nawala, ayos lang ang extrajudicial killings?
Kung nakinig lang sana kayo, malalaman nāyo na may ibang paraan. Ayon kay Gaviria, āWe started making positive impacts only when we changed tack, designating drugs as a social problem and not a military one.ā
Hindi sundalo ang kailangan, kundi doktor. Hindi pulis ang sagot, kundi mas maraming rehabilitation centers. Hindi patayan ang solusyon, kundi tamang edukasyon at oportunidad sa trabaho.
Ngunit hindi iyon ang ginawa ng gobyerno.
Ginawa nilang band-aid solution ang patayan dahil hindi nila inayos ang mismong sistema. Hindi nila tinutok ang solusyon sa ugat ng problemaāang kahirapan, kawalan ng trabaho, at kakulangan sa rehabilitasyon para sa mga may substance use disorder.
Kaya hindi mawala at mabilis bumalik ang drogaādahil hindi nila tinugunan ang dahilan kung bakit may lumulubog sa bisyo. Pero ang mga batang napaslang na walang malay at inosente, hindi na kailanman babalik. Walang rehabilitasyon para sa buhay na inagaw ng bala.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa mahigit 1.3 milyong sumuko sa Oplan Tokhang mula 2016 hanggang 2022, kulang sa 10% lamang ang naipasok sa rehabilitation programs. Mas marami pa ang pinaslang kaysa nabigyan ng tamang tulong. Ayon pa sa datos ng Department of Health, mas mababa pa sa 5% ng drug users sa bansa ang nangangailangan ng intensive rehabilitation. Ibig sabihin, karamihan sa kanila ay maaaring gamutin sa komunidadāpero mas pinili ng gobyerno ang patayan kaysa tunay na rehabilitasyon.
Samantalang sa Portugal, na nag-focus sa public health solutions, bumaba ang drug-related deaths ng halos 80%. Sa Switzerland, ang kanilang harm reduction approach ay nagresulta sa pagbaba ng HIV cases at drug-related crimes. Sa halip na pumatay, tinulungan nila ang mga nalulong sa droga na makabangon.
Malinaw ang mensahe nila sa mundo: Kung tunay nating hangad ang mas ligtas na mga lansangan, hindi patayan ang sagotāreporma, edukasyon, at rehabilitasyon ang tunay na solusyon. Ang krimen at droga ay sintomas ng mas malalim na sakit ng lipunanākahirapan, kawalan ng oportunidad, at sistemang bulok na hindi nagbibigay ng patas na laban para sa lahat.
Ngunit anong ginawa ng DDS?
Pinagtanggol ang bawat putok ng baril. Pinalakpakan ang bawat patayang hindi pa nasisiyasat. Pinaniwala ang sarili na ang lahat ng namatay ay kriminal, kahit hindi naman.
Kahit malinaw na ang drug war ay isa lang malaking racket na nagpapayaman sa mga corrupt na opisyal, nagpapalakas sa mga sindikato, at nagpapatay sa mga mahihirap.
Ngayon, nasaan na si Duterte?
Nakakulong sa International Criminal Court, hinahatulan bilang kriminal ng mundo. Ang anak niyang si Sara, iniimbestigahan sa mga kasong korapsyon. Ang mga dating DDS influencers, nag-uunahan maglinis ng pangalan.
Ngunit ang pinakamalungkot sa lahat, wala pa ring hustisya sa libu-libong pinatay.
Dugo ang Ibinayad sa Kayabangan
Ngayon, sino ang lumuluhod sa harap ng mga hukom? Sino ang nakaposas habang binabasa ang mga detalye ng kaso ng kanyang pagkakasala? Sino ang hindi makatingin sa mga mata ng mga batang naulila, ng mga asawang naghihinagpis, ng mga pamilyang hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng hustisya?
Si Duterte.
Dati, siya ang nagpapatumba. Ngayon, siya ang bumagsak. Dati, siya ang nag-utos ng pagdukot. Ngayon, siya ang nakakulong. Dati, siya ang mayabang na naghamon sa mundo. Ngayon, siya ang tumatakas sa sariling multo.
Ang kanyang digmaan kontra droga ay hindi kailanman isang digmaan para sa bayan. Isa itong digmaan para sa kanyang kayabangan. Isang trahedya kung saan ang Pilipinas ang naging libingan ng mga pangarap, ng mga inosenteng buhay, ng hustisyang dapat sanaāy pinangalagaan.
Ngunit kahit hindi siya nakinig noon, ngayon ay wala na siyang magagawa.
Ang hukuman ng mundo ang magbibigay ng huling hatol.
DDS, Ano Ngayon?
Habang nakakulong si Duterte, kayo na lang ang natitirang humahawak sa isang kasinungalingang bumagsak na.
Kaya mga DDS, ito ang tanong. Mananatili ba kayong bulag sa kasinungalingan, o handa na kayong magising?
Ang kasaysayan ay hindi mababago. Ang libu-libong pinatay, hindi na muling mabubuhay.
Ngunit mayroon pang pagkakataong kumawala sa kasinungalingan. Ito ang aral mula kay Gaviria. Sabi niya, āA successful president makes decisions that strengthen the public good. This means investing in solutions that meet the basic standards of human rights and minimize unnecessary pain and suffering. The fight against drugs is no exception.ā
Ang tunay na sagot sa droga ay hindi ang pagpatay kundi ang pagprotekta sa mga tao.
Ang tunay na sagot ay hindi takot kundi hustisya.
Ang tunay na sagot ay hindi ang pagsamba sa isang lider kundi ang pagiging bukas sa katotohanan.
Hindi pa huli ang lahat para sa Pilipinas, pero kailangan nating piliin ang mas matalinong paraan.
Kung kaya ng Colombia na magbago, kaya rin natin. O gusto ba nating marinig mula sa mundo ang isang malamig na hatol: āThat idiot.āāisang bansang hindi natuto, hindi nagising, at patuloy na inuulit ang parehong pagkakamali?
ā
Suportahan ang malayang pagsusulat: https://www.facebook.com/share/18g3xHzvmi/?mibextid=wwXIfr
Just click the link above for instructions!