15/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Isang DepEd, Isang Bayugan 3 NHS, Isang Bansang Marunong Bumasa!
Kasabay ng buong bansa, nagsagawa at nakiisa ang buong Bayugan 3 National High School sa hangarin ng Department of Education sa paglulunsad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program - ang programang magbibigay-tulong sa ating mga mag-aaral upang muling bumangon, humabol, at magtagumpay sa larangan ng pagbasa, Matematika, at Agham. 📚🔬➗
Kasama ang mga magulang ng mga benepisyaryo, pinatunayan nating ang edukasyon ay hindi laban ng bata lamang—ito ay sama-samang laban ng pamilya, paaralan, at komunidad! Sa saliw ng kantang “If We Hold On Together,” magiging matagumpay ang lahat kung sama-samang magtutulungan ang bawat isa.
Aktibong nakilahok ang lahat, lalong-lalo na ang mga magulang, ARAL Tutors, at SPTA Officers sa paglagda ng ARAL Program Commitment Wall bilang tanda ng kanilang suporta at pangako sa matagumpay na pagpapatupad ng programa.
Simula ngayong taon, uunahin ang ARAL-Reading upang masigurong walang batang maiiwan sa pagbasa. Susunod na rito ang Mathematics, Science, at Summer ARAL Programs.
Sama-sama nating isulong ang adhikaing
“Isang Bayugan 3 NHS, Isang DepEd, Isang Bansang Marunong Bumasa at Matuto!”