Talulot ng Rosas - RIS

Talulot ng Rosas - RIS Opisyal na pampaaralang pahayagan ng Rosario Integrated School.

Ang page na ito ng Opisyal na pampaaralang pahayagan ng Rosario Integrated School na Talulot ng Rosas ay nilikha upang maging isang mapagkakatiwalaang plataporma para sa mga aktwal, makatotohanang balita at anunsyo. Ito'y isang kanlungan ng impormasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan at mga mahahalagang update mula sa loob at labas ng paaralan.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—”๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ต! Buong pusong bumabati ang buong pamunuan ng Talulot ng Rosas ng maligayang kaarawan, Amirah...
13/08/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—”๐—บ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ต!

Buong pusong bumabati ang buong pamunuan ng Talulot ng Rosas ng maligayang kaarawan, Amirah Danniella Fernandez, bagong miyembro ng ilustrador ng organisasyon. Nawaโ€™y maging instrumento ang TNR sa paglago ng iyong talento sa paggawa ng makulay na ilustrasyon.

Hangad namin na magkaroon ka ng taon na puno ng ngiti, aral, at masaya at makabuluhang mga karanasan at ala ala.

- Talulot ng Rosas ๐ŸŒน

๐ŸŽจ | Amirah Fernandez, Aliyah Shiloh Laceste





๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—น! ๐ŸŽ‚Isang masayang pagbati sa kaarawan ni Alexa Cristobal, isa sa mga bagong miyembro...
08/08/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—”๐—น๐—ฒ๐˜…๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—น! ๐ŸŽ‚

Isang masayang pagbati sa kaarawan ni Alexa Cristobal, isa sa mga bagong miyembro ng Talulot ng Rosas! Nawaโ€™y maging makulay at makabuluhan ang panibagong kabanata ng iyong buhay, kasabay ng patuloy mong paglinang sa iyong talento at pagsusulat.

Mula sa buong Talulot ng Rosas, hangad namin ang isang taon na puno ng masasayang alaala, bagong karanasan, at mga kuwentong karapat-dapat isulat. ๐Ÿ–‹๏ธ

- Talulot ng Rosas ๐ŸŒน

๐ŸŽจ | Amirah Fernandez, Aliyah Shiloh Laceste





๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—  | Tirahan ng Mamamayan, Hindi Imbakan ng Kasakimanโ€ŽKapag ang tahanan ay ginawang tapunan, sino ang dapat managot? ...
08/08/2026

๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐—  | Tirahan ng Mamamayan, Hindi Imbakan ng Kasakiman
โ€Ž
Kapag ang tahanan ay ginawang tapunan, sino ang dapat managot? Sa bawat basurang itinatapon, may mundong unti-unting nilalamon; sa bawat araw na lumilipas, may pamilyang patuloy na nagtitiis. Sa Subic, Zambales, hindi lamang basura ang nakatambakโ€”kasama nitong nakabaon ang kabuhayan, kalusugan, at karapatan ng mga katutubong Aeta. Sa loob ng maraming taon, ang dating tahanan ay unti-unting naging tambakan, habang ang mga hinaing ng mamamayan ay tila itinapon din sa basurahan ng kapabayaan. Sapagkat ang tunay na mabahong problema ay hindi lamang nagmumula sa basura, kundi sa sistemang hinayaang manatili ito.

โ€ŽUmaabot sa 10,500 square meters ang dumpsite na ngayon ay puno ng basurang nabubulok at umaalingasaw. Mahigit pitong taon nang nagtitiis ang mga katutubong Aeta sa epekto nito. Ang kanilang mga pananim, kabuhayan, at dating pinagkukunan ng malinis na tubig ay unti-unting nadungisan. Ang sapa na dati nilang inaasahan sa araw-araw ay napuno na rin ng basura, habang ang mga taniman na ilang metro lamang noon mula sa kanilang pamayanan ay napalayo dahil kailangan na nilang tahakin ang masukal na mga daan upang marating ang mga ito.

Habang ang mga Aeta ay nakikipagbuno sa epekto ng basurang hindi naman nila nilikha, tila patuloy namang nadaragdagan ang bigat na pasan ng mga mamamayan. Sa gitna ng kanilang pagtitiis, isang mapait na tanong ang nananatili: Sa paningin ba ng mga namumuno, ang mamamayan ay isa na lamang basurang maaaring itapon, pabayaan, at kalimutang may buhay at damdaming nasasaktan? Sapagkat ang bawat basurang itinambak ay hindi lamang dumi sa lupaโ€”may mga buhay na unti-unting naaapektuhan sa ilalim nito.

โ€ŽSa kasagsagan pa lamang ng pandemya ng COVID-19, matagal nang kinakaharap ng mga katutubong Aeta ang masangsang na amoy ng mga basurang itinambak sa kanilang lugar. Bukod sa gutom at hirap na dulot ng pandemya, kinailangan din nilang tiisin ang mabahong kapaligiran na nagdulot ng pangamba sa kanilang kalusugan. Wala silang nagawa kundi maghintay at umasa na balang araw ay maaayos din ang kanilang kalagayanโ€”isang pag-asang tila hanggang panaginip na lamang.โ€Ž

โ€ŽAng mga Local Government Unit (LGU) ng Zambales ay nagsalita ukol dito, sinasabing pansamantalang dumpsite lamang ang plano nila rito. Ngunit sa pagkatagal-tagal na panahon, ang pansamantalang dumpsite ay naging permanenteng problema at tila naging isang bangungot para sa mga katutubo. At noong Enero 20, 2022, natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tungkol sa dumpsite, at ayon dito ay isang paglabag daw ito sa Ecological Solid Waste Management Act. Alinsunod sa isyu ay inutusan ng DENR na ipasara agad ang dumpsite na ito, ngunit umabot pa ng tatlong taon bago ito tuluyang naipasara. Naipasara lamang ang naturang dumpsite nang magkaroon ng lakas ng loob ang mga katutubong Aeta na ipaglaban ang kanilang karapatan at ilahad ang kanilang mga hinaing at nitong Marso 2026, tuluyan itong ipinasara. Ngunit hindi rito nagtatapos ang problema. Tinatayang aabot sa โ‚ฑ78 milyon ang kakailanganin upang ganap na malinis ang lugar.

Habang hinihintay ng mga Aeta ang tunay na rehabilitasyon, nananatiling nakabitin ang pananagutan at hustisya. Sa bawat araw na lumilipas, tila kasabay nilang ibinabaon sa putik ang pag-asang maibalik ang malinis at ligtas na kapaligirang minsan nilang tinawag na tahanan. Hanggang kailan kailangang magtiis ang mga taong matagal nang naghihintay ng katarungan?

Sa panahong ang kahirapan at kasakiman ay tila naging karaniwang tanawin, patuloy na bumabagsak sa balikat ng mamamayan ang bigat ng mga suliraning dapat sanaโ€™y tinutugunan ng pamahalaan. Ang bansa ay hindi basurahan kung saan maaaring itambak ang kapabayaan at kasakiman. Sapagkat kung nais nating umunlad, hindi sapat ang magtapon ng problemaโ€”kailangan itong pulutin, linisin, at ayusin bago tuluyang mabulok ang pag-asang ipinagkatiwala ng mamamayan.

๐™‹๐˜ผ๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™‡๐˜ผ: Ang artikulong ito ay opinyon lamang ng manunulat at hindi ng buong organisasyon.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | Yzam Alfiler
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ | Angelica Franz Tobia





๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—น ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด | ๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ! ๐ŸŒนBawat kuwento ay nagsisimula sa isang salita...
05/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—น ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด | ๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ! ๐ŸŒน

Bawat kuwento ay nagsisimula sa isang salita. Bawat mamamahayag ay nagsisimula sa isang pagkakataon.
Ngayon, isang bagong kabanata ang bubuksan para sa mga mag-aaral na nagpakita ng husay, tapang, at potensyal sa isinagawang Pangkampus Screening ng Talulot ng Rosas (TNR).

Malugod naming ipinakikilala ang mga opisyal na nakapasa upang maging bahagi ng samahang magsisilbing tinig ng katotohanan at tahanan ng mga kabataang may malasakit sa pamamahayag.

Mula sa Pagsulat ng Balita, Pagsulat ng Lathalain, Pagsulat ng Editoryal, Pagsulat ng Kolumn, Pagsulat ng Isports, Pagsulat sa Agham at Teknolohiya, Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita, Litratista, Kartonist, Ilustrador, Tv Broad, at Radio Broad ang bawat pangalang inyong makikita ay sumasalamin sa isang potensyal na mamamahayag na handang magbigay-liwanag sa bawat kuwento ng ating paaralan.

Ang inyong pagkakapili ay hindi lamang pagkilala sa inyong talento, kundi isang paanyayang yakapin ang mas malaking pananagutanโ€”ang maging mapanuri, makatarungan, at tapat sa bawat salitang isusulat, larawang kukunan, at balitang ihahatid.

Sa lahat ng mga nakapasa, taos-puso naming ipinababatid ang aming pagbati.
Nawa'y maging simula lamang ito ng inyong paglalakbay. Huwag hayaang ang tinta ay maging pangkaraniwang bakas sa papel; gawin ninyo itong tinig ng katotohanan. Huwag hayaang ang kamera ay maging simpleng kagamitan; gawin ninyo itong mata ng komunidad. At higit sa lahat, gamitin ninyo ang inyong talento hindi lamang upang magkuwento, kundi upang magmulat, magbigay-inspirasyon, at magsilbi.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐“๐š๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐  ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ฌ!๐ŸŒน๐Ÿ–Š๏ธ

๐˜‹๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ด๐˜ข๐˜บ. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ. ๐˜ˆ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ.

Para sa mga susunod na anunsyo, gawain, at mahahalagang abiso, manatiling nakatutok sa opisyal na page ng Talulot ng Rosas.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | Lyka May Gonzales
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ | Aliyah Shiloh Laceste





๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ | PAGOD, SAKRIPISYO, TAGUMPAY: 20 TVL-CSS Learners ng RIS, PASADO sa NC IIPinatunayan ng 20 Grade 12 TVL-CSS lea...
31/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ | PAGOD, SAKRIPISYO, TAGUMPAY: 20 TVL-CSS Learners ng RIS, PASADO sa NC II

Pinatunayan ng 20 Grade 12 TVL-CSS learners ng Rosario Integrated School (RIS) ang kanilang kahandaan matapos makapasa sa NC II Assessment na isinagawa noong Hulyo 22 at 23, 2026 sa Northern Horizon Training and Assessment Center Inc., sa pangangasiwa ng kanilang adviser na si Sir Jeric Dulay.

Hinati sa dalawang batch ang mga mag-aaral upang maisagawa ang pagtatasa. Sampung learners ang kabilang sa unang batch na sumailalim noong Hulyo 22, habang sampu naman ang ikalawang batch na sumailalim noong Hulyo 23.

Sa kabila ng maikling panahon ng paghahanda, nakamit ng lahat ng 20 mag-aaral ang tagumpay matapos ang masinsinang pagsasanay na isinagawa bago ang itinakdang pagtatasa.

Ayon kay Sir Jeric Dulay, naging hamon ang paghahanda dahil Hunyo 30 lamang naaprubahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang mga slot, ilang linggo bago ang assessment.

Dahil sampung mag-aaral lamang ang kayang pagsabayin sa computer laboratory, hinati sa dalawang pangkat ang mga kalahok. Kinailangan ding magsagawa ng pagsasanay mula umaga hanggang hapon, na kung minsan ay umaabot hanggang alas-sais ng gabi. Naglaan din ng oras para sa pagsasanay tuwing Sabado at Linggo upang mapaghanda ang lahat ng mag-aaral.

โ€œRush talaga yung nangyari pero feeling ko lahat naman ng hirap at sakripisyo namin at ng mga students namin worth it naman, kasi pumasa naman lahat,โ€ ani Sir Jeric Dulay.

Samantala, para kay Kenjie Dulay, kabilang sa unang batch, mahalaga ang pagiging handa, disiplinado, at paggalang sa mga tagasuri upang maging matagumpay sa pagtatasa.

โ€œYung pinakamahalagang natutunan ko is yung kailangan talagang ready sa pagpunta sa assessment, kasi kung hindi kayo ready mahihirapan talaga kayo doon. Tsaka yung self-discipline din, tapos kapag kinakausap ka ng assessors is kailangan talaga ng respect,โ€ pahayag ni Kenjie Dulay.

Binigyang-diin naman ni Sir Jeric ang kahalagahan ng NC II bilang pagkilala at pagpapatunay sa kasanayang taglay ng mga mag-aaral. Para sa mga nais nang magtrabaho matapos ang senior high school, maaari itong magsilbing mahalagang dagdag na kwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho.

Hindi lamang sa lokal na trabaho maaaring maging kapaki-pakinabang ang sertipikasyon. Ayon kay Sir Jeric, maaari rin itong maging isa sa mga hinahanap na katibayan ng kasanayan para sa mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa. Sa ganitong paraan, ang NC II ay nagsisilbing baon ng mga mag-aaral sa pagharap sa mga oportunidad matapos ang kanilang pag-aaral.

Sa kabila ng siksik na oras ng paghahanda, naging bunga ng pagtutulungan, disiplina, at patuloy na pagsasanay ang matagumpay na resulta ng 20 learnersโ€”isang tagumpay na nagpapatunay sa kakayahan ng mga TVL-CSS learners ng RIS.

Inaasahan namang magkakaroon pa ng panibagong NC II Assessment para sa iba pang TVL-CSS learners ng RIS, bagamaโ€™t wala pang itinakdang petsa. Sa susunod na pagtatasa, patuloy na mahahasa ang kanilang mga kasanayan at mabibigyan ng panibagong pagkakataon ang mas maraming mag-aaral na makamit ang sertipikasyong maaaring magsilbing susi sa kanilang mga susunod na hakbang at oportunidad sa hinaharap.

1st batch:
Aguilar, Louie Jay D.
Apilado, Kris Charles B.
Basco, Cyrel James S.
Basco, Lorenz C.
Cabutotan, Fernando
Casia, Alexi Lorraine D.
Corpuz, Wilnard Gregg H.
Costales, Crystal B.
Ducusin, Joze Ghavrelle Louise P.
Dulay, Kenjie T.

2nd batch:
Esguerra, Zach
Justimbaste, Russell
Labaddan, Clifford
Lascaรฑas, John
Martinez, Justine
Prescador, Dej Dranreb
Villanueva, Hilario
Dacanay, Romelyn
Nisperos, Princess
Rosalin, Jasmine

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | Lyka May Gonzales
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ | Amirah Danniella Fernandez





๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Talulot ng Rosas, isinagawa ang ikalawang araw ng kampus screeningNagpatuloy ngayong ika-30 ng Hulyo 2026 ang k...
31/07/2026

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Talulot ng Rosas, isinagawa ang ikalawang araw ng kampus screening

Nagpatuloy ngayong ika-30 ng Hulyo 2026 ang kampus screening ng Talulot ng Rosas (TNR) para sa mga mag-aaral na nagnanais maging bahagi ng opisyal na publikasyong pangkampus ng Rosario Integrated School.

Muling nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maipakita ang kanilang husay at talento sa ibaโ€™t ibang larangan ng pamamahayag, kabilang ang pagsulat, pagkuha ng litrato, paglalayout, at pag-uulat ng mga makatotohanan at makabuluhang impormasyon.

Sa ikalawang araw ng screening, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang kakayahan, pagkamalikhain, at interes sa larangan ng pamamahayag bilang paghahanda sa pagiging bahagi ng TNR.

Sa lahat ng mga mag-aaral na nakibahagi sa kampus screening, maraming salamat sa inyong pakikiisa at pagpapakita ng inyong angking galing! Nawaโ€™y magsilbi itong simula ng inyong paglalakbay bilang mga kabataang mamamahayag ng Talulot ng Rosas. ๐ŸŒน๐Ÿ“ฐ

โœ๏ธ | Lyka May Gonzales
๐Ÿ“ท | Rhea Lyn Santos, Gabriel Halog





๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Unang araw ng kampus screening ng TNR, matagumpay na isinagawaPormal nang inumpisahan ang unang araw ng kampus ...
29/07/2026

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Unang araw ng kampus screening ng TNR, matagumpay na isinagawa

Pormal nang inumpisahan ang unang araw ng kampus screening na dinaluhan ng mga mag-aaral na naghahangad na maging bahagi ng Talulot ng Rosas na ginanap nitong ika-29 ng Hunyo.

Layunin nito na hikayatin ang mga mag-aaral na ipamalas ang kanilang angking talento sa pagsusulat, paglilitrato, pag-uukit, at pamamahayag at mag-ulat ng mga impormasyong totoo.

Kaya naman, sa mga naghahangad pa na maging bahagi ng publikasyon, inaanyayahan namin kayong dumalo sa ikalawang araw ng screening na gaganapin bukas, ika-30 ng Hunyo.

Ano pang hinihintay mo? Yayain mo na rin ang iyong mga tropa o kaklase na dumalo at ipamalas ang angking galing sa pamamahayag, paglitrato, pag-lilayout, at pagsusulat ng mga artikulo.

โœ๏ธ | Krisha Andrea Quario
๐Ÿ“ท | Kurt Kirby Calub





๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐Ÿ“ Nais mo bang hasain ang iyong kakayahan sa pamamahayag?Handa ka na bang ipamalas ang iyong talento at potensiya...
26/07/2026

๐—”๐—ก๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—ข

๐Ÿ“ Nais mo bang hasain ang iyong kakayahan sa pamamahayag?

Handa ka na bang ipamalas ang iyong talento at potensiyal bilang isang mamamahayag?

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng Talulot ng Rosas, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng Rosario Integrated School.

Kung ikaw ay may husay sa pagsusulat, pagsasalita, pagkuha ng larawan, pagguhit, pagdidisenyo, o pag-eedit ng bidyo, ito na ang iyong pagkakataong maipakita ang iyong talento at makasama sa pangkat ng mga natatanging mamamahayag ng ating paaralan.

Sa pagpapatuloy ng Kampus Screening, malugod naming inaanyayahan ang lahat ng interesadong mag-aaral na sumailalim sa pagtatasa at maging bahagi ng Talulot ng Rosas.

๐Ÿ“… Petsa: Hulyo 29โ€“30, 2026 (Miyerkulesโ€“Huwebes)
๐Ÿ“ Lugar: AVR Room, Ika-3 Palapag, STE Building

๐Ÿ—‚๏ธ Proseso ng Pagtatasa
Ang lahat ng nagnanais maging bahagi ng Talulot ng Rosas ay inaanyayahang magtungo sa AVR Room, Ika-3 Palapag ng STE Building mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, ayon sa iskedyul ng kanilang napiling kategorya na makikita sa kalakip na larawan.

โœ’๏ธ Para sa mga Manunulat
Magbibigay ang Talulot ng Rosas ng isang paksang naaayon sa kategoryang nais mong salihan. Ang iyong isinulat ang magiging batayan ng pagsusuri upang matukoy kung ikaw ay matatanggap sa napiling kategorya o maililipat sa mas angkop na larangan batay sa iyong kakayahan sa pagsusulat.

๐ŸŽ™๏ธ Para sa mga Mamamahayag
Maglalaan ang Talulot ng Rosas ng iskrip na inyong babasahin. Bibigyan kayo ng sapat na oras upang makapag-ensayo bago ang aktwal na pagtatasa.

๐Ÿ“Œ Tandaan: Ang pagiging mamamahayag
ay hindi lamang nasusukat sa husay ng pagsasalita. Kinakailangan ding may kakayahan sa pagsulat ng balita.

๐ŸŽฅ Para sa TV Broadcasting: Magsuot ng angkop na formal attire ayon sa nais na tungkulin (Anchor o Field Reporter).

๐Ÿ“ธ Para sa Camera Person: Maaaring magdala ng sariling kamera.

๐Ÿ’ป Para sa mga Technical Staff
Magdala ng sariling laptop na may naka-install na Adobe Premiere Pro.

๐Ÿ–๏ธ Para sa mga Kartonista
Magbibigay ng paksa ang Talulot ng Rosas na inyong guguhitan sa mismong araw ng pagtatasa.

๐Ÿ“ท Para sa mga Litratista
Dalhin ang inyong sariling kamera. Sa araw ng pagtatasa ay bibigyan kayo ng paksang magsisilbing gabay sa inyong kukunang larawan.

๐ŸŽจ Para sa mga Layout Artist
Magdala ng personal na laptop o gadget na may Canva o Adobe Photoshop. Magbibigay ang Talulot ng Rosas ng paksang inyong gagawan ng layout sa araw ng pagtatasa.

โฐ Paalala sa Oras ng Pagtatasa
Mangyaring dumalo lamang sa oras na wala kayong klase.
โ€ข ๐Ÿ•˜ Para sa mga mag-aaral na panghapon ang klase: 9:00 am โ€“ 11:45 am
โ€ข ๐Ÿ•ง Para sa mga mag-aaral na pang-umaga ang klase: 12:45 pm โ€“ 4:00 pm

๐ŸŒน Ipakita ang Iyong Husay. Ibahagi ang Iyong Boses.
Maging bahagi ng Talulot ng Rosas at sama-samang isabuhay ang tapat, responsable, at makabuluhang pamamahayag.

๐Ÿ“ฉ Para sa iba pang katanungan at karagdagang impormasyon, bisitahin o i-message ang opisyal na page ng Talulot ng Rosas.

โœ๏ธ | Lyka May Gonzales
๐ŸŽจ | Aliyah Shiloh Laceste





๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ | Mag-aaral ng Rosario Integrated School, Nagwagi ng Bronze Award sa National Science Tournament 2026Muling nagb...
25/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ | Mag-aaral ng Rosario Integrated School, Nagwagi ng Bronze Award sa National Science Tournament 2026

Muling nagbigay ng karangalan sa Rosario Integrated School (RIS) ang mag-aaral na si Laureen Yzabelle B. Agtarap ng Ika-9 na Baitang matapos niyang makamit ang Bronze Award sa National Science Tournament โ€“ Hertz Round 2026.

Naging posible ang tagumpay na ito sa ilalim ng mahusay na paggabay ng kanyang tagapagsanay na si Coach Liaa Fatima Dulay. Isinagawa ang paligsahan sa pamamagitan ng online platform, kung saan mahigit 500 mag-aaral mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagpakitang-gilas sa larangan ng agham.

Ayon kay Laureen, hindi niya inaasahang makatatanggap siya ng Bronze Award dahil limitado lamang ang kanyang naging oras sa paghahanda para sa paligsahan. Gayunpaman, labis ang kanyang pagkagulat at kasiyahan nang malaman ang resulta ng kompetisyon.

Ang tagumpay ni Laureen ay nagsisilbing inspirasyon sa kapwa niya mag-aaral na patuloy na magsikap at paghusayin ang kanilang kakayahan. Patunay rin ito sa patuloy na pagsuporta ng Rosario

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | Pia Gweneth Bacani
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ | Aliyah Shiloh Laceste





๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ | Dating Miyembro ng TNR, Namayagpag sa SILNAG sa UCMuling ipinakita ni ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—น ๐—๐—ผ๐˜€๐—ต๐˜‚๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ang kaniyang husay ...
23/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ง๐—œ | Dating Miyembro ng TNR, Namayagpag sa SILNAG sa UC

Muling ipinakita ni ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—น ๐—๐—ผ๐˜€๐—ต๐˜‚๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ang kaniyang husay sa pagsulat ng Isports matapos masungkit ang gintong medalya sa Student-Initiated League for Narrative, Advocacy, and Guilderiting (SILNAG) o The 1st Integcollegiate Press Conference na ginanap sa University of Cordilleras (UC) nitong ika-20 ng Hunyo.

Layunin ng programa na hubugin ang kakayahang pang-journalismo ng mga kolehiyong mag-aaral at maghatid ng balitang totoo at labanan ang mga maling impormasyon.

Ayon kay Carl, โ€˜โ€˜Yung feeling ko that time is nagulat talaga ako kase medyo matagal na rin na hindi ako nakakasulat ng sports so hindi ko ini-expect talaga na manalo sa competition, but I'm very happy sa naging result.โ€

โ€œI'm very thankful din kase kahit busy na sa academic since college na, nabigyan pa rin ako ng opportunity na makasulat ulit ng sports writing and mai-represent 'yung college program ko,โ€ dagdag pa nito.

Kaya naman, lubos na nagagalak ang buong pamunuan ng Talulot ng Rosas sa pagkapanalong ito at nawaโ€™y maging inspirasyon ito sa lahat ng mag-aaral sa paghahatid ng makatotohanang mga impormasyon.

๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ | Krisha Andrea Quario
๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ป๐—ถ | Angel Tobia





Address

Poblacion East
Rosario
2506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talulot ng Rosas - RIS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share