103.7 Star FM Roxas

103.7 Star FM Roxas Official page of 103.7 STAR FM ROXAS! The Music Station of Bombo Radyo Philippines in Roxas City! You can reach us anytime at 0918-917-1937.

'Wala na po akong planong tumakbo sa pulitika. Maliliit pa ang aking mga anak, at isang tahimik na buhay-Islami ang akin...
18/09/2026

'Wala na po akong planong tumakbo sa pulitika. Maliliit pa ang aking mga anak, at isang tahimik na buhay-Islami ang aking pinapangarap at minimithi.' - Sen. Robin Padilla
Via Cindy Grayda



18/09/2026

“MGA VILLAR, INIREKLAMO SA OMBUDSMAN”

BREAKING | Kinumpirma ni Assistant Ombudsman Atty. Mico Clavano ang pagkakasampa ng reklamong kriminal at administrabo laban kina Sen. Mark Villar, Sen. Camille Villar, Cynthia Villar, at Manny Villar.

Partikular na kinakaharap nila ang dalawang bilang ng reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay Asst. Ombudsman Clavano, may kinalaman ito sa isyu ng madumi o hindi maayos na suplay ng patubig ng PrimeWater Infrastructure Corporation.

Natuklasan kasi ng Ombudsman ang itinuring ‘grossly disadvantageous’ na joint venture agreement ng PrimeWater sa ilang local water districts.

| via Bombo Grant Hilario



18/09/2026

‘MAY PAG-ASA PA BA NA GAGANDA ANG TRANPORTATION SYSTEM NATIN?’

PANOORIN: Tinanong ni Sen. Erwin Tulfo si Transportation Secretary Giovanni Lopez kung may pag-asa pang gumanda ang transportation system ng bansa, na aniya ay kabilang sa mga may problemang sistema ng pampublikong transportasyon sa ASEAN.

Tugon ni Lopez, naniniwala siyang gaganda pa ang public transportation sa Pilipinas, partikular sa pagpapalawak ng railway system.

Ayon sa kalihim, malaking bahagi ng solusyon sa traffic ang pagkakaroon ng maayos at modernong rail network. Ngunit iginiit niyang kailangan itong tiyakin ng sapat at tuloy-tuloy na pondo upang hindi maantala ang mga proyekto.

Kabilang sa mga binanggit ni Lopez ang NSCR, Metro Manila Subway at MRT-7 na inaasahang magbibigay ng mas accessible, convenient at predictable na public transportation. | via Angelo Aganan, Bombo Radyo Philippines

🎥: Senate of the Philippines



18/09/2026

(𝗧𝗥𝗜𝗚𝗚𝗘𝗥 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗦𝗛𝗢𝗢𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗥𝗦)

Ang naging pahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo S. Tamayo sa nangyaring shooting incident sa Banga National High-School.

via Bombo Radyo KORONADAL



18/09/2026

(𝗧𝗥𝗜𝗚𝗚𝗘𝗥 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 [𝗦𝗛𝗢𝗢𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧, 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗥𝗦)

𝑩𝑹𝑬𝑨𝑲𝑰𝑵𝑮 𝑵𝑬𝑾𝑺: 𝗦𝗛𝗢𝗢𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗨𝗡𝗧𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔 𝗞𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢

Nasamaran ang pila ka mga estudyante sa nagluntad nga panibag-o nga school shooting.

Natabo ini sa Banga National High School sa South Cotabato subong nga hapon, September 18, 2026.

Gindala na ang mga biktima sa South Cotabato Provincial Hospital.
Dugang nga detalye, bantayan.

Video courtesy: Lanie Ybañez via Bombo Radyo Koronadal



18/09/2026

DFA: MGA PILIPINONG WALANG PAPELES SA ABROAD, MAAARING HUMINGI NG TULONG

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaari pa ring humingi ng tulong sa mga embahada at konsulado ang mga Pilipinong nasa ibang bansa kahit wala silang kumpletong dokumento o legal na status.

Ayon sa Ahensiya, patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga embahada at konsulado sa mga Filipino community at non-government organizations upang matukoy ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Batay sa datos na binanggit ni Secretary Lazaro sa pagdinig, tinatayang 10.5 milyon ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa, habang nasa 3 milyon dito ang overseas Filipino workers o OFWs. | via John Michael Solomon, Bombo Radyo Philippines



18/09/2026

“ABANTE INAKUSAHAN ANG DEFENSE TEAM NI VP SARA NG ‘DELAY TACTIC’ KAUGNAY SA THRESHOLD ISYU”

PANOORIN: Inakusahan ni Manila Rep. Bienvenido Abante ang defense team ni VP Sara ng paggamit ng “delay tactic” sa impeachment trial dahil sa kanilang mga legal na hakbang kaugnay sa voting threshold para sa conviction.// Via Bombo Anne Soberano



TINGNAN: Dumating na ang mga karagdagang heavy equipment para sa pagpapalalim at pagpapalawak ng Gugu River sa Minalin T...
18/09/2026

TINGNAN: Dumating na ang mga karagdagang heavy equipment para sa pagpapalalim at pagpapalawak ng Gugu River sa Minalin Tail D**e upang pataasin ang kapasidad nitong mag-imbak ng tubig at mailigtas sa baha ang mga kalapit na komunidad.

Photo Courtesy: DPWH/ FB
Via Cindy Grayda



18/09/2026

“BARBERS SINABING MGA SENATORS NA DUMADALO SA IMPEACHMENT TRIAL LANG ANG DAPAT BILANGIN SA CONVICTION THRESHOLD”

PANOORIN: Naniniwala si Prosecution Spokesperson Robert Ace Barbers na dapat lamang isama sa bilang ng kinakailangang boto ang mga senator-judge na regular na dumadalo sa impeachment trial ni VP Sara.

Sabi ni Barbers, mahalagang nakikinig at nakikita mismo ng mga senador ang mga testigo at ebidensiyang inilalahae bago sila bumoto sa kaso.// Via Bombo Anne Soberano



18/09/2026

PANOORIN: Sa botong 247 pabor, 10 tutol at walang abstention, inaprubahan ng House of Representatives ang House Bill 9642 o panukalang New Espionage Act sa ikatlo at huling pagbasa na magpapalakas sa proteksyon ng bansa laban sa espionage, cyber spying at pag-atake sa mahahalagang imprastraktura.

Kabilang sa mga paparusahan ang ilegal na pagkuha o pagbunyag ng classified information, espiya at sabwatan para sa espionage, pati paggamit ng drones, camera at iba pang kagamitan para sa ipinagbabawal na surveillance.

Maaari ring patawan ng habambuhay na pagkakakulong at multang P10 milyon hanggang P20 milyon ang mga mapapatunayang sangkot sa espionage. // Via Bombo Anne Soberano



Address

Arnaldo Boulevard
Roxas City
5800

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm
Saturday 8am - 6pm
Sunday 8am - 6pm

Telephone

+63366214967

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 103.7 Star FM Roxas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 103.7 Star FM Roxas:

Shortcuts

Share