12/06/2020
"A GUN"
Part II
Pagkarating ko sa kwarto ni Thea agad kong binuksan yung notes ko at nagbasa2 muna, maya2 dumating siya, nakangiti.
"Hala? Anong nakain mo at mukang masaya ka yata?"
Di niya ko sinagot instead, tinutok niya sakin yung baril, oo may hawak siyang baril na ikinagulat ko.
"Ano yan Thea? Nagbibiro ka ba, ibaba mo nga yan tsaka san mo nman nakuha yan?sabi ko maya-maya.
"Ako? Nagbibiro, alam mo Gwen, dati ko pang gustong gawin to eh, kaso naghahanap lang ako ng tyempo, kaya ngayon na ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para magawa ko ang misyon ko eh saya-saya ko. Oo Gwen gusto kitang patayin, dati pa! At itong kaibigan ko ang gagamitin ko para patayin ka! Hahahah."
"Teka lng Thea, ano bang pinagsasabi mo?" Bigla niyang pinutok yung baril at natamaan yung lampshade sa gilid ko.
"Dati palang inggit na inggit na ako sayo, dahil meron ka lahat! Kaibigan, ganda, talino at ikaw lagi ang bida sating dalawa! Lahat inagaw mo sakin! Itong baril nato, ito nalang ang natitirang kaibigan ko, dahil siya ang lagi kong kakampi, at ikaw! Lagi mo nalang akong pinagsasabihan sa tuwing gusto kong gantihan yung mga demonyong kakalase natin na walang ginawa kundi kantyawan ako! Kaya tingin nila mahina ako kase tahimik lng lagi at di gumaganti! Kaya ngayon para magawa ko ang lahat ng gusto ko papatayin kita! Dahil isa kang hadlang!"
"Thea huminahon ka hindi kita maintindihan, thea kaibigan mo ako, kakampi mo ako, mahal kita at kahit kaylan hindi ako nakipagkumpetensya sayo, alam mo yan."
"Tumahimik ka! Wla kang kwentang kaibigan! Dapat sayo mamatay!
Nang akmang ipuputok niya na naman ang baril na nakatutok sakin ay agad ko itong sinubukan na agawin sa kanya, nag agawan kame hanggang sa pumutok ang baril at tumama sa tiyan niya. Agad akong nataranta dahil sa pangyayare, hindi ko sinadyang maiputok ang baril ng nahawakan ko ang gatilyo nito. Ngunit huli na natulala ako, hindi makapaniwala natauhan lang ako nga dumating nang mama ni Thea, si Tita Lordes, nagulat siya sa nakita..