30/11/2025
๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐จ๐๐ง๐ข ๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐๐๐๐๐๐ข
โ
โHinahanap kita, Andres, hindi bilang bayani sa mga aklat ng kasaysayan,
โKundi sa multo mong ubos na ubos na sa pagbabantay
โSa bayang hindi mo maabot-abot.
โSaan ka man sa kasalukuyan, maaaring naririnig mo pa rin ang mga sigaw
โNa minsang kumuyog sa Kalye Azcarraga,
โNgunit sa kasalukuyan ay sinasakal ng katahimikan, takot, ang mga baluktot na pangako.
โ
โNakakapanghina, ano?
โKapag ang mga dapat na pumrotekta,
โAy sila pang nauunang manlupig.
โAng kalayaan ay hinihiwa ng sariling mga kamay,
โNg mga pinunong nangakong maging tanglaw.
โ
โSinabi mo na gusto mong maging apoy, Bonifacio,
โPero bakit ang mga nagmana ng tungkulin mong magliyab
โAy mas piniling maging abo?
โBinubuksan ko ang balita at nakikita ko
โAng mga mukha ng pinunong nangakong maglingkod,
โPero sa huli'y nagkamal at nagtago sa anino ng batas.
โ
โSila ang mga modernong dayuhan,
โHindi banyaga ang wika pero suwail ang puso sa bayan.
โSila ang may mga kamay na dapat humawak ng sandata mo,
โPero ginamit itong pampatahimik sa taumbayan.
โ
โSinong mag-aakalang ang tapang mong minsang umaligwak,
โAy magiging usok na lamang sa harap
โNg mga opisyal na hindi mahulugang karayom sa dami ng kasalanan,
โMga bulsang puno, mga bayang hungkag?
โ
โNgunit narito rin ang hindi mo nakikita,
โAng mga tibok na hindi nila kayang patayin,
โAng mga mumunting apoy na hindi nila kayang tupukin
โAng mga nagmumultong boses na hindi nila magawang patahimikin.
โ
โSa mga estudyanteng inaabot ng gabi ang pag-aaral,
โSa mga manggagawang bumabangon bago sumikat ang araw,
โSa mga boluntaryong hindi humihinto kahit wala nang lakas,
โSa mga aktibistang tinatawag na โpasawayโ dahil ayaw tumahimik,
โNananatili ang sigaw na minsang sinindihan mo.
โ
โAt doon, Andrรฉs,
โDoon nananatili ang apoy mo,
โHindi sa palasyo, hindi sa senado, hindi sa mga talumpating
โMaaaring ipasa-bukas at ipangako sa langit.
โNananatili ito sa mga ordinaryong kamay,
โSa bawat batang pinagpapatuloy ang pag-aaral kahit walang pera,
โSa bawat kawani ng gobyernong hindi pa rin kumukurap,
โSa bawat boses na nagsasabing
โโHindi ito ang Pilipinas na pinangarap mo,
โpero lalaban kami para sa isang mas mabuti.โ
โ
โAt sa hulรญ, Bonifacio,
โnarito ang tugon ng bayan mo sa ngayon:
โ
โKung minsan, kailangan muling punitin ang โsedula, โ
โhindi papel na buwis,
โKundi ang mga kasunduan
โNg katahimikan na ipinipilit sa atin ng takot.
โSa bawat pagkapunit,
โSumusulpot ang tapang
โNa hindi nila kayang supilin.
Words by: Rechele Dili
Layout by: Rroyd Christian Ocana