14/07/2025
Organic Fertilizer na Gawa sa ISDA na pampadahon
Paano Gumawa ng Fish Amino Acid
✅️ Ang Fish Amino Acid FFA ay isang bahagi ng Natural Farming Technology System na mayaman sa Nitrogen.
✅️ Ito ay nakakatulong upang gumanda at maging berde ang dahon.
✅️ Kung may Nitrogen deficiency ang inyong tanim maari itong ibigay.
✅️ Mainam din itong iapply during early stage ng mga halaman hanggang sa kabuohan ng vegetative stage.
✅️ Tumutulong din ito upang maiwasan ang pagkabansot ng mga tanim.
Materials needed:
1. 1 kl isda (pwdend laman ng isda, tinik, bituka, buntot, kaliskis)
2. 1 kl brown sugar or molasses
3. Plastic container na may takip (wag bakal ang takip pra hindi kalawangin at macontaminate)
4. Stick na panghalo. (wag bakal)
5. Bato at Net (pampabigat)
Step by Step:
1. Hiwain ng maliliit ang isda
2. Ilagay sa plastic container
3. Ihalo ang brown sugar o molasses
4. Haluin gamit ang stick na panghalo
5. Lagyan ng net sa ibabaw at patungan ng bato para nakalubog ang isda
6. Takpan ang container
7. Ilagay sa lugar na tuyo, madilim at hindi nasisikatan ng araw.
8. I-ferment ng 2 weeks.
Paano gamitin:
1. Ihalo ang 20ml ng FFA sa isang litrong tubig
2. Pwedeng i-foliar feeding or drenching (idilig)
3. Sa drenching maghalo ng isang lata (sardinas) ng FFA sa 16L na tubig at idilig ang mixture isang lata ng sardinas bawat tanim.
Happy Farming!