28/10/2025
π£ππππππ π π¨ππ π¦π ππ’π¦π§-π£ππππ¦π
Ang DOST-PAGASA ay naabisuhan tungkol sa kumakalat na HINDI OPISYAL AT HINDI BERIPIKADONG impormasyon na may dalawang βsuper typhoonβ na maaaring tumama sa Luzon at Visayas sa darating na Nobyembre.
π£πππππππ‘ππͺ
Batay sa Tropical Cyclone Threat Potential Forecast (26 Oktubre 2025), may posibilidad ng pagbuo ng bagyo sa labas ng PAR ngayong linggo (27 Oktubre-02 Nobyembre), at may posibilidad na tumawid sa bansa sa susunod na linggo (03-09 Nobyembre).
Dahil ang forecast na ito ay nasa loob pa ng dalawang linggong saklaw, nananatiling mataas ang uncertainty o hindi katiyakan sa mga detalye, lalo na sa direksyon at lakas ng posibleng bagyo. Batay rin sa climatology ng mga bagyong dumaraan sa Pilipinas tuwing buwan ng Nobyembre, karaniwang kumikilos ang mga bagyo pa-kanluran, madalas na nakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
π£ππππππ π¦π π£π¨πππππ’
Maging maingat sa pagbabahagi hindi opisyal na impormasyon at huwag basta maniwala sa mga post mula sa hindi opisyal na mga pinagmulan. Bisitahin ang DOST-PAGASA website sa https://www.pagasa.dost.gov.ph at mag-monitor ng updates mula sa mga official social media pages para sa opisyal na mga impormasyon sa panahon.
Official page of DOST-PAGASA:.DOST-PAGASA
Basahin ang official press release: https://www.pagasa.dost.gov.ph/press-release/192
Ang TC Threat Potential Forecast mula sa DOST-PAGASA para sa susunod na dalawang linggo ay makikita sa aming website: https://www.pagasa.dost.gov.ph/tropical-cyclone/tc-threat-potential-forecast