FilVision Roxas

FilVision Roxas FilVision in Roxas City brings you the ultimate home entertainment and connectivity experience! Call us: 621-2333
(1)

Enjoy high-quality cable TV with a wide range of channels, plus fast and reliable internet services to keep you connected.

03/06/2025

Ang Santo Rosario
MISTERYO SANG HIMAYA
June 4, 2025

03/06/2025

10 Minutes with Jesus
"God Isn’t Hiding Behind The Clouds"

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: DOH INIREKOMENDA ANG PAGDEKLARA NG NATIONAL PUBLIC EMERGENCY DAHIL SA 500% PAGTAAS NG HIV CASESInirekome...
03/06/2025

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: DOH INIREKOMENDA ANG PAGDEKLARA NG NATIONAL PUBLIC EMERGENCY DAHIL SA 500% PAGTAAS NG HIV CASES

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagdeklara ng national public health emergency sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng human immunodefiency virus (HIV) sa bansa.

Sa isang video message, sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na hindi mpox ang pangunahing problemang pangkalusugan na kinakaharap ngayon ng bansa kundi HIV.

Mayroong naitalang 500% na pagtaas ng kaso ng HIV sa mga indibidwal na nasa edad 15 hanggang 25 taong gulang.

Ang pinakabata naman na na-diagnose sa sakit ay 12 taong gulang mula sa probinsya ng Palawan.

Ayon kay Herbosa, Pilipinas na ang may pinakamaraming naitalang mga bagong HIV cases sa buong Western Pacific Region.

"Sa datos natin tayo na ang pinakamataas na new cases sa Western Pacific Region. Ang nakakatakot lang maraming new cases sa ating kabataan," saad ng kalihim.

Mayroong 5,101 cases na nailista sa unang quarter ng 2025, mas mataas sa 3,409 na nairekord sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Nasa 57 HIV cases naman ang average na naiuulat araw-araw na mas mataas sa 37 na nairekord sa parehong period noong 2024.

Para maging updated sa latest news at announcements, i-follow at i-like ang aming official FB page

𝗟𝗢𝗢𝗞: BABAENG NAKATULOG SA KALASINGAN, NAPAGKAMALANG PATAYIsang babae sa Agusan del Sur ang inakalang patay ng mga resid...
03/06/2025

𝗟𝗢𝗢𝗞: BABAENG NAKATULOG SA KALASINGAN, NAPAGKAMALANG PATAY

Isang babae sa Agusan del Sur ang inakalang patay ng mga residente matapos nila itong makitang nakahandusay sa may Pugaan Creek.

Puno ng putik, nilalanggam at nilalangaw rin umano ito nang kanilang matagpuan kaya nabahala sila at tumawag ng rescue.

Pero ang di na kinilalang babae, napangiti na lang nang makitang tinitingnan na siya ng mga tao nang magising ito.

Di na umano siya nakauwi ng bahay dahil sa sobrang kalasingan.

PHOTOS: Roger So/Facebook

Para maging updated sa latest news at announcements, i-follow at i-like ang aming official FB page

Ever noticed how your devices "talk" to each other? That’s the magic of networking—the language that keeps your family c...
03/06/2025

Ever noticed how your devices "talk" to each other? That’s the magic of networking—the language that keeps your family connected, your work smooth, and your entertainment endless! At FilVision Roxas, we make sure this conversation never drops. Whether you’re a parent helping with online classes, a student researching for projects, a work-from-home pro on a Zoom call, or a business owner managing operations, strong, reliable internet and cable service is what keeps everything running.

Why struggle with slow connections or spotty signals? We speak the language of seamless connectivity, so you never miss a beat. Stream, browse, work, and play without interruptions—because when your network is strong, life just gets easier.

Ready to upgrade your connection? Visit our page [https://www.facebook.com/filvisionroxas] (https://www.facebook.com/filvisionroxas) and let’s get you connected!


𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: MAGSASAKA PATAY MATAPOS MAKURYENTE SA DAONagwakas ang buhay ng isang magsasaka matapos makuryente sa Sit...
03/06/2025

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: MAGSASAKA PATAY MATAPOS MAKURYENTE SA DAO

Nagwakas ang buhay ng isang magsasaka matapos makuryente sa Sitio Balud, Barangay Duyoc, Dao nitong Hunyo 1.

Pahayag ni PCapt. Rian Ampoyos, Officer-in-Charge ng Dao MPS, pauwi na sana ang biktima nang masagi nito ang nakalaylay na kable ng kuryente na naputol dahil sa malakas na hangin at pag-ulan.

Hindi umano nito napansin ang kable dahil madilim sa lugar nang mangyari ang insidente.

Natagpuan na lang itong nakatihaya sa kable na may senyales ng pagka-kuryente.

Nakipag-ugnayan na umano ang pamilya ng biktima sa Capelco kaugnay sa nasabing insidente.

Para maging updated sa latest news at announcements, i-follow at i-like ang aming official FB page

03/06/2025

𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗩𝗜𝗦𝗔𝗬𝗔𝗦 – June 3, 2025

Weather Forecaster: Rodelno Saron Jr.
Visayas PAGASA Regional Services Division Iloilo Doppler Radar Station

Para maging updated sa latest news at announcements, i-follow at i-like ang aming official FB page

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: SENIOR CITIZEN, PATAY SA CARDIAC ARREST MATAPOS NA UMANO'Y HAMPASIN NG BUNTOT NG PAGIPatay ang isang 75-...
03/06/2025

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: SENIOR CITIZEN, PATAY SA CARDIAC ARREST MATAPOS NA UMANO'Y HAMPASIN NG BUNTOT NG PAGI

Patay ang isang 75-anyos na lola matapos na ma-cardiac arrest nang umano'y hampasin ng buntot ng pagi sa Barangay Switch, Tapaz, Capiz.

Naglilinis ng bahay ng kanyang pamangkin ang biktima nang dumating ang suspek.

Sinasabing nagkaroon umano ng pagtatalo ang mga ito na nauwi sa pisikalan.

Batay sa anak ng biktima, sinubukan pa niyang awatin ang dalawa pero hinampas ng suspek ang kanyang ina ng buntot ng pagi kaya ito nawalan ng malay.

Naidala pa ito sa ospital pero idineklarang dead on arrival ng doktor dahil sa cardiac arrest.

NOTE: This is not the actual photo

Para maging updated sa latest news at announcements, i-follow at i-like ang aming official FB page

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦:  BUBONG NG ILANG SILID-ARALAN SA MALONOY NATIONAL HIGH SCHOOL SA DAO, TINUKLAP NG MALAKAS NA ULAN AT UMA...
03/06/2025

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: BUBONG NG ILANG SILID-ARALAN SA MALONOY NATIONAL HIGH SCHOOL SA DAO, TINUKLAP NG MALAKAS NA ULAN AT UMANO'Y BUHAWI

PHOTO: John Villaruz/Facebook

Para maging updated sa latest news at announcements, i-follow at i-like ang aming official FB page

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: Heat index ngayong Martes, June 3, 2025 sa Roxas City, aabot sa 43°C batay sa PAGASA. ☀️Para maging upda...
03/06/2025

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: Heat index ngayong Martes, June 3, 2025 sa Roxas City, aabot sa 43°C batay sa PAGASA. ☀️

Para maging updated sa latest news at announcements, i-follow at i-like ang aming official FB page

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: MGA ARMAS NAREKOBER SA BAHAY NA HINALUGHOG SA PANAYNakuhaan ng mga baril at bala ang isang bahay na hina...
02/06/2025

𝗙𝗜𝗟𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗘𝗪𝗦: MGA ARMAS NAREKOBER SA BAHAY NA HINALUGHOG SA PANAY

Nakuhaan ng mga baril at bala ang isang bahay na hinalughog ng mga kapulisan sa Sitio Sugod, Barangay Daga, Panay, Capiz.

Batay sa pulisya, nakuha sa nasabing bahay ang mga sumusunod: isang 38 caliber revolver, 5 live rounds ng . 38 caliber ammunition, 2 live rounds ng 12-gauge shotgun ammunition​ at isang spent .38 caliber shell casing.

Nagtulungan ang Panay Municipal Police Station (MPS), Capiz Provincial Intelligence Unit (PIU) at 1st Capiz Provincial Mobile Force Company (PMFC) para maging matagumpay ang operasyon.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Fi****ms and Ammunition).

Para maging updated sa latest news at announcements, i-follow at i-like ang aming official FB page

Address

Alba Building, Fuentes Subd. , Poblacion XI
Roxas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FilVision Roxas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share