20/03/2026
share ko lang guys, first time ko maranasan sa dalawang taon ko sa pagiging marino na muntik pang maging kwento, netong gabi ng 03/19/2026 kakapullout lang namin sa “OMAN SALALAH PORT madaling araw ng mangyari ito. Habang sa kahimbingan ng tulog bumungad saamin ang report sa bridge na mayroong sunog. na nagmula sa aming basurahan,Akala ko bumagsak samin ang drone or messile lalo't mataas pa ang tension ngayon sa pagitan ng America, Israel at Iran. Agad akong napatayo sa aking higaan noong marinig ang paging mula sa bridge na may sunog. Agad namang nagtulungan ang bawat isa para maapula agad ang apoy at hindi na lumaki pa. Ang isa pang pinangangambahan namin ay kung di' agad natigil ang pagliyab dahil sa ang kargada namin ay METHANOL which is a flamable liquid.
Lord, thank you sa pangalawang buhay❤️❤️