28/06/2025
BALITANG PANLALAWIGAN 📰🗞️
PANUNUMPA NI GOVERNOR HUMERLITO “BONZ” DOLOR SA KANYANG HULING TERMINO, DINALUHAN NG LIBO-LIBONG MINDOREÑO SA MANSALAY
Mansalay, Oriental Mindoro — Isang makasaysayang araw ang ginanap sa Mansalay Fish Port kagabi Hunyo 27, 2025, kung saan pormal na nanumpa sa kanyang huling termino si Governor Humerlito “Bonz” Dolor bilang gobernador ng lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ang panunumpa ay nasaksihan ng libo-libong mga kababayan mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, upang magbigay-suporta at patuloy na ipakita ang tiwala sa pamumuno ng gobernador. Sa harap ng masigabong palakpakan at taos-pusong suporta ng sambayanang Mindoreño, ipinaabot ni Gov. Dolor ang kanyang taos-pusong pasasalamat:
“Isang taos-pusong pasasalamat sa bawat isang Mindoreño na patuloy na naniniwala at sumusuporta. GOVERNOR HUMERLITO “BONZ” DOLOR po ang NANANATILI AT MANANATILING GOBERNADOR NG SAMBAYANANG MINDOREÑO."
Matapos ang panunumpa ay isinagawa ang masaya at makulay na "Kalayaan at Kultura: A Cultural Freedom Fest" Pasasalamat Concert para sa mga Mindoreño. Naging highlight ng naturang kasiyahan ang Mahalta Sessions, Isay Band, Salbakuta, at Aegis Band, na lalong nagpasigla sa gabi ng pagdiriwang.
Isang gabi ng pagkakaisa, kultura, at panibagong paninindigan para sa patuloy na pag-unlad ng Oriental Mindoro. |via Ricky "DJRG" Gusi, 98.9 Radyo Natin Roxas 📸 Governor Humerlito "Bonz' Dolor FB Page