29/04/2022
Maynila ang kauna-unahang siyudad sa Pilipinas na may pinakamarami at pinakamodernong CCTV cameras. Tinatawag na "Eye in the Sky," mayroon itong face recognition technology na maihahalintulad sa New York, Singapore at Tokyo.
Ang mga surveillance camera na ito na nakakalat sa mga pampublikong lugar sa buong Maynila ay makade-detect ng mga taong wanted at may criminal record, mapa-lokal man o international, na magagawi sa lungsod.