20/11/2025
Medyo late na po ang post na ito dahil naging abala po ako kamakailan.
Sa ngalan po ng mga magulang ng mga batang nasa daycare sa Centro, ipinaaabot namin ang aming taos-pusong pasasalamat kay KONSEHAL BOYET SUBITO sa inyong supprta at pagiging handang tumulong sa amin. Ang inyong mabilis at positibong pagtugon sa aming kahilingan noong nakaraang elimination para sa Children's Month na programa po ng ating mahal na Bayan ng Bongabong, nang walang pag-aalinlangan o reserbasyon, ay lubos naming pinasasalamatan.
Maraming salamat po sa pag "sige" sa amin sa bawat "may gawa ako" ng iba🫣🤭
Nauunawaan po namin na marami kayong obligasyon at responsibilidad, ngunit naglaan pa rin kayo ng oras para sa amin. Ang inyong dedikasyon sa komunidad ay kapuri-puri.
Umaasa po kami na marami pa kayong matulungan!