Resurrection of Our Lord Parish - Tumarbong, Roxas

Resurrection of Our Lord Parish - Tumarbong, Roxas This is the official page of the Resurrection of Our Lord Parish - Tumarbong, Roxas, Palawan. Like, share and follow for more updates!

KAPISTAHAN NI STA. MONICANgayong araw, Agosto 27, ating ipinagdiriwang ang kapistahan ni Sta. Monica, ina ni San Agustin...
27/08/2026

KAPISTAHAN NI STA. MONICA

Ngayong araw, Agosto 27, ating ipinagdiriwang ang kapistahan ni Sta. Monica, ina ni San Agustin at huwaran ng matiyagang pananalangin at matatag na pananampalataya.

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa ating pagdiriwang:

🕓 4:00 PM — Novena
⛪ 5:00 PM — Banal na Misa

Halina’t sama-sama nating ipanalangin ang ating mga pamilya at mga mahal sa buhay, at tularan ang pananampalataya at pagtitiyaga ni Sta. Monica.

Sta. Monica, ipanalangin mo kami!
San Agustin, ipanalangin mo kami!
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link
https://www.facebook.com/rolptumarbongroxas/


Ikawalong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Agustin • Kapistahan ni Santa MonicaAgosto 27, 2026 | HuwebesPatuloy ...
26/08/2026

Ikawalong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Agustin • Kapistahan ni Santa Monica

Agosto 27, 2026 | Huwebes
Patuloy nating samahan ang ating pamayanan sa panalangin bilang paghahanda sa Kapistahan ng ating patron, San Agustin.

4:00 PM — Novena
5:00 PM — Banal na Misa
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link
https://www.facebook.com/rolptumarbongroxas/


HOMILIYA SA PAROKYA"Maaring malinlang natin ang ating kapwa, ngunit hindi ang Diyos. Dahil nakikita niya ang laman ng at...
26/08/2026

HOMILIYA SA PAROKYA

"Maaring malinlang natin ang ating kapwa, ngunit hindi ang Diyos. Dahil nakikita niya ang laman ng ating puso" - Rev. Fr. Francis N. Qullip
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link
https://www.facebook.com/rolptumarbongroxas/



ROLP IN PHOTOS | Ikawalong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Agustin • Ikasiyam na Araw ng Novena para sa Kapista...
26/08/2026

ROLP IN PHOTOS | Ikawalong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Agustin • Ikasiyam na Araw ng Novena para sa Kapistahan ni Santa Monica

August 26, 2026
Resurrection of Our Lord Parish
Tumarbong, Roxas, Palawan, 5308
Mass Presider: Rev. Fr. Francis N. Quillip

Pagninilay sa homiliya:

Ano ba ang pipiliin mo: maganda sa panlabas ngunit pangit ang kalooban, o pangit man ang panlabas ngunit maganda ang kalooban?

Sa ating buhay, may mga taong maganda ang kanilang projection—maayos magsalita, mabait makitungo, at tila banal sa paningin ng iba. Ngunit hindi natin maaaring itago habambuhay ang anumang kabulukan sa ating kalooban.

Ito ang tinutukoy ng salitang ipokrito: isang taong maganda ang ipinapakita sa panlabas ngunit may ibang realidad na itinatago sa loob. Akala mo ay banal, ngunit puno pala ng pagkukunwari; maayos sa paningin ng tao, ngunit ang kalooban ay puno ng pansariling interes o panglalamang sa kapwa.

Maaaring malinlang natin ang ating kapwa, ngunit hindi natin malilinlang ang Diyos. Nakikita Niya hindi lamang ang ating mga ginagawa kundi pati ang laman ng ating puso at ang tunay nating motibo.

Kaya ang paanyaya sa atin ay magkaroon ng integridad—ang pagkakaisa ng ating panlabas na buhay at ng ating kalooban. Kung ano tayo sa harap ng tao, iyon din sana tayo kapag walang nakakakita. Ang ating kabutihan ay hindi dapat nakabatay sa kung sino ang nanonood, kundi sa ating katapatan sa Diyos.

Sapagkat ang tunay na kabanalan ay hindi lamang magandang mukha o magandang projection. Ang tunay na kabanalan ay pusong tapat sa Diyos, kung saan ang ating kalooban at panlabas na pamumuhay ay nagtatagpo.
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link Resurrection of Our Lord Parish - Tumarbong, Roxas



Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa Gabi ng Parokya!Halina’t magsama-sama bilang isang pamilya ng parokya p...
26/08/2026

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa Gabi ng Parokya!

Halina’t magsama-sama bilang isang pamilya ng parokya para sa isang gabing puno ng kasiyahan, talento, tawanan, at pagkakaisa!

đź“… Agosto 27, 2026 (Huwebes)
đź•– 7:00 PM
📍 Barangay Covered Court
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link
https://www.facebook.com/rolptumarbongroxas/




HOMILIYA SA PAROKYA"And Diyos na sinasabi nating kilala natin ay siya rin ba ang Diyos na pinapakita natin sa ating buha...
26/08/2026

HOMILIYA SA PAROKYA

"And Diyos na sinasabi nating kilala natin ay siya rin ba ang Diyos na pinapakita natin sa ating buhay?" - Rev. Fr. Francis N. Qullip
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link
https://www.facebook.com/rolptumarbongroxas/



Ikasiyam na Araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Agustin • Ikawalong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni Santa Moni...
25/08/2026

Ikasiyam na Araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Agustin • Ikawalong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni Santa Monica

Agosto 26, 2026 | Miyerkules
Patuloy nating samahan ang ating pamayanan sa panalangin bilang paghahanda sa Kapistahan ng ating patron, San Agustin.

4:00 PM — Novena
5:00 PM — Banal na Misa
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link
https://www.facebook.com/rolptumarbongroxas/


ROLP IN PHOTOS | Ikapitong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Agustin • Ikawalong Araw ng Novena para sa Kapistaha...
25/08/2026

ROLP IN PHOTOS | Ikapitong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Agustin • Ikawalong Araw ng Novena para sa Kapistahan ni Santa Monica

August 25, 2026
Resurrection of Our Lord Parish
Tumarbong, Roxas, Palawan, 5308
Mass Presider: Rev. Fr. Francis N. Quillip

Pagninilay sa homiliya:

Lahat ba ng uri ng pagbibigay ay tunay na pagkakawanggawa? Bakit tayo nagbibigay at gumagawa ng mabuti? Ano nga ba ang tunay na diwa ng pagbibigay?

May iba’t ibang motibo sa pagbibigay.

Una, self-interest—nagbibigay tayo dahil may inaasahan tayong kapalit. Halimbawa, sa eleksyon, may namimigay ng pera kapalit ng boto. Pagkakawanggawa ba iyon? Hindi, dahil binibili ang boto. Ang pagbibigay ay hindi na nakaugat sa kabutihan kundi sa pansariling interes.

Ikalawa, duty o obligasyon—nagbibigay dahil pakiramdam natin ay kailangan natin itong gawin. Ngunit kung walang puso at pagmamahal, maaaring maging simpleng pagtupad lamang ito sa tungkulin.

Ikatlo, superiority o control—nagbibigay upang magkaroon ng kapangyarihan sa iba, at kalaunan ay isinusumbat ang mga nagawa: “Kung hindi dahil sa akin…” Ang ganitong pagbibigay ay hindi na malaya, sapagkat may kapalit na pagkilala at pagpapasakop.

Kaya ang tunay na pagbibigay ay hindi lamang tungkol sa kung magkano ang ibinigay, kundi kung gaano kalaki ang pusong nagbigay.

Nawa’y maging daluyan tayo ng tunay na diwa ng pagbibigay—hindi lamang ng ating yaman, kundi pati ng ating talento, panahon, lakas, at sarili. Sa dami ng oras na ibinibigay sa atin ng Diyos bawat linggo, minsan ay hindi man lamang tayo makapaglaan ng isang oras upang magsimba at magpasalamat sa lahat ng Kanyang biyaya.

Tingnan natin ang Diyos. Nang Siya ay magbigay, hindi Siya nagbigay nang may hinihintay na kapalit. Ibinigay Niya ang Kanyang sarili alang-alang sa atin, dahil sa Kanyang pagmamahal.

Kaya tanungin natin ang ating sarili: Kailan ba ako huling tunay na nagbigay? Hindi lamang ng pera, kundi ng panahon, talento, pagmamahal, at sarili.

Sapagkat ang tunay na nagbibigay ay hindi nasusukat sa laki ng nasa kamay, kundi sa laki ng pusong handang magbigay.
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link Resurrection of Our Lord Parish - Tumarbong, Roxas



HOMILIYA SA PAROKYA"Ang tunay na nagbibigay ay hindi nasusukat sa laki ng nasa kamay, kundi sa laki ng pusong handang ma...
25/08/2026

HOMILIYA SA PAROKYA

"Ang tunay na nagbibigay ay hindi nasusukat sa laki ng nasa kamay, kundi sa laki ng pusong handang magbigay." - Rev. Fr. Francis N. Qullip
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link
https://www.facebook.com/rolptumarbongroxas/



TULONG PARA SA KAPISTAHAN NI SAN AGUSTIN!Para sa Kapistahan ng ating Patron, San Agustin, ang account na ito lamang ang ...
25/08/2026

TULONG PARA SA KAPISTAHAN NI SAN AGUSTIN!

Para sa Kapistahan ng ating Patron, San Agustin, ang account na ito lamang ang opisyal na GCash account ng ating Parokya para sa mga donasyon.

Account No.: 09050666426
Name: KE****H L.

Para sa goods o in-kind donations, maaari po kayong bumisita sa Parokya Martes–Linggo, 10:00 AM–5:00 PM at hanapin sina Sis. Meriam Maceda o Sis. Lara Vicente.

Maraming salamat sa inyong kabutihang-loob at suporta!

San Agustin, ipanalangin mo kami!
________________________________________
For sacramental record requests and other parish transactions, feel free to contact us through any of the following:
Phone: 0905-066-6426
Email: [email protected]

To stay updated, like, share, and follow the official page of our parish by clicking this link
https://www.facebook.com/rolptumarbongroxas/


Address

Bgy. Tumarbong
Roxas
5308

Opening Hours

Tuesday 10am - 5pm
Wednesday 10am - 5pm
Thursday 10am - 5pm
Friday 10am - 5pm
Saturday 10am - 5pm
Sunday 10am - 5pm

Telephone

+639263077233

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Resurrection of Our Lord Parish - Tumarbong, Roxas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Resurrection of Our Lord Parish - Tumarbong, Roxas:

Shortcuts

Share