19/07/2026
📢 PABATID SA PUBLIKO
Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan na nangangailangan ng mga serbisyo ng PSA Civil Registry System (CRS) na samantalahin ang ating CRS Mobile Outlet. Ito ay limitado lamang sa 150 clients.
📅 Hulyo 24, 2026, 8:00 AM-3:00 PM
📍 Barangay Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro
Sa pamamagitan ng CRS Mobile Outlet, mas inilalapit ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga serbisyo sa Civil Registration upang maging mas mabilis, mas madali, at mas maginhawa para sa publiko.
📌 Mga Kailangang Dalhin:
✅ Isang (1) valid government-issued ID
-Kung walang valid ID, Barangay Clearance na may basic
information, picture at signature ng document owner.
-Kung ang kukuha ay kapatid, lolo o lola, kamag-anak, kaibigan o kakilala, dapat ay may sulat pahintulot (authorization leter) valid ID ng may-ari o magulang at valid ID ng pinahintulutan.
📌 Paalaala:
✅ Kung ang anak ay kukuha ng dokumento ng magulang, kailangan may dalang birth certificate/marriage certificate na katunayan siya ay legal spouse.
✅ Kung asawa ang kukuha ng dokumento ng asawa dapat may dalang marriage certificate katunayan siya ay legal spouse
Dapat may authorization letter at valid ID ng asawa kung ang CENOMAR ay magpapakita ng higit sa isang kasal
✅ Kung ang magulang ay kukuha ng dokumento ng anak na may kasal o may asawa na, kailangan may pahintulot galing sa anak lalo na kung ang kukunin ay marriage certificate at CENOMAR
✅Kung wala ang pangalan ng tatay/ama sa birth cerificate ng anak, kailangan ang sulat pahintulot galing sa ina o sa anak kung nasa tamang gulang na.
💰 Mga Bayarin:
• Birth Certificate – ₱155.00
• Marriage Certificate – ₱155.00
• Death Certificate – ₱155.00
• Certificate of No Marriage (CENOMAR) – ₱210.00
• Certificate of No Death (CENODEATH) – ₱210.00
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming opisyal na page o website.