Barangay Sta. Lucia Updates & Events

Barangay Sta. Lucia Updates & Events 🏡 Welcome to Sta. Lucia Updates & Events Hub! 🌟 Stay connected. Follow our page para lagi kang updated ❤️

📢 PAALALA PO SA MGA NAG-AALAGA NG BAKASa mga may alagang baka, lalo na po sa Zone 6 – Payompon, muli po kaming nakikiusa...
25/08/2026

📢 PAALALA PO SA MGA NAG-AALAGA NG BAKA

Sa mga may alagang baka, lalo na po sa Zone 6 – Payompon, muli po kaming nakikiusap na itali at siguraduhing hindi nakakalabas ang inyong mga alaga.

Ilang beses na rin po kaming nagpaalala tungkol dito, ngunit patuloy pa rin po ang pagala-galang mga baka sa kalsada at paligid ng mga kabahayan. Maaari po itong maging sanhi ng aksidente, pagkasira ng mga pananim, o abala sa ating mga kapitbahay.

🙏 Pakiusap po, maging responsable tayo sa pag-aalaga ng ating mga hayop. Hindi po namin nais na umabot sa puntong kailangan pang gumawa ng mas mahigpit na hakbang.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa. 🤝🐄

Bagong Daan sa Zone 1, Nagbibigay ng Bagong Ginhawa sa mga Residente!Isang magandang balita at malaking hakbang tungo sa...
24/08/2026

Bagong Daan sa Zone 1, Nagbibigay ng Bagong Ginhawa sa mga Residente!

Isang magandang balita at malaking hakbang tungo sa mas maayos na sistema ng transportasyon at komunikasyon ang ating ibinabahagi ngayon para sa ating komunidad. Opisyal nang nabuksan ang isang bagong daan sa Zone 1 na magbibigay ng mas madaling biyahe at bagong ginhawa sa mga pamilyang naninirahan dito!
Ang tagumpay na ito ay naging posible sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan:
Sa pangunguna ni Kon. Raymilito
At sa buong suporta at pagtutulungan ng mga residenteng direktang makikinabang sa proyektong ito.

Ang pagbubukas ng daang ito ay patunay na kapag sama-sama, mas mabilis nating naabot ang kaunlaran para sa ating mga kabarangay. Mabuhay po kayong lahat!

Linis barangay at zone 6 at zone 7
24/08/2026

Linis barangay at zone 6 at zone 7

22/08/2026

🌧️ MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT! 🌧️

May mga weather disturbance na patuloy na mino-monitor ngayon, kaya mas mabuting maging alerto at handa lalo na’t maulan na naman sa ilang lugar.

Hindi pa naman ibig sabihin na may bagyong siguradong tatama sa atin, pero alam naman natin na mas okay nang handa kaysa magulat. 😅

📌 Patuloy nating abangan ang mga opisyal na abiso ng PAGASA at ng ating lokal na pamahalaan.
📌 I-secure ang mga bubong, gamit at iba pang maaaring tangayin ng hangin.
📌 Maghanda ng flashlight, pagkain, tubig at mga importanteng dokumento.
📌 At higit sa lahat, mag-ingat po tayong lahat!

🙏 Sana ay ligtas tayong lahat at malayo sa anumang kapahamakan.
Stay safe, Sta. Lucia! ❤️

20/08/2026

Sa mga nagpaparinig na “ililista lang daw kapag nag-post na” 😅, konting intindi lang po. Hindi naman pinipili kung sino ang bibigyan—hindi lang talaga sapat ang ayuda para sabay-sabay na maibigay sa lahat. Kaya kung hindi umabot ngayon, okay lang po, lahat naman ay mabibigyan, kailangan lang maghintay sa susunod na distribution. 😊
Hindi naman kailangan ng parinig o patutsada sa comments. Konting pasensya at pang-unawa lang po—ayuda lang naman ito, hindi paunahan. Darating din po ang para sa bawat isa. ❤️

20/08/2026

Sa mga nagsa-“sana all” pa rin sa bigayan ng ayuda, hintay lang kayo 😅🙏 Darating din ang para sa inyo. Makakatikim din kayo ng ayuda! ❤️

Gud day kabarangay📢 PAUNAWA PO SA LAHAT 📢Narito po ang 100 pangalan ng mga makakakuha ng food packs ngayong August 20, 2...
20/08/2026

Gud day kabarangay

📢 PAUNAWA PO SA LAHAT 📢

Narito po ang 100 pangalan ng mga makakakuha ng food packs ngayong August 20, 2026, alas-1:00 ng hapon. 🎁❤️

Nais po naming ipaalam na hindi talaga sapat para sa lahat ang bilang ng food packs na naibigay ngayong araw. Kaya hindi po lahat ay maisasama sa listahan sa pagkakataong ito.

Sa mga hindi po nakasama at hindi mabibigyan ngayon, mangyaring maghintay lamang po at huwag mawalan ng pag-asa. Malay po natin, sa susunod na pagkakataon ay kayo naman ang mabigyan. 🙏❤️

Pakiusap din po sa lahat na iwasan natin ang pagko-comment ng masasakit na salita o anumang makakasakit sa kapwa. Nauunawaan po namin na marami ang nangangailangan, pero sana po ay pairalin pa rin natin ang pag-unawa, respeto, at pasensya sa isa't isa.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Hindi man sapat para sa lahat ngayon, umaasa po tayo na mas marami pa ang matutulungan sa susunod. ❤️🙏

God bless po sa ating lahat!

20/08/2026

Fyi

18/08/2026

10 AM pa lang, pero yung langit parang may curfew. 😂🌧️
Tapos nag-brownout pa…
Baka pati araw nag-file na ng leave. 😭🤣

Address

Sta Lucia Sablayan Occidental Mindoro
Sablayan
5104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sta. Lucia Updates & Events posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share