30/08/2024
"SAMPUNG PAYO SA MAG ASAWA"
Madalas bang magkaroon kayo ng pagtatalo???Normal lang naman yun sa mag asawa. Pero paano nga ba magiging maayos ang pagsasama kahit na dumating kayo sa maraming problema?
Heto ang ilang Tips para mapanatiling matatag ang inyong pagsasama bilang magasawa.
1. PAG GALIT ANG ASAWA MO, WAG MONG SABAYAN
Kailangan isa lang ang galit, kung galit sya hayaan mo sya manahimik ka. Kapag kalmado na tska kayo mag usap at wag matutulog ng magkaaway.
2. SELF CONTROL
Kailangan matuto kang kontrolin ang sarili mo. Hindi pwedeng pag galit ka mananakit ka, magsasalita ng masama o susugod ka.
3. ACCEPTANCE
Tanggpin mo kung ano ang asawa mo, pinili mo yan ginusto mo yan, kung anong pangit tanggapin mo, magtiis ka.
4. Pag may problema, PAG-USAPAN nyong dalawa, ng pamilya, hindi ng kapitbahay, ng kaibigan at lalo na wag niyo ipost sa fb kapag magkagalit kayo. Pag may hindi pagkakasunduan, wag hayaan humantong sa sakitan at hiwalayan.
5. Pag galit sya, marami yang masasabing masasamang salita, WAG MO DIBDIBIN, isipin mo galit lng sya, ang taong galit wala namang yang sasabihing maganda hindi ka nyan pupurihin, galit sya eh. Gawin mo pasok kanan tainga labas sa kaliwang tainga.
6. LAGING YAKAPIN ANG ASAWA AT MGA ANAK
Nakakaluwag daw yan ng dibdib nakakagamot ng sama ng loob, nakakaluwag ng problema.
7. I-APPRECIATE MO ANG ASAWA MO, kung pogi/maganda sya sabihin mo ang pogi/ganda nya, ang bango nya, wag mo pagdudahan na kaya sya nagpapapogi/nagpapaganda dahil sa iba, mas dapat ikaw ang unang maka appreciate nun sa knya.
8. RESPETO
Pinakamahalaga ang respect at tiwala kaysa sa love. Dapat yan ang kahit anong mangyari hindi mawawala sa dalawang nagmamahalan.
9. MAGING KAIBIGAN ANG ASAWA.
Masarap na ang asawa mo mismo ang kabarkada mo.
10. OPEN COMMUNICATION
Dapat lagi kayong nag uusap, dapat binabalikan nyo ung mga nakaraan nung nagliligawan pa lang kayo, dapat nag de-date pa rin kayo, hanggat maari walang kasamang anak. Pinag uusapan ang problema hindi pinag aawayan.
Always remember "A good husband makes a good wife." ctto R. Ma