22/09/2025
ππππππππππ πππππ πππππ, ππππ-ππππππππππ πππππ ππππ ππ #πππππππ
Naka-Heightened Alert Status ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Nando sa mga baybayin at pamayanang apektado ng sama ng panahon ngayong araw, Septyembre 20, 2025.
Mahigpit na mino-monitor ng PCG ang galaw ng bagyo kasabay ng pakikipag-ugnayan sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Nagpapatupad na rin ng mahigpit na pagbabantay sa lahat ng pantalan upang maiwasan ang pagpalaot ng mga sasakyang pandagat lalo na kung mapanganib ang lagay ng panahon. Suspendido rin ang paglalayag ng mga maliliit na bangka at iba pang sasakyang pandagat sa mga lugar na may nakataas na gale warning.
Kasabay nito, nakaantabay ang PCG Deployable Response Groups (DRGs), medical teams, at mga search and rescue (SAR) vessel para sa agarang pagresponde kung kinakailangan.
Pinapaalalahanan ng PCG ang publiko na manatiling mapagmatyag, sumunod sa mga anunsyo ng kanilang mga lokal na pamahalaan, at iwasang maglayag hanggaβt hindi inaalis ang babala sa panahon.
Para sa agarang rescue, maaaring makipag-ugnayan sa numero ng PCG Command Center: 0977-792-8382 / 0966-217-9610
π΅π