06/03/2025
Ano ang gagawin mo kung ang taong mahal mo ay hindi pala para sa iyo?
Ipagpapatuloy mo pa rin bang mahalin sya kahit alam mong may kahati ka sa puso nya? at kahit alam mong dehado ka?
DEAR POPOY AT JASMIN,
Itago nyo nalang po ako sa pangalang ETHAN, meron akong girlfriend na itago nalang natin sa pangalan JOY.
Una pala kaming nagkakilala sa isang Bar somewhere in Mindoro noong taong 2023. Lasing sya noon kasama ang kanyang mga barkada, isa sa mga barakada niya ang kaibigan ko, nang tawagin nya ako para painumin ng kahit isang shot, nahiya ako kaya tinagay ko na rin, nakipag kamay si Joy sa akin non, at hinila ako sa sayawan, haggang sa mapagod si Joy at ng magpahinga ay nakatulog sa mesa sa bar.
Hindi ko namalayan na iniwan na pala sya ng mga barkada nya, kaya ginising ko na si Joy para umuwi, pero dahil sa kalasingan ay hindi nya na kinayang maglakad, kaya inakay ko nalang sya at tumawag ng tricycle papunta sa aking boarding house. Nang makarating kami sa aking boarding house ay pinatulog ko sya, pero dahil sa sobrang kalasingan sya ay nagsus**a, magdagmag akong hindi nakatulog noong gabing iyon dahil sa kaaasikaso at kalilinis ng kanyang s**a, at ng mag-umaga na ay umuwi na rin sya at sobrang hiya nya sakin.
Lumipas ang maraming araw na curious ako sa kanya kaya hinanap ko sya sa facebook, KUYA POPOY kinakabahan at nag aalangan akong pindutin ang sent friend request button, kaya ipinikit ko ang aking mata at midali ko itong pinindot. Jasmin, noong mga oras na iyon at naghintay akong iaccept nya ito at mga ilang minute nga ay nakatanggap ako ng notification na inaccept nya na ang friend request ko, sobrang tuwa at saya ng naramdaman ko non POPOY at JASMIN, hanggang sa hindi nagtagal ay nagkakachat na nga kami.
At hanggang lumipas nag maraming buwan ay tuluyan na ngang nahulog ang loob ko kay Joy, POPOY AT JASMIN. Madalas kaming nagkikita sa may Sea wall sa Sablayan, kumakain, at saka gumagala., open kami sa isa’t-isa, nagging pader naming ang isa’t-isat. Hangang dumating na nga ang araw na nagtapat ako ng nararamdaman ko para sa kanya. Popoy at Jasmin, hindi ng ako nabigo dahil kung ano yung nararamdam ko sa para sa kanya ay ganoon din pala sya sa akin.
Lumipas pa nga ang maraming buwan na ganon lang ang set up namin, na mag ka MU lang kami. Hangang sa dumating na nga ang araw na aking pinakahinihintay August 24, 2024, ng sinagot na niya ako. Sobrang saya ng pakiramdam ko noon, ang saya pala ng pakiramdam POPOY AT JASMIN ng may taong nagmamahal at nagpapahalaga sayo noh?. Wala kaming nagging promblema at away, nagging masaya kami.
Umabot kami ng 8 buwan hanggang ngayon POPOY AT JASMIN, na akala ko ay totoo at tapat si Joy sa akin, ang hindi ko pala alam ay may nililihim pala siya sa akin. Minsan, dumating ang araw na nabuksan ko ang kayang facebook account ng hindi niya alam. Bumungad sa akin ang isang conversation nya sa kanyang ex-boyfriend na dahilan ng kanyang pagkalasing noong una kaming makakilala, at sya pa nga ang nag pifirst move popoy at Jasmin. Kinakamusta niya ito at inaupdate sa kanyang mga ginagawa, pero pagkatapos ng conversation nila ay agad niya itong binubura, siguro ng para hindi ko ito makita at hindi ko siya mahuli. Popoy at Jasmin, para akong binagsakan ng langit at lupa sa mga oras na iyon, hindi ko magawang umiyak dahil sabi ko sa sarili ko, LALAKE ako, malakas ako. Pumapasok ako sa trabaho ng may bigat sa puso ko, pumapasok ako sa trabaho na parang….. eto pa rin ako… Si ETHAN. Ngumingiti parin kahit masakit….parang bawat oras na maaalala ko ang mga bagay naginagawa nya nawawalan ako ng gana, tinatamad ako…dahil nasasaktan ako…nasaksaktan ako ng mag-isa habang sya’y enjoy na enjoy sa mga ginagawa nya….nag eenjoy sya sa mga panloloko nya sa akin…
POPOY AT JASMIN, itinago ko lang iyon at hindi ko pinaalam sa kanya ang mga nakita ko. Dahil nga sa mahal ko sya, hindi agad ako bumitaw, hindi agad ako sumuko. Sa bawat araw na nakikita ko sya, POPOY AT JASMIN, natatakot ako, natakot ako na baka iwan nya ako, natatakot ako na baka mawala sya sakin.
Hanggang dito nalang ang aking kwento POPOY at Jasmin, maraming salamat sa pakikinig, GOD BLESS you all.
Nagmamahal at gumagalang,
ETHAN
Story written by:
Ms. Anonymous (CUS)
ANG ISTORYANG ATING NABASA AY ISA LAMANG KATANG-ISIP NG MAY AKDA (Ms. Anonymous)
Ano ang gagawin mo kung ang taong mahal mo ay hindi pala para sa iyo?
Ipagpapatuloy mo pa rin bang mahalin sya kahit alam mong may kahati ka sa puso nya?at kahit alam mong dehado ka?