23/10/2025
KATANUNGANG PAMBARANGAY: Nais ko manuod ng Session sa Barangay, pwede po ba?
SAGOT: Opo at dapat! Ayun sa RA 7160 Local Government Code, Article 105: ALL Sanggunian Sessions (Barangay, Municipal, City, Provincial, National) shall be open to the public to promote transparency. Ibig sabihin, automatic na kapag may Public Hearing o Barangay Session, kahit sino pwede pumasok at makinig para malaman ang sinasabi ng kanilang elected Kagawad at Kapitan - malaman sino ang nagtratrabaho, ano ang mga direksyon ng barangay at saan napupunta ang budget ng barangay. DAPAT rin na ang lugar na nasasakupan ay iniimbita at pinagbibigay alam ang schedule of sessions and public hearings.
Maraming paraan para malaman ang napapagusapan: Andiyan ang Minutes of the Meeting (Brgy Session o Public Hearing sa mga Ordianansa at Resolution)na pwede kuning sa barangay; Pakikipagpulong sa inyong Punong Barangay at Kagawad (kayo ang naglukluk may karapatan kayo magtanong); at ang pagdalo at pakikinig sa isang Barangay Session.
Ang pag FB Live ng Session ay hinihikayat ng gawing normal sa lahat ng sessions ng Sanggunian halintulad na rin sa Live Session ng Kongreso at Senado.
Sa pamamagitan ng TRANSPARENCY na ito, makikita ninyo ang nagtratrabaho at may mga ordinansa at resolusyong nakalatag, bakit pinasa o binalewala, bakit ang gastos ng isang komite ay ganare at gay-on, saan napupuntang project ang budget ng barangay, ano-ano naka linyang proyekto at programa sa inyong barangay.
Karapatan at obligasyon ng mamamayan ang malaman ang nangyayari sa barangay...tandaan, ang may ginagawa makikita ang gilas, ang may tinatago, pilit umiiwas!
Mabuhay ang Serbisyong Barangay!
CTO to SA BARANGAY TAYO