
22/10/2023
Minamahal kong Barangay San Roque,
Samahan ninyo ako sa kabanatang ito kung saan pagtutulungan nating isulong ang mas progresibo, mas maayos at mas mas maunlad na San Roque.
Sa pagkakataong ito hayaan niyong hingin ko ang inyong tiwala upang maihandog ko ang paglilingkod na kapakanan ng mamamayan ang inuuna at bilang isang mabuting lingkod-barangay na tutugon sa pangangailangan ng mga kapwa ko kababaihan at tatalima sa tungkuling pagpapanatili ng maayos na Kalusugan ng ating mga ka-barangay.