15/06/2023
P35, 000 NA HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA NANG SALAKAYIN ANG ISANG DRUG DEN SA BRGY. BAGONG SILANG, PUERTO PRINCESA CITY
Humigit kumulang P35, 000 na halaga nang pinaghihinalaang shabu ang nakuha ng PDEA Palawan at ng Anti-crime task force nang kanilang salakayin ang isang drug den sa brgy. Bagong Silang Puerto Princesa City pasado 10:00 ng gabi kagabi, June 14, 2023.
Isa ang sa mga suspek na nakilalang si alyas Tin-tin, habang nakatakas naman ang dalawa pang kasama nito na sina Jose Marie Nava at Christian Salazar.
Nakumpiska naman ng PDEA ang limang pakete ng pinaghihinalaang shabu at iba’t ibang mga drug paraphernalia.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.