28/05/2025
Pagbibigay daan sa mga Emergency Vehicles sa mga kalsadang sakop ng NCAP, Walang dapat ipangamba dahil walang matitiketan - MMDA
Sinagot na po ng MMDA ang ating panawagan na bigyang linaw ang kinakaharap na problema ng mga Emergency Responders lalo na sa mga nasa hanay ng FIRE AND RESCUE.
Ayon sa naging sagot ng MMDA sa interview ng MEDIA at mga direct messages sa kanilang Official page. Hindi po matitiketan ang mga sasakyan na magbibigay daan para sa mga emergency vehicles dahil ayon sa kanila 2 beses daw itong irereview bago kumpirmahin kung kinakailangan bang tiketan ang isang motorista o hindi lalo na kung ang dahilan nito ay ang pagbibigay daan para sa mga Emergency Vehicles.
Kaya malinaw na huwag na po mangamba ang ating mga kapwa motorista na dumadaan sa mga kalsadang sakop ng NCAP na magbigay daan sa mga Ambulansiya, Fire Truck at iba pang emergency vehicles dahil sinigurado po nila na wala pong matitiketan dahil dito.
Maraming Salamat po sa MMDA sa pagbibigay linaw patungkol sa issue na ito at nawa po ay maipakalat ang ganitong impormasyon upang huwag parin pong maging dahilan ang ipinatutupad na NO CONTACT APPREHENSION PROGRAM para malagay sa alanganin ang buhay at mga ari-arian na kailangan respondehan ng mga emergency vehicles.
- Takbong Responde