03/09/2023
LATHALAIN | Mga Natatanging Hiyas para sa Korona ng Silangan
โ...kagandahang siyang nakikita o siyang nagpapakita?โ
Ano nga ba ang kahulugan ng salitang โkagandahanโ na kung saan sa munting parirala, malaking epekto mula sa pagkatao at mga ikinubling kawalan ng kapanatagan ng isang tauhan ay nabubunyag?
Narinig mo ba ang mga hiyaw ng madla, ang mga pangalan ng kandidatura, at ang mga palakpak na tilaโy may nanalo na. Hindi lamang ito ang mga karanasan noong Agosto 23, 2023, pahapyaw na senaryo ang mga sigaw at hiyaw na maririning mula sa madlang tangi lamang magbigay ng suporta para sa kani-kanilang nais magwagi sa hapon hindi malilimutan.
Subalit, sa bawat galak at saya na ipinakita ng mga kalahok, paano nga ba sila napunta sa entablado ng silangan? Sa buong maghapon na nakatayo at rumarampa, kinakaya pa ba nila? Ang mga ngiti at sagot para sa gantimpalang korona, nakakubli sa likod ng entablado ang prosesong hindi ninyo nakita.
Matagumpay. Ang mga naganap sa entablado at koronang kinakamtan ng bawat kandidatura ay isang matagumpay na paghahayag. Hindi lamang tagumpay bilang isang may titulong โLakan at Lakambiniโ ngunit bilang isang ehemplo at patunay na isang mag-aaral na may pakikipagkaisa sa bawat mag-aaral ng silangan. Maging isang boses ng nananawagan at tulong para sa kinabukasan, hindi lamang ng kani-kanilang Senior High Strand ngunit bilang isang buong departmentong Basic Education.
Bawat kalahok ay nagbigay ng kani-kanilang lakas ng loob at pagsisikap para sa Lakan at Lakambini ng Silangan. Ang mga lakan at lakambini ng bawat strand mula STEM, ABM, HUMSS, at TVL na siyang nagpakita ng ninanais na panibagong pagbabago sa sistema ng bawat mag-aaral mula sa adbokasiya ng mental health, self-growth, body positivity, pagpapalaganap ng politikal na kamalayan, at pagpapalaganap sa kamalayan sa pinansyal.
Sa lahat ng kalahok, nagwagi ang Lakan ng Silangan mula sa strand na ABM na si Ginoong Jhon Paul Celerno Sucatron at ang Lakambini ng Silangan mula sa strand na STEM na si Binibining Ashanty Noeryn Maceda. Muli silang inaasahan makita sa susunod na Mr. and Ms. UE 2023 bilang Mr. and Ms. Basic Education 2023.
Gayundin, ang ibang kandidato ay nakatanggap din ng karangalan at gantimpala: Mr. and MS Uprightness of Character, ang Lakan ng STEM at Lakambini ng ABM. Mr. and Ms. Excellence, ang Lakan ng ABM at Lakambini ng STEM. Mr. and Ms. Environmental Friendly, ang Lakan ng STEM at Lakambini ng ABM. Mr. and Ms. Moral and Social Responsibility, ang Lakan ng HUMSS at Lakambini ng STEM. Mr. and Ms. Loyalty and Integrity, Lakan at Lakambini ng TVL. Mr. and Ms. Service Orientedness, ang Lakan ng HUMSS at Lakambini ng STEM.
Iba-iba man ang ideya ng adbokasiya, iisa lamang ang nais ipahayag sa mga mamamayan. Hindi lamang isang titulo ng nagantimpalaan ngunit isang pagkakataon para maki-isa sa bawat mag-aaral ng silangan.
Nilathala ni: Therese Vergara
Larawan mula kay: Yzabelle Gomultim